C96 Chapter 96: Blood Is Thicker Than Water
NAPALUNOK si Harold ng tumitig si Ivana sa kanya, tila tumatagos hanggang kaluluwa niya ang tinging ibinigay nito. Gusto niyang lumubog sa kinauupuan dahil sa tindi ng kabang naramdaman habang hinihintay ang sasabihin nito.
Nababasa ni Ivana na kabado si Harold base sa galaw nito, bumalik ang mga mata niya kay Brielle, ngumiti ng matamis rito