C87 Chapter 87: I Need Your Help Son
NAGULAT pa si Brianna ng mabungaran ang ama sa pintuan. Niluwagan nito ang pinto para makapasok si Brielle.
“Morning dad!” bati nito habang naglakad pabalik sa kama.
“Morning princess,” sa mahinang boses balik-bati ni Brielle sa anak. Agad niyang napansin ang tulog pa sa kama na si Brendon. Kahit madalas nag-aaway ang kambal hindi naman ito naghihiwalay sa higaan