C275 Chapter 275: Unwrapping Reymond’s Identity
NAGPANGGAP si Andrei na tulog na. Hinintay lamang niyang humiga na rin ang Mommy niya sa tabi. Wala pang kalahating oras ramdam niyang tulog na si Denise dahil sa banayad nitong paghinga. Nakayakap ang mga braso nito sa kanya kaya’t marahan niyang tinanggal at dali-daling bumaba ng kama.
Malakas pa rin ang hangin at ulan sa labas dahil dinig na dinig ito mula sa loob