C50 Chapter 50: Pleasurable Punishment
NAKAKABINGING katahimikan ang namagitan sandali. Puno ng agam-agam ang puso ni Samantha habang hinihintay ang muling sasabihin ni Jess sa kanya. Nagpakawala ng sunud-sunod na buntong hininga si Jess. Sukol na siya ng mga sandaling ito. Hindi siya pwedeng magsinungaling dahil batid niyang matalino ang asawa ng boss niya.
“Base sa nalaman ko, lihim na lumipad papuntang London ang tatay mo noon
