C66 Chapter 66: His Punishment
BRENDON blushed immediately. Pakiramdam niya lahat ng tingin ng mga ito ay nasa kanya. Pahamak talaga parati ang kambal niya, lahat ng gamit niya gustong pakialaman. Nasabi niya sa sarili ng lihim. Naiinis siya kay Brianna dahil sa taglay nitong kapilyahan at lagi siya nitong inaasar.
Pigil ni Brent ang sarili na huwag matawa dahil ayaw niyang lalong mapahiya ang apo