C44 Chapter 44: Invading Privacy
MAKALIPAS ang halos kalahating oras, natunton din ni Brielle ang villa na pag-aari ni Simon na nasa pangalan na ni Samantha sa kasalukuyan. Laking pasalamat niya at hindi gaanong mahigpit ang mga gwardyang nakabantay sa bukana ng exclusive villas na ito, dahil nong banggitin niyang may kaibigan siyang nakatira sa isa sa mga villas, hiningan lamang siya ng valid id na pinaiwan ng mga ito