C261 Chapter 261: Ivana’s Confrontation- 2
AWA at galit ang nararamdaman ni Ivana ng mga sandaling ito. Awa dahil sa kalagayan ni Reymond, at galit dahil sa kasinungalingan nito at sa kasalanang ginawa nito sa matalik niyang kaibigan.
“Reymond, nababaliw kana talaga. Naiintindihan mo ba ang sinabi ko? Papatayin ka ng asawa ko! At ayokong mabahiran ng dugo ang mga kamay niya. Utang na loob ako naman ang makikiusap sa’yo