C56 Chapter 56: A Call To Her Cousin
TULOG na tulog si Brielle sa kwarto nilang mag-asawa dala ng matinding pagod at puyat. Nakatunghay lamang si Ivana sa kanya, at puno ng alalahanin ang isipan niya. Nagpakawala siya ng sunud-sunod na buntong hininga.
Lito ang isip niya dahil sa mga pangyayari. Naiipit muli ang pinsan niya, at nadamay pa ang mismong best friend niya