C5 Sleeping
"Akhil." Napa atras si Sheen sa nakita. She never saw Akhil in his vampire form, and now she's scared. Hindi manlang tumingin si Akhil sa kaniya at parang pinanghinaan siya ng loob. Hindi niya alam kung ba't nasaktan siya na hindi manlang siya tinignan ni Akhil.
"Really, Damien? Now you have a death wish huh?" Napatingin si Sheen kay Damien. He's calm. Parang sanay na ito sa kapatid.
"Calm down, Akhil, you're scaring her." Tila walang narinig si Akhil at mas lalong nagalit.
Sheen starts to step back. She can't look at Akhil, he's scaring her.
"I will kill you, Damien," bigla nawala ang dalawa sa harap ni Sheen. Napa hawak si Sheen sa lamesa sa gilid niya ng tila nanghina ang tuhod niya. She starts to slip down and sit on the floor.
'What happened?' A lone tears escape her eyes. Hindi niya alam ang nangyari. She starts to blame herself for being careless, hindi niya alam kung tama ba na sumama siya kay Akhil dito. Kaya naman niya siguro ang sarili sadyang nagpadala lang siya kay Akhil, marupok na ba siya nu'n?
Napayakap siya sa mga binti niya. Everything happened so fast, she remember she just want to buy ice cream and now she just had her first kiss! Yes, it was her first kiss, she had never experienced that kind of intimacy. She never had a boyfriend for twenty-two years. Sabihin na nilang old fashioned pero hinahanda niya ang sarili para sa mapapangasawa niya. And now those two just appear, Akhil with his 'thing' and Damien getting her first kiss.
Galit na pinahid ni Sheen ang luha. Aalis na lang siya, hindi maganda ang kutob niya dito sa bahay na 'to. She got up and leave the office, napatigil si Sheen ng makalabas, ang daming pinto at isang mahabang hallway ang bumungad sa kaniya
"What the.." bulong niya ng malaman na hindi lang basta bahay ito. Nasa palasyo siya!
"Mansion, not palace," napalingon si Sheen sa kaliwa at nakita sa Camilla. Ngayon niya lang napag masdan ang dalaga. She's taller than Camilla, her body is chubby but sexy, she's always wearing her black outfit which is fitted jeans and a tube top.
"Nasan ako?" Tanong niya dito.
"Nasa mansion ka ng mga Monasterio." Sagot ng babae. They start walking through the hallway.
"Bakit ang daming kwarto?" Nag tataka niyang tanong.
"That's the room of every Monasterio, some of them are still asleep, some are awake. Don't enter these rooms without permission, guest room is okay and Akhil's room—and Damine's office." Napaiwas siya ng tingin ng banggitin ang pangalan ni Damien. Naalala niya ang ginawa nito—I mean ginawa nila.
"Akhil will kill Damien." Napalingon siya kay Camilla. "You're aware that vampires read mind, yes?" Tumango siya.
"Papatayin ba talaga niya si Damien? I mean mag kapatid sila hindi ba?"
Natawa si Camilla. "Vampires can't kill each other—I mean we can but only those who have a royal blood like Monasterio's."
"Edi mamamatay nga si Damien, Monasterio sila hindi ba?"
Tumigil si Camilla sa pag lalakad kaya napatigil din si Sheen. "Let me tell you something," she felt Camilla's hand on her then the place changed. Nasa malawak na harden sila, napatingin siya sa Mansion sa kanilang likod, nakita niya ang balkonahe ni Akhil.
"Damien have a royal blood. Akhil, he gave up his blood and conceal it, I don't know how but some old vampires have their spell to conceal a royal blood if they want to end their life. Gusto ni Akhil maranasan ang tumanda. Once na pinili ng isang royal blood na itago ang kanilang pagiging dugong bughaw ay mararansan nilang tumanda, magkakaron ng hangganan ang buhay nila, pero pwede din nilang ibalik 'yun but there's a lot of process. Don't worry Damien won't kill Akhil."
Napatango si Sheen. She look around and a flower caught her attention. Lumapit siya doon at napangiti, kahit maliit ang bulaklak ay agaw pansin naman ito. "If Akhil gave up his royal blood, why he still have fangs and red eyes?"
Camilla chuckled. "He only gives up his blood not his life as a vampire."
Napatayo ng tuwid si Sheen. "So pwede maging tao si Akhil?" Hindi niya alam kung bakit parang natuwa ang puso niya sa isipin na magiging tao si Akhil.
Camilla nodded. "He must accept the consequences."
"What consequences?"
Napatingin si Camilla sa likod ni Sheen. "They're here." Napatingin din si Sheen sa likod niya.
Nakita niya si Akhil at Damien. Her eyes focused on Akhil. Humakbang siya para salubungin ang lalaki.
"Akhil," tawag niya dito. He look at her, straight to her eyes. Hindi niya alam kung bakit biglang natuwa ang puso niya na tinignan na siya nito. Napangiti siya.
"Let's go." Malamig na tugon nito at hinuli ang braso niya ng makalapit siya dito.
Masanay na dapat siya na walang kwenta ang paglalakad kapag kasama niya ang mga bampira. Napa isip siya. If he can teleport why did they use her car? Sayang ang gasolina.
Lumitaw sila sa kwarto ni Akhil. Hindi niya alam kung paano nila nagagawang makarating sa isang lugar ng wala siyang nararamdaman, in just a blink viola! She don't feel anything.
Napatingin siya kay Akhil ng bumitaw ito sa kaniya at pumasok sa CR. Pinanood niya lang ito sa ginagawa, may kinuha ito sa loob ng CR at lumabas ulit.
"Akhil," agaw niya sa atensyon niya. Tumigil ang lalaki at hinarap siya. Nag lapat ang labi niya ng tumitig ito sa kaniya, bakit ba ang hilig tumitig ng mga bampira dito?
"Ahm," she can't find her words. Nag likot ang mata niya at umisip ng sasabihin, wala naman kasi talaga siyang sasabihin feel lang niyang tawagin ang lalaki.
"Aalis na ba tayo?" Natanong niya.
"No, we will visit someone." Sagot ng lalaki habang salubong ang kilay. Gwapo si Akhil, para itong model na nakikita niya sa mga magazine. Masasabi niyang perpekto ito kung ngingiti lang ito ng totoo, kaso parang may galit ata sa mundo ang bampira na ito at hindi ngumingiti—ngumiti naman kaso peke.
"Sino? Saan? Kailan?" Sunod sunod niyang tanong. Naalala niya hindi pa siya naliligo, hindi niya alam kung nakabili na ba si Camilla ng mga gamit niya.
Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto. "Come in." Bumakas ang pinto at pumasok si Camilla. May hawak itong paper bag.
"Sheen, this is your clothes, may panty and bra jan. Don't worry sakto 'yan sayo." Kinindatan siya nito. Hindi siya nakahakbang ng si Akhil ang umabot ng paper bag.
Sumara ang pinto at nawala na si Camilla.
"Take a shower." Inabot nito ang bag sa kaniya.
Tumango siya at pumasok sa CR. Hindi niya alam kung paanong ligo ang gagawin niya, aalisin niya ba lahat ng damit niya? Or babasain niya na lang?
She decided to remove her clothes and undergarments. Binilisan niya lang ang ligo ng maalala niyang wala siyang dalang tuwalya.
"Sh*t!" Napamura siya ng makitang basang basa siya.
"Adreline," napatingin siya sa pinto ng CR. Kumatok si Akhil doon. "I have towel here." Umalis siya sa ilalim ng shower at nag tago sa likod ng pinto. She open the door where the towel could fit in.
"Akin na." Nahihiya niyang nilabas ang kamay.
Inabot naman ni Akhil ang towel, hihilahin na sana niya 'yun ng maramdaman na hawak pa din ni Akhil ito. "A-akin na," kinakabahan niyang hinila ang towel.
"You saw my 'thing' right?" Namula siya ng pumasok nanaman sa isip niya 'yung 'thing' ni Akhil. "I should see yours too."
"Akhil!" Asar niyang hinila ang towel at binitawan naman ito ng lalaki. Nawala ang gusot sa mukha niya ng marinig ang tawa ni Akhil, hindi niya alam kung nabingi ba siya o talagang ang sarap sa tenga ng tawa ng lalaki. It sounds so genuine.
Napahawak siya ng mahigpit sa towel ng tumibok ang puso niya. Napahawak siya sa dibdib nang parang gusto kumawala ng puso niya habang pa ulit-ulit sa utak niya ang tawa ni Akhil.
"Adeline, faster!" Nabalik siya sa ulirat ng marinig ang sigaw nito. Napailing siya ng may pumasok sa isip niya, ayaw man niyang aminin pero, in love na ba siya kay Akhil? But she kissed Damien and it calms her. Napahawak siya sa ulo. 'I'm not hitting these two brothers right?' Mahina niyang sinampal ang sarili. She can't feel something for two vampire.
Nag bihis na siya. Sakto ang undergarments na binili ni Camilla, nagulat siya ng makitang hindi damit ang binili ni Camilla kundi dress, isang itim na dress na may manipis na strap. Tinaas niya ang dress at pinag masdan 'yun, maganda ito simple lang kinapa niya ang dibdib ng dress, may foam na ito sa loob. Tinanggal niya ang bra at sinuot ang dress, saktong sakto ito sa kaniya. Malambot ang tela na umabot hanggang taas ng tuhod niya.
Medyo nailang pa siya ng makitang labas ang cleavage niya. Hindi na lang siya nag tali ng buhok para hindi masyadong exposed ang kaniyang balikat.
Napangiti siya ng humarap siya sa salamin. 'Revealing' kumento niya.
Lumabas siya sa CR at nadatnan si Akhil sa balkonahe. She fake cough to get his attention.
Napalingon si Akhil ng marinig ang dalaga. He was stunned. Napatingin siya sa kabuoan ng dalaga. 'Gorgeous' he thought. Pinigilan ni Akhil mapangiti ng makitang naiilang ang dalaga. He loves staring at her, he can't help but to be amaze with her beauty. So natural.
"Panget ba?" Napa angat ang tingin ni Akhil sa mukha ng dalaga. Lumapit siya dito at umiling.
"You're stunning," kumento niya.
Namula ang pisnge ng dalaga at umiwas ng tingin. Kumunot ang noo ni Akhil at hinuli ang baba nito. Pinaharap niya ito sa kaniya. Hinawakan niya ang pisnge nito na namumula. "You're blushing." Puna niya dito na lalong kinapula ni Sheen.
"Hindi ah!" Tanggi naman ng dalaga na kinatawa ni Akhil ng mahina. Napaharap sa kaniya ang dalaga ng marinig siya. "You laugh again." Amusement dance's on her eyes.
Hinawakan ni Akhil ang braso ni Sheen at iginaya ito sa pinto.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Sheen kay Akhil habang tinatahak nila ang mahabang hallway.
"Uncle Zach. I will ask him some few questions." Napatango si Sheen at nagpatianod na lang.
"Vampire din ba siya?" Usisa ni Sheen. Naramdaman ni Sheen ang palad ni Akhil sa likod niya, napangiti siya ng maramdaman ang mainit nitong palad. Pasimple siyang dumikit pa dito. He's wearing black polo and black slacks with a pair of black shoes. Ang pang paa naman niya ay ang suot niyang white sandals simula kahapon.
"Yes." Maiksing sagot ni Akhil. Matapos ang mahabang lakarin sa hallway ay narating nila ang malaking hagdan, para itong hagdan sa Titanic. Nag lakad sila pababa. Hindi siya makapaniwala na ang laki ng mansion nila Akhil. Napatingala siya ng mapansin ang malaking Chandelier sa uluhan nila.
The walls are made of thick woods and concrete. May ilang piraso din ng mga estatwa sa ibang sulok. Pagbaba nila ay ang malaking pinto na wari niya ay ang pinto palabas. Sa kaliwa at kanan niya ay mahabang hallway ulit, at nakikita niya ang mga pinto na paniguradong kwarto din tulad sa taas.
"Akhil, sabi ni Camilla sa'kin may ibang Monasterio na tulog pa at may ibang gising na, anong ibig sabihin ng tulog pa?"
Binuksan ni Akhil ang malaking pinto, sapat para mag kasya silang dalawa. "We had a war with werewolves decades ago, some of us are wounded and some just had a scratch. To be able to heal we need to sleep to gain strength."
"You? What happened to you after the war?" Nag aalalang tanong ni Sheen.
"I survived, I just had a scratch."
"Doon mo ba nakuha 'yung sugat mo sa tagiliran?"
"No."