The Virgin's Doctor/C10 Turn Off
+ Add to Library
The Virgin's Doctor/C10 Turn Off
+ Add to Library

C10 Turn Off

Hindi ko maalis sa isipin ang nangyari kahapon.

Malton Cole Monteclar... Kaano ano niya ang Malcolm umbok ko? Ka apelyido niya, hindi kaya pinsan niya? O kaya naman ay kapatid.

Sinasabi ko na e! Kaya may kahawig siya, ang pinag kaiba lang ay palangiti siya at si Malcolm naman ay hindi. Seryoso ang mukha non na para bang pinag bagsakan ng langit at lupa.

Teka mali, Pinagbaskan ng langit at langit. Hindi bagay ibagsak sakanya ang lupa. Sa gwapo niyang iyon, hindi pwede!

Gusto ko tuloy pumunta ng hospital. Bumaba ako ng kwarto. Naikot ko na ang buong mansyon.

Hindi ko na hinayaang samahan pa ako ni Mynt, nakakailang pag kasama ko siya. Maganda ang buong mansyon, iyon ang masasabi ko. Nasa kusina ako ng malaking mansyon. Nandoon ang ibang mga kasambahay. Binati ko si manang Lita.

Kahit saglit palang kami dito ay close ko na ang iba, lalo na si manang Lita at Nikita. Mabait kasi itong si manang lita, si Nikita naman ay medyo matanda lang sa akin ng kaonti.

Hindi katulad ng ibang mga kasambahay, nakikisalamuha sila at hindi seryoso at palaiwas.

"Niki!" Bati ko sakanya ng makita ko ito. lumingon siya at sinenyasahan ako na wag maingay, may kausap sa cellphone. Para rin siyang si Mariah. Maraming boyfriend. Natawa naman si manang Lita sa gilid.

Umupo ako sa mataas na upuan ng kitchen may malaki rin kasing mesa dito. Nakatalikod ako sa pasukan ng kitchen habang si manang ay nakaharap doon dahil naglilinis.

Napalingon ito sa aking likuran.

"Spermcegg!" umirap ako ng marinig si Tit sa aking likuran. Pati ang mga kasambahay ay napatingin sakanya.

Umalis ng kitchen si Nikita.

Nilingon mo siya. "Bakit, Tit?!" tanong ko sakanya.

"Aba aba... Tumira lang tayo dito nakalimutan mo na ang maganda at fresh mong tita?" mayabang niyang sabi.

"Mayroon ba akong maganda at fresh na tita? Bakit hindi mo naman sinabi Tit! May tita pa pala ako bukod sa iyo?" pang asar ko sakanya.

Pigil na tumawa si manang Lita.

"Aba manang Lita, natatawa kapa sa banat nitong batang ito." irap ni Tit.

Kinurot ako nito sa singet. "Tit! Ano ba yan!" natatawa kong pigil sakanya.

Napagod ito kaka kurot sa singit ko. "Nako talaga pag ito namula ng todo, Tit. Pag itong singit ko hindi na nakaakit ng lalaki, sisihin kita tit!" banta ko sakanya.

"Baka may maakit diyan." diring diring saad niya.

Ay wow... Hiya rin naman ako dito sa tita kong ito e no!

Lintek na yan!

"Aba meron ano! Kung alam mo lang kung gaano kadami!" Pag mamayabang ko.

Tumaas ang kanang kilay nito. "Sige, ilan?" tanong niya.

"Mula university hanggang edsa!" sabi ko.

"Yan! Diyan ka magaling! Sa kalandian!" sinapok ako nito ng ulo.

Napanguso ako sa ginawa niya. Ngayon nalang ulit kami nakapag usap ng ganto ni Tit.

Simula ng magkita sila ni Mynt ay halos hindi na sila mag hiwalay. Okay lang naman iyon sa akin dahil karapatan nilang bunuin ang ibang araw na nawala sila sa piling ng isa't isa.

Maaliwalas na ang mukha nito ngayon. Masaya siguro dahil muling nakita na ang pinaka panganay niya. Alam na kaya ito ni Tito Gauis? Sila Kim at Rocky kaya alam na may anak si Tit sa iba?

Siguro ay hindi pa niya pinaaalam, dahil kung oo, tu-tutol ang mga iyon!

Kumuha ito ng upuan at doon naupo, paharap sa akin. Wala pang ilang minuto ay sumeryoso ang mukha nito, nakatitig ito sa aking likuran.

Ano bang meron sa likuran ko?

Bakit sila tingin ng tingin?

Lumingon ako doon at nakita ang isang may edad na lalaki. Siguro ay kaedad lang iyon ni Tit. Kahit may edad na ay maganda parin ang katawan nito at gwapo. Kamata nito si Mynt, matangos ang ilong niya, ngunit ang labi niya ay manipis.

Kahawig niya si Mynt. Hindi kaya ito ang tatay ni Mynt?

Lintek na!

Eto ang nakadali kay Tit? Kaya naman pala naging marupokpok ito si Tit dahil gwapo itong tatay ni Mynt!

Hanggang ngayon oh! Parang hindi kumupas ang gwapong itsura nito. Nagkatitigan sila ni Tit, parang tumagal ata iyon ng minuto.

May namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa. Nako sigurado akong natetensyon din ang baba ni Tit!

Na lintek nayan! Haha!

"Ah... Sir. Good afternoon po." saad ni manang.

Kung hindi pa nagsalita si manang ay hindi ata iiwas ng tingin si Tit. Bumaling ito sa akin.

"Mag bihis ka at samahan mo ako sa doctor, mag pa-patingin ulit ako. Naubos ko na ang gamot saka kailangan i-follow up." saad niya.

Lintek!

Makikita ko na si Malcolm umbok!

Na excite tuloy ako!

Shit!

Pero....

Parang ayoko tuloy siya makita, baka malaman niya na ako ang nag text ng nag finger at dumugo ang pagkababae.

Malaman pa iyon ni Tit, Edi nakakahiya lalo!

"Wala ba si Mynt?" tanong ko.

"Wala nasa trabaho, dalian mo na at baka ma late tayo!" sigaw nito.

Wala akong nagawa at umakyat na para mag ayos.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pag ka alis ko ng kitchen. Hindi narin nag salita si Tit habang nabiyahe kami naka pokus lang siya sa kalsada.

"Nakakainis!" napalingon ako sakanya ng sumigaw siya.

Shit. Galit nga ata ito.

"Tit, bakit?!" nag aalalang Tanong ko.

"Nakakainis ang gwapo niya parin hanggang ngayon!" Kinikilig na saad niya.

Lintek na!

Akala ko naman ay galit ito! Kinilig lang pala!

"Ano bayan Tit! Akala ko naman kung ano! Yan diyan ka magaling Tit, marupokpok ka Tit! Marupokpok!" pang aasar ako sakanya.

Lumingon ito sa akin. "Anong marupokpok? Pokpokin kaya kita?" inirapan niya ako.

"Asus, totoo kaya iyon, Tit. Kung magtitigan nga kayo kanina, para niyong hinuhubaran ang isa't isa!" saad ko.

"Malaki parin kaya?" bulong ni Tit.

"Tit! Eww! Yuck!" saad ko habang tinatakpan ang tenga.

"Tse! Hindi ka pa kasi natutusok! Kaya bahala ka mainggit! Advice ko lang sa iyo Verine, Malaki lang ang papasukin mo!" saad nito habang nag da-drive.

"Tit!" sigaw ko.

Lintek naman to si Tit.

"Malaking puso lang ang papasukin mo diyan sa dibdib mo! Hindi malilit ang puso kasi kulang ang pagmamahal non pag ganon!" saad ni Tit.

Nakarating kami sa hospital na halos kabastusan lang ang nalabas sa bibig ni Tit! Kung ano ano ang tinuturo!

"Pasok na daw agad tayo sabi nung nurse." saad ni Tit sa akin.

"Ha? Eh andaming tao ah? Saka kakarating lang natin e!" kinakabahan kong sabi.

Lintek!

Kinakabahan ako makita si Malcolm umbok ko!

Lintek! Naiihi ako!

"Tit, ihi muna ako." paalam ko.

Naglakad na ito papasok sa doctor's office.

Shit.

Humihilab ang tiyan ko! Bakit ngayon pa?! Shit. Lalabas na ata ang sama ng loob sa katawan ko!

Bwiset!

Nalintikan ako!

Nakahanap ako ng bathroom, hindi natapos sa isang labasan ang sama ng loob sa tiyan ko!

Pagkalabas ko ng bathroom ay nakita ko ang sarili sa salamin.

Lintek!

Iyong itsura ko parang dinaanan ng sampung elepante!

Lintek! Hindi ako pwede makita ni Malcom umbok ko ng ganto!

Lintek naman. Akala ko makikita ko na siya hindi parin pala.

Malungkot akong lumabas ng hospital. Bumili ako ng palamig sa dating binilihan. Kumain naman ako kanina e! Nasobrahan ba ako sa kain?

Mahigit dalawampung minuto ako sa labas kakaisip kung anong ginawa ko at sumama ang tiyan ko.

Bumalik ako sa hospital at sakto nakita ko si Tit na kalalabas lang ng opisina ni Malcom umbok.

"Oh anyare sayo? Bakit ganyan ang mukha mo? Akala ko ba susunod ka?" tanong ni Tit.

"Masama ang tiyan ko Tit." nanghihina kong saad.

"Halikana at magpatingin kana din!" saad ni Tit.

"A-ayoko Tit, uwi nalang tayo. Gusto ko na mag pahinga." saad ko. Tumango naman ito.

Lintek naman kasi!

Pag nag pa check up pa ako ay makikita niya rin ako! Hindi pwede! Mukha pa naman akong tanga ngayon!

Ayokong ma turn off ang Malcom umbok ko!

Pinikit ko ang mata at hiniga sa upuan.

Kailan kaya ulit kita makikita?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height