C244 Chapter 244: I Will Be Home Soon
DAMANG-DAMA ni Manang Carol ang paghihirap ng kalooban ni Reymond habang binabanggit ang mga katagang ito. Naintindihan niya kaagad kung bakit gusto nitong makipagmalapit kay Denise.
“Gusto mong iligtas ang anak ninyo katulad ng ginawa mo kay Kevin? Handa ka na bang harapin ang galit niya kapag nalaman niyang ikaw rin ang taong minsan ng nagkasala sa kanya