The Vampire’s Child/C7 Am I alien?
+ Add to Library
The Vampire’s Child/C7 Am I alien?
+ Add to Library

C7 Am I alien?

"Teka—teka ha, ako ba pinag uusapan niyo?" Agaw niya sa atensyon ng mag tiyo. Parehong tumingin ito sa kaniya. Pinandilatan niya si Akhil na prenteng nakatingin sa kaniya.

"What is this? Ako ba dahilan ng pinunta natin dito?" Tanong niya kay Akhil.

Akhil holds her hand to calm her down. "Calm down, let's talk okay?"

Huminga siya ng malalim. "What's wrong? Anong hindi ako tao? Ano ako? Alien ba ako?" Kinakabahan niyang tanong. Hindi naman na siya mag tataka, wala siyang magulang, ni pangalan manlang ng mga ito hindi niya alam. If vampires exist, then aliens too. Baka alien nga siya!

"You're not alien." Nakahinga ng maluwag si Sheen sa sinabi ni Akhil.

"Tell me," napatingin siya kay Uncle Zach. "Do you know anything from your parents?"

Umiling siya. "Hindi ko kilala ang magulang ko, lumaki ako sa bahay ampunan. Noong tumuntong ako ng dise otso anyos ay nag desisyon na ako mamuhay mag isa at umalis sa bahay ampunan. Ang sabi ng mga sister na nag alaga sa akin nakita na lang daw nila ako sa pinto ng bahay ampunan, walang sulat o ano man. Mga sister din ang nag bigay ng pangalan ko—am I not really human?" Napa isip tuloy siya. Baka sirena siya na tinubuan ng paa, or baka duwende, hindi naman siguro siya bampira dahil hate niya ang lasa ng dugo. Hindi din niya kayang gawin ang mga bagay na nagagawa ng isang bampira.

What is she?

Napahawak siya sa kamay ni Akhil. She starts rubbing her thumb on his skin, she's nervous. Kaya ba parang may kakaiba sa kaniya? 'Yung nararamdaman niya sa katawan niya, may kinalaman ba 'yun sa pagiging unknown creature niya? Hindi kaya dinosaur siya?

Hindi alam ni Sheen kung kakabahan o matatawa sa iniisip. Ang dami na niyang nai-imagine.

"Akhil told me what happened to you yesterday, what is it? What do you feel?" Napatingin siya kay Akhil na kanina pa nakatingin sa kaniya.

"I can't explain. Pero ang naaalala ko nagising ako na masakit ang ulo, parang pinupukpok ang bawat sulok tapos biglang may sumuntok sa tiyan ko—I'm not pregnant right?" She's confused of what's happening. "I mean, I can't be pregnant because—you know I'm a—child! Yeah I'm a child."

Napangiwi siya ng umiling si Uncle Zach. "This is not making any sense. How can we not smell her blood, we can't control her mind, we can't even get inside." Anito habang napasandal sa likod ng upuan.

"You can control minds?" Gulat niyang tanong. Her gaze turn to Akhil who's now avoiding her. Bahagya niyang hinila ang kamay nito. Napatingin si Akhil sa kaniya.

"You control minds?" Ma anghanng niyang tanong.

Tila nag aalangan pang sumagot ang bampira. "Yes." Umiwas ulit ito ng tingin.

"You did not tell me!" Galit niyang bulong dito. She's not scandalous person. Nakakahiya naman sa tiyo at tiya ni Akhil kung sasabunutan niya ito sa harap nila.

"Go on girl, grab his hair. I support." Napatingin siya kay Auntie Eunice. Nabasa ba nito ang iniisip niya?

What a reckless. All of them read minds, ano ba pa ipag tataka niya.

Inirapan na lang niya si Akhil at binitawan ang kamay nito. "Don't you dare talk to me, Akhil." Banta niya sa lalaki.

Tila natakot naman ang lalaki sa sinabi niya. "What?!"

"What what ka jan, mangisay ka jan."

Akhil grabe her hand making her face him. "Adeline." Tinitigan siya nito sa mata. Napahaba ang nguso ni Sheen. 'Rupok'.

"Hindi mo sinabi na kaya mo mag kontrol ng isip ng tao." Nakasimangot niyang sumbong dito.

"You didn't ask." She tsked.

"Let's start with the orphanages, maybe they know something." Sabi ni Uncle Zack bago tumayo.

Tumayo din sila. Lumapit sa kaniya si Auntie Eunice. "You can stay here for tonight, come on we have room for the two of you."

Sumunod siya kay Auntie Eunice, naiwan sa loob si Akhil at ang Tiyo nito.

Dinala siya ni Auntie Eunice sa isang kwarto sa taas. Maganda at malinis ang loob, gawa din sa kahoy ang kama na pinatungan ng makapal na foam, may side table sa kaliwa at isang wooden lampshade sa ibabaw.

"Tell me if you need anything, I will prepare the dinner. You can use the bathroom, may mga damit sa loob na hindi gamit, para sa mga bisita 'yun. Make yourself at home, okay?" Nahihiya siyang tumango sa ginang.

Nag paalam ito at lumabas ng kwarto. Natutuwa siya dahil mabait si Auntie Eunice. Nag tataka lang siya kung bakit wala siyang makita na anak ng dalawa.

Huminga siya ng malalim at pumasok sa CR. She remove her clothes and start taking a bath, humanap na muna siya ng tuwalya bago maligo. Naalala niya ang mga damit na hinubad kanina at nilagay niya sa paper bag, sana walang makialam noon sa CR ni Akhil.

Lumapat ang malamig na tubig sa balat niya. She felt relive. Parang kahapon lang ine-enjoy niya ang sarili sa bahay niya mag isa, tapos ngayon nakikisalamuha na siya sa mga bampira na hindi niya alam na nag e-exist pala. And they think she's not a human. Feeling niya ang ilang taon niyang pamumuhay ay peke.

Natatakot siya para sa sarili niya. What if they are guessing the truth? What if she's not really a human? Anong mangyayari sa kaniya?

Ang dami niyang tanong pero wala siyang maisagot. If they find out what she is, if Akhil find out, will he accept her?

'Hindi pa nga ako sinasagot sa pag amin ko parang ma re-reject na agad.' Aniya sa isip.

Tinapos na niya ang paliligo. She was drying her hair when she realize something. "Wala akong bra!" Napatakip siya sa bibig.

"Hala! Hala!" Nataranta siya. "Pati panty!" Nasapok niya ang sarili.

Nagpaikot-ikot siya sa loob ng CR. Tinapis niya ang tuwalya sa katawan at sumilip sa loob ng kwarto. Wala pa si Akhil. Lumabas siya at nilock ang pinto ng kwarto.

Kumpleto ang damit at short sa banyo pero walang undergarments. She didn't prepared anything with her. Hindi naman niya ine-expect na magpapalipas sila ng gabi dito.

She heard a knock on door. Lumapit siya sa pinto. "Akhil?"

"Yes, why did you lock the door? Is there something wrong?"

"Ahm, wala, can you call Auntie Eunice?" Utos niya sa binata.

Matagal bago ito sumagot. "She's here."

Binuksan niya bahagya ang pinto. Nakita niya si Auntie Eunice. "What's wrong?" Tanong ng ginang.

"Ahm, can you come in?" Napangiwi siya. Nakangiti naman tumango ang ginang.

"How about me?" Humarang si Akhil sa pinto.

"Give us privacy, Akhil. This is for girls only, you're not gay, right?"

Mabilis tumanggi si Akhil. "Ofcourse not!"

"Then give way." Umalis ito sa daan at pumasok si Aunti Eunice. Nagulat ito ng makitang nakatapis siya ng tuwalya. Sinara niya ang pinto at nilock.

Nahihiya siyang ngumiti dito. "Ahm, wala po kasi akong dala na undergarments, may extra po ba kayo?"

Napangiti ang ginang. "I have, hindi ko pa nagagamit."

"Nakakahiya!" Gigil niyang bulong na narinig ng ginang.

Mahina itong natawa. "It's fine. Naaalala ko ang anak ko sa'yo." Napatingin siya sa ginang.

"May anak po kayo?" Natampal niya ang bibig sa pagiging usisa. "Sorry po."

"No, it's fine." Inakay siya ng ginang paupo sa kama. "May anak kami ni Zach, si Ceyrius at Cassidy. They're twins, unluckily they're are still sleeping in their coffins, something happened when the wolves found our house—which is outside when we are still living with humans. That's the reason we decided to live here, to avoid contact with humans and less attention from werewolves."

"Nasan po sila ngayon?"

"Nasa mansion ng Monasterio, mas ligtas sila doon. Nag hihintay pa rin kami na magising sila."

Tumango si Sheen. "Matagal na po ba silang natutulog?"

"Five years, they are sleeping for five years now." Malungkot na sambit ng ginang. Hinawakan niya ang ibabaw ng kamay nito na nasa hita.

"Gigising din po sila, kailangan lang nila ng lakas. I know they missed you too." Pagpalubag loob niya sa ginang.

Ngumiti ito sa kaniya at pinahid ang luha sa pisnge. "Kukuhain ko na ang kailangan mo okay, pagka bihis mo ay bumaba ka na rin, sabay sabay na tayong kumain." Ngumiti siya at tumango.

"Salamat po."

Nag pasalamat si Sheen dahil tama lang sa kaniya ang mga undergarments na binigay ni Auntie Eunice. Pag tapos niyang mag bihis ay bumaba din agad siya.

Naabutan niya si Akhil sa sala, naka upo ito sa sofa at parang malalim ang iniisip.

"Psst." Agaw niya sa atensyon nito. Tila nagulat pa ito.

"Adeline," mabilis itong lumapit sa kaniya at sinipat ang kabuoan niya. "Are you okay? What happen? Are you hurt? Did your head hurt again?" Natawa siya sa inasta ng lalaki.

"Chill, umaasa na tuloy ako na gusto mo din ako," pabiro niya itong siniko. "Okay lang ako, humingi lang ako favor kay Aunt Eunice." Pagpapakalma niya sa binata.

"What is it?" Kunot noo nitong tanong.

Umiling si Sheen. "Girls only, remember?"

Lumabas sa isang pinto si Aunt Eunice na may suot na apron. "Adeline, come let's eat, Akhil come on."

Sumunod sila dalawa papasok sa kusina. Isang mahabang lamesa na gawa sa kahoy at walong upuan na gawa din sa kahoy ang bumunga sa kanila. Nakaupo sa kaliwang dulo si Uncle Zach, sa kaliwa nito ang asawa, umupo na din sila ni Akhil sa kanan bahagi ng lamesa.

Natakam siya sa mga nakahandang pagkain. "Eat, Adeline. Don't limit yourself, kumain ka lang." puna ng ginang ng makitang konti lang ang sinandok niyang pagkain.

Magana silang kumain ng hapunan pero naputol 'yun ng may marinig silang kalabog mula sa taas. Napatingin silang lahat sa kisame. Mula sa ikalawang palapag ang ingay. Napatingin siya kay Akhil.

Tumayo si Uncle Zach at Akhil. Napahawak siya sa kamay ni Akhil.

"It's fine." Mahinahon nitong bulong.

"Hon, get Adeline. Go to the basement." Hindi alam ni Sheen ang nangyayari.

Lumapit si Aunt Eunice sa kaniya at hinawakan siya sa kamay. "It's okay, let's go."

Tumingin si Sheen kay Akhil. Nagulat siya ng lumapit ang lalaki sa kaniya at at hinagkan siya sa noo. "Don't pass out again, Adeline." Pabiro niyang pinalo ang dibdib ng binata.

"Keep safe." Bulong niya dito bago nag pahila kay Aunt Eunice.

Lumabas sila ng kusina at tinahak ang palikod na bahagi ng bahay. Habang si Akhil at ang Tiyo nito ay tinahak ang daan papunta sa ikalawang palapag kung saan galing ang ingay.

Lumabas sila ng bahay. Madilim na ang paligid.

Nagulat sila ng may humarang sa harap nila. "Hello, Eunice." Mabilis siyang tinago ng ginang sa likod nito. Bumilis ang tibok ng puso ni Sheen.

Ito ang iniisip niya simula noong sumama siya kay Akhil. She's thinking of the danger she will face for accepting Akhil's offer to come with him.

"Aw, you're protecting the wrong one, you are the one who needs to be protected." Babae ang kaharap nila.

"What are you doing here Clever?" Tanong ni Eunice.

"Ahm let me think—oh! We're looking for someone and I think you have her." Bahagyang sumilip si Sheen sa babae. Mula sa liwanag ng buwan ay nagawa niyang maaninag ang mukha ng babae.

'It's her!' Naalala niya ang babae na kumatok sa bahay niya. Naalala niya ang sinabi ni Akhil na asong lobo ito.

Kasama ba nito ang dalawang lalaki na may malalaking katawan? Napatingin siya sa bahay sa likod nila. Kung kasama nito ngayon ang dalawang lalaki maaaring ito ang nasa loob ng bahay. Sumidhi ang pag aalala niya kay Akhil at sa Tiyo nito.

"We don't need to fight, Eunice, you can just hand her to me and we will leave."

"What do you want from her?" Matigas na tanong ni Eunice.

"If you ask me? I don't need her, but the Alpha, he needs her. Hand her to me and we're done."

Mas lalo siyang tinago ni Eunice sa likod. She's fighting to not passed out, it won't help the situation.

"Hindi ko siya ibibigay sa'yo, Clever."

"Come on, Eunice. Gusto mo ba magaya ka sa mga anak mo?"

Tila inapuyan si Eunice sa narinig. Napa atras si Sheen ng biglang nawala ang dalawa sa harap niya. Then she heard noises everywhere. They're fighting and she can't see it. Sobrang bilis ng galaw ng mga ito. She heard roar and groaning.

Unti-unti siyang napa atras dahil sa takot. She hug herself and keep looking around. Nagulat siya ng may bumagsak sa harap niya.

"Aunt Eunice!" Mabilis niyang dinaluhan ang ginang na nanghihina.

Her clothes are torn and she's not in a good state. Tila may kumirot sa dibdib niya ng makita ang kalagayan ng ginang.

She starts blaming herself. Nag init ang katawan niya ng makitang hindi gumagalaw ang ginang.

"Look what you've done, Tatiana."

Napa angat siya ng tingin ng marinig si Clever. From what she heard her name is Clever.

"I'm not Tatiana, you get the wrong girl." She starts feeling this hot sensation inside of her. Tila may gusto nanaman kumawala sa loob ng katawan niya.

Her vision starts to blur. Narinig niya ang ingay sa loob ng bahay, napatingin siya sa bahay.

"They don't need to be hurt, come with us Tatiana." Nilingon niya ang babae.

Hindi niya alam kung galit ba ang dahilan para lumakas ang loob niyang sugurin ang kaharap niya.

Tila natuwa ang babae sa nakita. "So you're really his daughter huh."

She lost consciousness and starts attacking Clever.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height