C91 Chapter 91: Mr. Yang’s Call
BRENDON halted his pace, turned around and looked at his mom. Gusto niyang balikan ito at tanungin ng harap-harapan kung bakit nito nagawang traydorin ang daddy niya ngunit mas pinili niyang manahimik nalang at hayaan ang ama niya na tanungin ang ina.
“Mommy halika na, pasok na tayo sa loob,” tawag niya sa ina, seryoso ang mukha niya na nakatingin rito
