C235 Chapter 235: A Box Of Orchids
WALANG imikan sina Ivana at Denise habang nasa biyahe sila patungo sa kompanya. Si Ivana na ang nag-presentang maghatid sa kanya dahil may importanteng meeting si Brielle ngayong umaga.
Nang huminto na ang sasakyan nito sa parking area agad na lumingon si Ivana sa kanya. “Babe, bakit ang tahimik mo ata? Nanibago ako sa’yo.”
Napahinto siya sa pagtanggal ng seatbelt niya, ngumiti rito