C269 Chapter 269: The Movie Marathon
NAPALINGON si Reymond sa kanya. Nagtatanong ang mga mata nito at bakas ang pagkadismaya sa anyo nito.
“Kung may balak kang bumili ng pares ng alahas huwag na. Hindi ko kailangan, maraming bagong set ng alahas na niregalo sa amin ni Mommy si Ivana,” paliwanag ni Denise para pawiin ang lungkot na dumaan sa mukha nito.
“Ganon ba? Sayang naman gusto ko sanang meron tayong remembrance