C23 Thomb
Nasa likod ng bahay si Sheen at Imus ngayon. Nakaharap sila sa kagubatan na may mga punong nag tataasan. Pareho silang tahimik at pinapakinggan ang huni ng mga ibon.
"Tatiana," pukaw ni Imus sa atensyon ni Sheen. Napatuwid ng tayo ni Sheen.
"P-po?" Hindi sanay si Sheen sa pangalan ng Tatiana. Kahit pa ilang beses na siyang tinatawag na 'Tatiana' ay naninibago pa rin siya
