C278 Chapter 278: You Will Never Be At Peace
HINAMIG ni Reymond ang sarili saka ito tinulungan umupo ng maayos. Sinalat pa niya ang noo nito upang tiyakin na okay na nga ito.
“Ginulat mo naman ako,” bakas sa boses ni Reymond ang labis na pag-aalala.
Napansin ni Denise na nabasa ang kanyang damit, tumungo siya at dinama ang basang bahagi ng kanyang damit, “Natapon ba ang tubig,” aniya kapagdaka.
Marahang tumango si Reymond