C280 Chapter 280: Romantic Dinner Date
BAGO pa man sila humakbang patungo sa lamesang nakahanda para sa kanila nilagyan siya ni Reymond ng malambot at mahabang trench coat na dinala nitong sadya.
“Honey, isuot mo ito. Malamig ang hangin dito, baka magkasakit ka,” anito habang tinutulungan siyang isuot ang trench coat.
Tumingala siya rito, taimtim na nakatitig ang mga mata nito sa maamo at maganda niyang mukha