+ Add to Library
+ Add to Library

C13 Reason

Everything has a reason.

Naniniwala ako na ang lahat ng nangyayari ay may rason, hindi nga lang natin alam kung maganda ba ang rason na iyon o hindi.

Pero kahit ganon, alam kong may rason kung bakit nangyari sa akin ito, kung bakit ako nabanga.

"Need po i-x-ray ang binti niya para makita kung may nabali bang buto." sabi ng babaeng doctor sa harap namin.

Lumingon ako kay Tit. "Sige saan ba iyon?" tanong niya. Pumunta na kami doon, habang nag iintay kami, napatingin ako kay Malton.

Nagpakilala ito kay Tit kanina ng dumating na siya. Andaming tanong sa akin ni Tit. Kesyo bakit daw hindi ko nakita yung motor n paparating, siyempre eh nakatalikod ako.

Tapos, naniniwala na daw siya ngayon na wala na akong pag asa maging super hero dahil wala akong powers para maiwasan ang nangyari sa akin ngayon.

Ibang klase mag alala itong si Tit ano? Hindi mo alam kung nag aalala ba talaga o sinusubukan niya lang ako pakalmahin na ewan.

Nakarating na rin si Mariah sa labas at binati na si Tit kanina. Papunta ma rin daw si Mynt. Busy daw sa trabaho si Mynt kaya hindi agad ako nasundo si Tit naman ay papunta na daw hindi lang naka text sa akin.

Alam naman daw niya na magiintay ako. Kaso nga ito ang nangyari. Ito namang si Mariah kinuwento pa na ang una ko daw inalala ay ang cellphone kong basag na.

Siyempre bigay iyon ni papa nung birthday ko dati kaya naman inaalagaan ko talaga! Hanggang sa punto na nabanga nalang ako iyon pa ang una kong napansin hindi ang tuhod kong nadugo.

Mabilis akong nakatayo ng mabanga ako kanina.

Adrenaline.

Kaya siguro ako nakatayo agad.

Namomroblema din itong si Tit at hindi nga nakuha ang plate number nung nakabanga. May cctv sa daanan na iyon sa pag kakaaalam ko, i-checheck daw ng guard.

Naalala ko tuloy kanina wala man lang tumulong. Kahit nakita na nila ang nangyari sa akin. Nanood lang ang mga iyon.

Lintek sila!

Dahil Monteclar itong si Malton ay agad kaming inasikaso. Hindi ko pa nakukumpirma kung kapatid niya nga ba talaga si Malcolm, pero malamang sa malamang ay tama ako.

Kung paano ba naman siya sundin ng mga nurse dito at nurse sa school, kahit na mas bata ang mga iyon sakanya.

Kanina nga ng mag pakilala si Malton ay nanliit ang mga mata ni Tit sa akin. Kaklase at kaibigan ang pakilala ni Malton. Magkaibigan pala kami?

Maganda kung ganon!

Hindi marami ang tao ngayon dito, kaya okay lang na sumingit muna, saka ganto talaga pag maganda inuuna.

'Lintek ka Verine nakuha mo pang mag loko sa sitwasyon mo nayan!' bulong ng utak ko.

"Verine Garzon, pasok kana x-ray room." sabi ng nurse.

Itinulak ni Tit ang wheel chair ko papunta doon ngunit hinarang siya ng nurse.

"Yung mag papa-x-ray lang po ang papasukin sa loob, hindi po kasi pwede na marami." saad niya.

Tumango nalang si Tit, binuhat ako ni Malcom papasok sa loob. Pinayagan naman.

Malaki ang kwarto na iyon at may isang mataas na parihabang lamesa sa taas non ay may kung anong aparato na mayroong ilaw.

Ngayon ay nagtataka na ako bakit ako nakaabot ng fourth year ng med ng hindi masyadong maalam sa mga kagamitan sa hospital.

Pampaganda lang kasi ang alam ko!

Pinatong niya ako sa parihabang mesa, katabi nito ang x-ray machine. Inikot ko ang mata at marami lang ibang aparato dito sa loob.

"S-salamat, Malton." sabi ko kay Malton. Ngumiti ito sa akin.

"Sir, labas na po kayo." sabi ng nurse. Muli niya akong binalingan at ngumiti. Sinarado ng nurse ang pintuan.

Ang nurse ba na ito ang mag x-ray sa akin?

"Wait lang natin si Doc, higa kana diyan." utos niya sa akin iyon naman ang ginawa ko.

Magkakaroon tuloy ako ng peklat ngayon, papanget na ang binti ko.

Lintek kasi talaga e!

'Shh... Verine may dahilan ang lahat. May rason, kaya ikalma mo ang sarili mo.' bulong ng utak ko sa sarili.

Sana nga lang talaga magkaroon ng magandang rason dahil kung hindi nako!

Narinig ko ang pag bukas ng pintuan. "Doc, x-ray." saad ng nurse.

Hindi ko na nilingon iyon, iintayin ko nalang makarating dito para makita ko.

Humiga ako ng maayos na parang nasa kabaong.

'Lintek ka Verine, ano ililibing lang? Pilit kana rin kaya' sabi nanaman ng utak ko.

Umupo nalang ako, baka hindi naman kasi kailangan humiga. Chika lang yung nurse. Nakita ko ang Doctor na naka surgical attire, pero walang gloves o ano.

Iyon lang. Mayroon siyang kinuhang kung ano doon sa kabila, hindi ko makita kung ano iyon dahil may nakaharang.

Mukhang nakuha niya na iyon. Binaling ko ang tingin sa gilid kung saan nandoon ang ilaw na sinasabi ko kanina. Tahimik sa loob ng kwartong ito, kailangan ata.

"You need to lay down." The doctor said firmly.

Mabilis ko iyong ginawa ng hindi tumingin sakanya, mukhang galit ata si Doc ah.

Inayos ko ang higa. Naramdaman ko ang pag lapit nito sa kung nasaan ako.

Binalingan ko ang hawak niyang kung ano at bumaba ang tingin ko sa pantalon niya.

Lintek!

Nanlaki ang mata ko ng makita ang umbok sa pantalon niya.

Inangat ko ang tingin sa mukha nito. Nagtama ang mata naming dalawa.

Lintek!

Sabi ko na may rason e!

Isang magandang rason!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height