C89 Chapter 89: Contacting Catherine
HALOS mapugto ang hininga nilang pareho bago naghiwalay ang labi nila.
“Bakit sobrang lambing mo ata nitong mga nagdaang araw?” puna ni Ivana sa kanya. Sinusundan niya ang bawat kilos nito.
Umahon na mula sa bathtub si Brielle at kinuha ang towel sa lagayan.
Nagpunas muna siya, nagsuot ng roba, bago lumingon sa gawi ni Ivana. Nakangiting bumalik sa tabi nito