The Vampire’s Child/C6 What am I?
+ Add to Library
The Vampire’s Child/C6 What am I?
+ Add to Library

C6 What am I?

Sheen was busy watching the woods. Noong umalis sila sa mansion ng Monasterio akala niya ay highway ang dadaanan nila, gubat pala.

Napasimangot siya at tumuwid ng upo. "Bakit naka kotse tayo? Akala ko ba nakakapag teleport kayo? Sayang 'yung gasolina ang mahal mahal pa naman." Mahaba ang nguso ni Sheen habang magka krus ang mga braso.

"We can't just teleport everywhere," Akhil is busy driving her car. "Don't worry I will pay for your fuel, I can give you lifetime access for that. It's free." Natuwa si Sheen sa narinig at pumalakpak.

"Totoo 'yan ha! Walang bawian, I will hunt you if you're TS."

"What's TS?"

"Talksh*t, nevermind—nababasa ko lang sa mga social media. Anyways, I have a question. Monasterio ba si Camilla?" She's been aching to ask Camilla but she always forgot.

"No. She's a Rivero, they are half-lings." Sagot ni Akhil.

"Anong half-lings?"

"Half-vampire half assassins, our ancestors recruit her family to serve Monasterio and give their life for the family. Camilla became our friend since she's the only one who can tame Damien." Napahawak si Sheen sa braso niya at bahagyang kinuskos ang palad doon. 'Damien, Damien, Damien'

Bumilis ang takbo ng kotse kaya nilingon niya si Akhil. She saw him gripped to the steering wheel, his brows are arch.

Napahinga ng malalim si Sheen. He can read her mind. Ayaw ni Sheen mag isip ng kung ano-ano. "Akhil," umangat ang kamay niya para hawakan ang braso ni Akhil. He flinch. Unti-unting bumagal ang pag takbo ng kotse. Hindi niya alam kung gaano pa kalayo ang tatahakin nila at kung gaano ba kalawak ang gubat na 'to. At bakit nasa gubat ang bahay ng Uncle Zach ni Akhil.

"Don't talk to him." Napatitig si Sheen sa mukha ni Akhil. He's not looking at her, his eyes are focused in front.

Napangiti si Sheen. Nag seselos ba si Akhil? Did he see them earlier? Is he mad because she and Damien kissed?

"I won't, I promise. But if it's necessary, ahm I will."

"There's nothing important for the both of you to talk." Napangiti siya sa sagot ng lalaki. Nag seselos nga. "I'm not."

Natawa si Sheen ng basahin nito ang isip niya. She starts chanting 'Akhil is jealous' on her head making Akhil groan.

"Someone's jealous," pag paparinig ni Sheen. Natawa siya sa pang aasar kay Akhil. Napatigil lang siya ng tumigil ang sasakyan. "Dito na ba 'yun?" Tanong niya. She look around but she didn't see any house.

She faces Akhil. Nagulat siya ng nakatingin ito sa kaniya. "Bakit?"

"Did you like it?" Tanong ni Akhil kaya nag salubong ang kilay ni Sheen.

"Like what?" Naguguluhan niyang tanong.

"The kiss." Sagot ng lalaki. Sheen was taken aback of the answer. Naalala nanaman niya ang pag halik sa kaniya ni Damien. She kissed him back, but she didn't mean to, her body took over and she didn't know what she's doing. Naalala niya ang naramdaman niya kanina sa katawan niya.

"No," maiksing sagot ni Sheen. It's not her will, something wrong with her body earlier. "I don't like what happened earlier and I'm not doing that again." Dugtong niya.

"Will you allow me to remove Damien's kiss?"

Nanlaki ang mata niya. "Really? Kaya mo 'yun? Magiging virgin na ulit lips ko?"

Akhil chuckle. "No. Come here." Dahil uto-uto si Sheen ay nilapit niya bahagya ang katawan kay Akhil.

Namilog ang mata niya ng hapitin ni Akhil ang batok niya at lumapat ang labi nito sa kaniya. He didn't move for a seconds then he pull back. It's just a smack but Sheen felt like she's in another dimension. Hindi agad siya nakagalaw.

"I didn't like it when I saw you kissed Damien, don't do that again."

Napakurap si Sheen bago sunod-sunod na tumango. Bilog na bilog ang mata ni Sheen ng sumandal siya sa upuan. Tila nawala siya sa sarili.

"Are you okay? Did I scare you?" Tanong ni Akhil ng mapansin na hindi kumikilos si Sheen at nag sasalita.

Nabalik sa sarili si Sheen at nag sink in sa utak ang nangyari. When she kissed Damien she don't feel anything, it was her body that dictate her to kiss back. But Akhil, when Akhil kissed her she wanted more, it's like she don't want to let go. 'Lambot ng labi' ani Sheen sa isip.

"You can ask if you want more." Napalingon siya kay Akhil. Her face is red and she felt something inside her belly, parang kinikiliti siya. 'I want more' aniya sa isip.

"Coming right away," Akhil remove his seatbelt and lean and cup her face. "Forget Damien's kiss." Ani Akhil bago angkinin ang labi niya. Hindi pa siya nakakaget over sa smack nito pero heto at magkalapat nanaman ang labi nila.

She close her eyes and welcome Akhil. She kiss him back, her arm wrapped around his neck. Naramdaman niya ang bisig ni Akhil sa kaniyang bewang at bahagya siyang hinapit. Their lips start lapping, she open her mouth to give Akhil more access. He slip his tongue and lick every corner of her mouth. Sheen can't help but moan. Napahawak siya sa likod ng ulo ni Akhil at bahagyang napasabunot doon.

"Hmm.. hmp..." nakipag laban ang dila ni Sheen kay Akhil. Tila nawala si Sheen sa sarili niya at sumabay sa bawat galaw ng labi ni Akhil, hindi niya alam kung paano niya ito ngayon nagagawa kusanng sumusunod ang labi niya kay Akhil.

He deepened the kiss and hug her tightly. He groan and let her go. Napatingin si Sheen sa mata ni Akhil, it's red. Ngayon niya lang ito nakita ng malapitan. Hindi purong itim ang mata nito, makikita sa gitna ng mata nito ang gold na bilog at ang maninipis na itim na veins sa palaigid. It's beautiful. Umangat ang kamay niya para hawakan ang paligid ng mata nito.

"Beautiful," may sumupil na maliit na ngiti sa labi ni Sheen. She kiss the bridge of his nose. Napapikit si Akhil sa ginawa niya kaya hinalikan din niya ang talukap ng mata nito.

"I like you, Akhil." Bulong niya. Kusang lumabas 'yun sa mga labi niya. Napamulat ang mata ni Akhil at tumingin sa mga mata niya. His eyes were back to normal.

"You don't like Damien?" Napairap siya at bumitaw sa lalaki. Panira ng moment. Mahina niyang tinapik sa balikat ito.

"Bakit nasali si Damien?"

"Because you two kissed?" Umikot nanaman ang mata ni Sheen.

"Yes we kissed but it has no meaning," sagot niya sa lalaki. "Stop mentioning his name please, naaalala ko ang ginawa kong kahibangan."

"So our kiss has meaning?"

Napatingin siya sa lalaki. Walang emosyon ang mukha nito. "I like you Akhil, that kiss have meaning for me ofcourse." Gusto din sanang itanong ni Sheen kung gusto din ba siya ng lalaki pero ayaw niyang sumagot ito ng pilit.

She doesn't want to expect. If he likes her he will tell her without forcing him or asking him.

"We should go, baka abutin tayo ng dilim." Hapon na kasi at nakikita niyang dumidilim na ang kaliwang bahagi nila. Akhil start maneuvering the car.

Tumahimik ang loob ng kotse pagkatapos ng kanilang pinag saluhang halik. Nahihiya si Sheen mag salita. She just admit that she likes him, and she don't know what to say. Kung alam lang niyang magiging awkward sila dalawa hindi na siya umamin. Feeling tuloy ni Sheen ay umiiwas na si Akhil sa kaniya.

They arrived at their destination. Namangha si Sheen ng makita ang two storey na bahay. Gawa sa konkreto ang ibang bahagi ng bahay habang ang iba ay gawa sa matibay na kahoy. It's made of European Spruce Wood, makinis ang kahoy at maganda ang kulay bagay na bagay sa paligid. Hindi niya alam na naasa gitna pala ng kagubatan ang bahay ng Uncle ni Akhil.

Lumabas si Akhil ng kotse at umikot para pagbuksan siya ng pinto. Nahihiya naman siyang lumabas at napatingala sa taas ng bahay. May babae kasi sa terrace ng ikalawang palapag. She's looking at her, nagulat siya ng mawala ito doon at lumitaw sa harap nila. The woman looks like on her 40's.

"Hello, Akhil," bati nito kay Akhil bago tumingin sa kaniya. "Who's this beautiful lady with you?" Nakangiti itong lumapit sa kaniya. Nakipag beso ito sa kaniya.

"She's Adeline," pagpaapakilala ni Akhil. Ngumiti ang babae sa harap nila. "Adeline this is Auntie Catastrophe Uncle Zach's wife, Aunt where's Uncle Zach?"

She wave her hands to the woman. Ngumiti ito sa kaniya. Iginaya sila nito papasok sa bahay. Kung sa labas ng bahay ay maganda ito, sa loob naman nito ay mas maganda. Modern na modern ang itsura, ang mga gamit sa loob ay gawa sa kahoy.

"Nasa opisina niya, you know your Uncle, he loves reading. Oh! What brings you here?" Anito ng umakyat sila sa hagdan papunta sa ikalawang palapag.

"I will ask him some questions."

Aunti Catastrophe hummed. "I will make your drinks, Adeline come on, help me." Nahihiya siyang sumunod sa babae. Kumaliwa sila habang si Akhil naman ay sa kabilang bahagi.

May kusina din sila sa ikalawang palapag, maliit lang 'yun at mukhang pang snacks lang laman at wala siyang nakitang lutuan. "I guess you know our existence." Basag ng babae sa katahimikan habang gumagawa ito ng inumin. Naupo siya sa isang upuan.

Ngumiti siya at tumango sa babae. "You can call me Auntie Eunice," naupo ito sa kaharap niyang upuan. "I'm just like you before, Adeline, scared and confused. You will understand all of this when the right time comes."

"What do you mean 'before'?" Nag tataka niyang tanong.

"I was a human too, but because of love, I chose to be a vampire. I chose Zach over my family, I was broken when I met Zach. He's the one who saves me from breaking, I don't regret my life now." Napangiti si Sheen sa narinig. Love really can change people. "You're Akhil's girlfriend, right?"

Namilog ang mata ni Sheen at umiling. "Hindi po!" Mabilis niyang tanggi. Ngumiti naman si Auntie Eunice na parang hindi naniniwala sa sinabi niya.

"You're special, Adeline." Makahulugang saad ng ginang bago inayos ang mga hinanda nitong pagkain. Dala nila ang dalawang tray ng juice at slice ng cake.

Sumunod lang siya sa ginang habang napapatingin sa mga pictures sa dingding. Marami 'yun at tila may gathering ang bawat picture.

"They are the Monasterio, Zach put these pictures here."

"Ang dami nila." Komento niya.

"They are, from their grandparents."

"Buhay pa ang magulang ng mga lola't lolo nila?" Mangha niyang tanong.

Auntie Eunice chuckle. "Yes, although they're starting to age because they've been living for over centuries." Namangha si Sheen. Matagal na palang nabubuhay ang mga bampira. Siguro ay talagang hindi lang nila gustong ilabas sa publiko ang sarili dahil maaaring hindi magkasundo ang mga tao at bampira. Hindi na magiging balanse ang mundo.

Nakarating sila sa tapat ng isang pinto. Auntie Eunice open the door. Pumasok sila doon at naabutin si Akhil at ang Uncle Zach siguro nito. Muntik na siyang mapanganga ng makitang napaka bata ng itsura ng Uncle Zach nito, tila kasing edad lang ito ni Akhil.

"Hello darling," bati ni Aunti Eunice sa lalaki. "Come Adeline, put that here." Sumunod naman siya at nilapag ang dala sa center table.

Nakaupo sila ni Akhil sa sofa na hindi kahabaan habang ang Uncle nito ay nasa single sofa at si Auntie Eunice ay nakaupo sa arm rest habang naka ikot ang braso sa balikat ng asawa.

"This is Adeline, Adeline this is Uncle Zach." Nailang si Sheen sa paraan ng pag titig nito sa kaniya. Tila binabasa nito ang isip niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang mag mano dito, yumuko or kumaway—or baka lumuhod?

Narinig niya ang mahinang tawa ni Auntie Eunice. "Don't scare her, Hon." Umiwas ng tingin si Uncle Zach sa kaniya.

Kung si Akhil ay malamig at walang emosyon mas dumoble ang tiyuhin nito. Naisip tuloy ni Sheen kung paano ito napapaamo ng asawa. Para kasing malaki ang galit sa mundo, maliban doon ay nakakatakot din itong tumingin. And the fact the he's a vampire really scare her.

"She's not a human, I can tell. Where did you get her?"

Nag salubong ang kilay ni Sheen. I'm not what?

I'm not human?!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height