The Virgin's Doctor/C12 Motor Accident
+ Add to Library
The Virgin's Doctor/C12 Motor Accident
+ Add to Library

C12 Motor Accident

Bumaba ang tingin ko sa binti. Nanlaki ang mata ko, tumutulo ang pulang likido mula tuhod pababa sa binti. Napapikit ako ng maramdaman ang sakit pagkakita ng dugo.

Lintek! Ginala ko ng mata sa paligid. Nasa malayo ang isang pares ng sapatos ko. Napansin ko ang mala bentyinkong sugat malapit sa hinliliit ng kanang paa.

Mayroong pinkish na kulay sa parteng 'yon, sigurado akong laman 'yon.

Putangina!

Inalis ko ang tingin doon. Nahulog ang basag kong cellphone mula sa aming kamay dahil sa panginginig non.

Inangat ko ang tingin sa mga tao sa paligid. Mabilis na lumapit sa amin ang driver ni Mariah ng sigawan niya iyon dala ng pagkataranta.

Dumapo ang tingin ko sa driver ng motor, tinatayo niya iyon. Hindi ko maiwasang mainis,

Palibhasa kasi ay wala ng ibang tao doon sa university, wala ng ibang estudyante. Dahil nakaharang ako sa may gate ay ako ang natamaan imbis na ang gate.

Lumapit na din ang guard ng university. Yumuko si Mariah para kunin ang sapatos ko.

"Kuya tumawag ka ng nurse sa university!" sigaw ni Mariah.

Ang mga tao sa paligid nakatingin lang sa nangyayari.

Habang si Mariah, tinutulungan akong maglakad, sakto at may upuan sa may guard. Pinaupo ako roon.

"Shit! Shit! Shuta!! Shuta talaga! " Naghihisteryang sigaw niya.

"Oh my God Verine!" tili nito. Kanina pa sinasabi ni Mariah ang ang salita na iyan.

"Andaming dugo! Anong gagawin ko wala akong pamunas!" Sigaw ni Mariah.

Oo aaminin kong med student ako pero lintek na yan! Hindi ko alam ang gagawin dahil sakin mismo nangyayari! Maski si Mariah natataranta!

May isang lalaking lumapit sa amin, kinuha nito ang panyo at nilahad kay Mariah. Kinuha niya iyon saka dinampi dampi sa tuhod ko.

"Ouch!" Sigaw ko kay Mariah.

Hindi ko maramdaman ang buo kong binti hanggang paa!

Ito na ba iyon?! Hindi na ba ako makakalakad ulit?! Paano na ang pangarap ko?! Hanggang dito nalang ba ako?! Hindi ko na ba maabot ang pangarap ko?!

Mamatay na ba ako?!

Jusko! Virgin pa po ako, huwag niyo muna ako kunin!

Gusto ko munang mag patusok bago mamatay, jusko po!

"Buti naman andito na kayo!" sigaw ni Mariah ng makita na may mga nurse na at may dala silang wheel chair at mga gamit.

Lima silang andoon. Pinalibutan ako ng mga iyon.

"Anong nangyari?" Tanong ng isa.

"Nabangga?" Isa pa.

"Parang impossible naman iyan." Iyong babae naman.

"Impossible ayan na nga o sugatan na nga!" Sagot ng isang lalaki.

"Shuta nabanga nga! Anong sa tingin mo? Anong akala mo navirginan yan kaya dumugo ang tuhod? Kakaloka naman kayo!" Naghihisteryang saad ni Mariah.

"Mariah, kalma!" Inirapan nito ang nurse.

"Bakit ka nabangga?" Tanong ng isa.

"Kaya mo bang maglakad?" Tanong sa akin ng isang babaeng nurse. Umiling ako. Binuhat ako ng isa at nilagay sa wheel chair. Nilabas ng babaeng nurse ang gamit niya.

Napalingon kami sa ingay ng pag harurot ng motor.

Lintek!

Iyong nakabanga sa akin!

"Teka! Hoy! Lintek ka!" sigaw ko. Shit. Hindi ko talaga magalaw ang binti ko!

Mabilis na tumakbo ang driver ni Mariah papalabas.

Lintek!

Hit and run.

Bumalik ang driver ni Mariah. Tinignan ko ito, umiling siya. Lintek! Hindi nakuha yung plate number!

Sa sobrang oa ko ay hindi tuloy nakuha ang plate number ng nakabanga sa akin!

Dahil nasa may gate lang kami ay may ibang estudyante ng naki chismis kung ano ang nangyayari, grupo sila.

"Anong nangyari?" saad ng isa.

Lumapit si Mariah sa akin habang nilalagyan ng betadine ang ibang gasgas.

"M-masakit?" tanong niya.

"Malamang!" tumaas ang boses ko.

Hindi nasagot ang tanong niya ng dumating ang guard. Magagalit pa ata siya dahil maraming tao sa may gate pero ng makita ako ay nagaalala na siya.

"Idiretso na natin siya sa hospital." sabi ng isang nurse.

Nag tanguan ang mga iyon. Nawala ang palibot nila sa akin.

Aktong itutulak na ang wheel chair ko pero huminto iyon. Dahil nakayuko ako ay hindi ko kita kung anong nangyari bakit hininto.

Mayroong humarang na isang lalaki. Inangat ko ang tingin kung sino iyon.

Nangunot ang ulo ko ng makita ang seryosong mata nito na nakatitig sa aking binti.

"Bring her to Monteclar Hospital." saad nito.

Anong ginagawa ni Malton dito? Nakasukbit pa ang bag nito sakanyang kanang balikat, nakatayo siya mismo sa daraanan namin.

Tapos na ang klase ah, bakit andito pa siya?

"May hospital naman dito, Mr.---" saad ng isang babaeng nurse, hindi niya natapos ang sasabihin ng tapunan siya ng malamig na titig ni Malton.

Bumaling ito sa guard. "Kuya, ihanda ang ambulance sa Monteclar Hospital tayo." utos niya sa guard.

Ginawa naman agad iyon ng guard. Pinasok ako sa loob ng dahan dahan at tinupi ang wheel chair.

Dahil hindi pwedeng maraming tao sa loob ay hindi makakasama si Mariah, paano ba naman itong si Malton ang sumampa sa loob.

Kasama namin ang dalawang nurse sa loob. Tahimik niya akong tinitigan. Para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Ang maaliwalas nitong mukha katulad dati ay naging seryoso.

Naguusap ang dalawang nurse sa gilid ko. "Namukhaan mo ba yung nakabangga sa iyo?" tanong ng isa.

Umiling naman ako. "Naka helmet siya. Pero mahaba at unat ang buhok."

"Ay babae! Sayang hindi niyo nakuha ang plate number!" saad naman ng nasa kanan ko.

"Lakas naman ng loob non mang bangga tapos tatakbuhan lang, palibhasa hindi siya ang napuruhan!" saad naman ng isa.

"Did you call your parents already?" tanong ni Malton.

Nasa probinsya ang mga iyon. Si tit dapat ang tawagan ko.

"Nabasag iyong phone ko." sagot ko naman.

Kinuha iyon ni Mariah sa akin, nasakanya din ang mga gamit ko, siya na daw ang bahala.

Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at nilahad sa akin. "Call them."

Kinuha ko iyon at dinial ang number ni Tit.

"T-tit..."

Lumingon ang dalawang nurse at si Malton sa akin.

Lintek.

"Tit-a! Tita!" pag tatama ko. Hindi pala pwedeng Tit at baka sabihin ng mga ito bastos ako kahit bastos naman talaga ako.

"Asan kang spermcegg ka?! Andito na ako sa labas ng school mo, kakarating ko lang at wala ka dito!"

sigaw nito mula sa kabilang linya.

Kakarating niya lang? Hindi pa kami nag abot!

"Nabanga ako Tit."

Lintek!

"Nabanga ako Tita." ulit ko.

"Anong tita ka diyan?! Nabanga ka?! huwag mo akong pinaglolokong bata ka! Kinakabahan ako sayo!" sigaw nito.

"Wala namang dugo dito kaya wag kang ano!"

"Hindi kita niloloko." sagot ko naman.

"Alam kong maloko kang bata ka pero wag iyong ganitong joke, Verine!" halata ko na sa boses ang pag aalala niya.

"Eto kusapin mo ang nurse, nasa ambulansya ako." binigay ko sa nurse ang cellphone.

Kinausap naman iyon ng nurse, sinabi ang nangyari at kung saang hospital ako dadalhin. Binigay ulit sa akin ng nurse ang cellphone.

"Susunod na ako diyan." sabi nito sa kabilang linya.

Sa wakas ay naniwala na rin siya.

Binalik ko na kay Malton ang cellphone. Nasanggi ng onti ang sugat ko ng isang nurse kaya naman napadaing ako doon.

Tinitigan ni Malton ang binti ko, lumipat ang mata niya sa akin, ang mukha nitong seryoso kanina ay nagaalala na ngayon.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height