C264 Chapter 264: Carl Was Lost At This Moment
NANG magising na silang pareho mula sa maikling kasiyahan pumalit naman ang malaking gulo. Nanghihina siyang humakbang papasok ng silid na inuukopa niya.
Pagpasok niya agad na ibinagsak ang pagod niyang katawan sa kama. Paglapat ng likod niya sa malambot na kama saka lamang siya unti-unting nakaramdam ng bahagyang ginhawa ngunit napalitan din ito ng labis na lungkot