The Virgin's Doctor/C11 Bleeding
+ Add to Library
The Virgin's Doctor/C11 Bleeding
+ Add to Library

C11 Bleeding

"Shuta, Dapat hindi ka muna pumasok, Verine. Baka sumakit ulit yang tiyan mo." saad ni Mariah sa tabi ko. Kasalukuyan kaming nakatambay sa park. Karamihan ng andito mga mag jojowa.

"Okay na ako, may hospital naman dito pag sumakit ulit,"

"Pag ako may na amoy na mabaho mamaya, sigurado akong ikaw iyon!" saad nito saka ako marahang tinulak sa balikat.

Lintek!

"Anong mabaho? Excuse me, mabango to uy! Baka gawin mo pang perfume!" natatawa kong saad sakanya.

"Shuta kadiri ka Verine. Akala ko ba tiyan lang ang masakit sayo? Hindi ba masakit yang utak mo? nababaliw kana ata!"

"Ewan sayo! Tara na nga." Pumasok na kami sa kwarto at sakto pag madaling namin ay pumasok na ang professor.

Mabuti nalang hindi traffic kagabi, nakauwi agad kami. Dumiretso ako sa kama at nag pahinga. Kahit nanghihinayang dahil hindi ko nakita si Malcolm umbok, pinilit kong matulog para gumaling ng mawala na itong sakit na nararamdaman. Lintek naman kasi itong tiyan ko.

Wrong timing!

Pumunta si Mynt sa kwarto, para mag dala ng pagkain at painumin ako ng gamot. Kinamusta ako ng kaonti at hinayaan na mag pahinga.

Maalaga din pala siya. Alalang alaala si Tit ng makita akong bumaba ng nakauniform. Sakto naman na nandoon si Mynt sa kusina.

Nagiging tambayan ata ang kusina ngayon? Malaki kasi saka presko, presko din naman sa ibang lugar ng bahay.

Teka?

Nasaan iyong tatay ni Mynt?

Umalis na kaya iyon?

Oo nga ano, hindi ko siya nakita kanina. Nako baka nag jugjugan na sila ni Tit kagabi kaya hindi ako na puntahan at si Mynt ang inutusan!

Nako marupokpok nanaman si Tit.

Nalintikan na!

Parehas sila ng kanyang ina na ayaw ako papasukin, pinilit ko kaya wala silang nagawa.

Saka okay na ako sakit lang iyon ng tiyan!

Nag presinta si Mynt na ihatid ako. Hindi na ako tumangi.

Bakit ba kasi hindi ako payagan ni Tit na gamitin ang isa niyang kotse, nasa tamang edad naman na ako!

"Narinig mo yung sinabi ni Kyla?" Tanong sa akin ni Mariah.

"Ha? Ano ba yon?" Tanong ko naman sakanya.

Kakatapos lang ng una naming klase.

"Si Suecyn daw pinagmamayabang na siya ang magiging assistant ni doctor Monteclar dahil handang handa na daw siya!"

"Yabang yabang niya talaga! Nakakainis siya! Handa lang siya pero hindi siya ganoon ka galing kaya wag siyang kumpiyansa sa sarili! Andito pa ako no! Kahit hindi ako mag aral ay kayang kaya ko iyon!" Pagyayabang ni Mariah.

Galit na galit siya sa kayabangan ni Suecyn pero siya rin mismo ay ganon. Haha! Pero siyempre mas mabait naman itong si Mariah kaysa doon.

"Kayang kaya mo? Eh muntikan ka na nga bumagsak sa exam natin nung nakaraan, partida nag aral ka pa non ah!" natatawa kong sabi sakanya.

"Shuta malay ko ba na hindi niya itetest ang na review ko? Kasalanan iyon ng professor no! Ginawa ko ang lahat, siya ang nagkulang!" Inis niyang saad.

Napataas ang kilay ko. "Oh, bakit parang hugot iyan? Wala na ba kayo?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

"Hindi ah! Tigilan mo nga ako, Verjy, kami pa non... nagpapalamig lang kami, cool off ganon." Malungkot na saad nito.

"Akala niyo naman ang ha-hot niyo! Ano kayo karne na kailangang I-ref?"

"Shuta ewan ko sa iyo, Verine. Ayoko muna isipin yan dahil kailangan ko mag pokus! Tatalunin ko yan si Suecyn! Makikita niya!" Determinadong sabi niya.

"Sige manalig kalang, baka matalo mo ang running candidate para sa magna cum laude."

Ngumuso ito sa akin. "Nginunguso mo diyan? Oh bakit parang nalungkot ka? Kanina lang ay determinado ka ah?" Tanong ko sakanya.

"Shuta ikaw kasi!" Sisi niya sa akin.

"Aba wala akong sinasabi, sinusuportahan pa nga kita!" Sabi ko sakanya.

Totoo naman kasi, running candidate iyon si Suecyn. Maganda at matalino iyon, magaling rin sa volleyball iyon! Tapos na sayaw din, talented ang babaeng iyon.

Pangalawa siya sa pinakamagandang babae dito sa university. Ako kasi ang una.

Sayang nga at hindi siya ang una, nasa kanya na sana ang lahat pero siyempre hindi pwede iyon.

Hindi ako papatalo ano, kahit matalino at magaling siya sa lahat ay mas maganda parin ako sakanya!

Halatang gusto niya si Malcolm

umbok ko!

Lintek!

Magiging ka kompetensiya ko pa ata siya! Okay lang, mas maganda naman ako sakanya. Kaso nga lang, sinungitan na ako dati ni Malcom!

Hays.

"Dibale, mas maganda naman ako don." Hinampas ko ang balikat ni Mariah ng marinig ang sinabi niya.

"Anong mas maganda ka don? Ingron ka lang sa paa ko Mariah kaya manahimik ka diyan!" Inismiran ko siya.

"Wow! Kakapal din ano Verine?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kakapal ng kalyo mo sa paa, hindi mo kasi ako pinapatapos, tsk." Saad niya.

"Wala akong kalyo sa paa uy!" Sagot ko sakanya.

"Edi Ikaw na!" Natatawang sagot niya.

"Ako na talaga! Tara na nga."

"Nako mag aral na nga lang tayo," aniya.

Oo nga pala ang practical, hindi pa ako handa doon.

Buti pa si Suecyn ay handa na, kailangan ko na din mag aral ng todo. Hindi dahil kailangan kay Malcolm, kundi para maka pasa ako pero siyempre kasama na si Malcolm sa dahilan kung bakit kailangan ko mag aral.

"Wala pa rin sundo mo?" Tanong sa akin ni Mariah. Umiling ako.

Nangako si Mynt na susunduin ako pag tapos ng klase. Hanggang ngayon wala pa rin siya. Kanina pa ako nasa labas ng university, malapit sa gate. Kasama ko la itong si Mariah.

"Sabay kana kasi sa akin." Alok niya.

"Hindi ko maalala ang daan papunta sa bagong tinutuluyan namin, lumipat kami diba?"

"Oo nga pala... Magiintay ka talaga?" Tanong niya.

Wala akong magagawa, lintek kasi itong si Mynt!

Siguro abala pa iyon sa trabaho o baka traffic? Isang oras na ang nakakalipas, wala pa rin siya. Buti at sinamahan ako ni Mariah kahit andyan na ang sundo niya.

"Pasok kaya muna tayo sa kotse?" Tinuro nito ang kotse hindi kalayuan sa min.

"Baka hindi niya ako makita pag dumating."

Huminga siya ng malalim. "May kukunin lang ako sa kotse." Tinanguan ko siya.

Tinapunan ko ng tingin ang hawak na cellphone, walang text si Mynt o Tit.

I turn around to face the gate of our university. Pumasok nalang kaya ako sa loob habang wala pa si Mynt?

Lintek naman! Tutubuan na ata ako ng ugat sa binti nito, antagal ko ng nakatayo.

"Lintek!" Napasigaw ako ng mahulog, napatuwad pa ako. Nakaharap ko ang kalsada ngayon. Nakasuporta ang braso ko para hindi masyadong doon. May kung anong malakas na humampas sa aking likuran kaya ako nahulog.

Mabilis akong tumayo.

Lintek!

Anong nangyari? Binalingan ko ang cellphone ko na basag basag na ang screen ngayon.

Shit.

Mabilis ang tibok ng puso ko at nagiinit ang buong katawan ko.

Nakaskas ata sa kalsada ng mahulog ako.

"Shuta! Verine!" Sigaw ni Mariah mula sa kotse niya. Mabilis itong tumakbo papalapit sa akin.

Lumingon ako sa likuran ng makita ang motor na nakahiga sa kalsada at ang nakasakay doon na nakatayo na ngayon.

Muli kong binalingan ang cellphone ko.

Lintek!

"Are you okay?!" Nagaalalang tanong niya.

"Yung cellphone ko basag..." Iyon lang ang tangi kong nasabi.

Pinasadahan ako nito ng tingin.

"Shuta puta!" she yelled.

"Verine you're bleeding!"

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height