C68 Chapter 68: A Call To Cassandra Yun
SHE pushed him and rolled her eyes. Ayaw talaga nito magpatalo minsan kaya may mga pagkakataon na nag-aaway silang dalawa.
“Ewan ko sa’yo, di ka talaga nagpapatalo,” bigla na naman siyang nainis.
“Hahaha. Totoo naman ang sinabi ko ah. Ikaw kasi itong mainit agad ang ulo, alam mo namang pagod ako ng ilang araw na dahil sa problemang kinakaharap natin,” pagrarason nito
