The Virgin's Doctor/C14 Masakit ba?
+ Add to Library
The Virgin's Doctor/C14 Masakit ba?
+ Add to Library

C14 Masakit ba?

"Kaya ka nabanga dahil kung saan saan ka tumingin." saad nito.

Gumapang ang init sa aking pisnge.

Lintek!

Umiwas ako ng tingin.

Shit naman!

Kung iyan ba naman ang titignan ko sa gitna ng kalsada, bakit hindi?

Okay lang mabanga basta masilayan ko lang ang umbok mo.

Handa akong mag pabanga para sayo!

Lintek ka Verine ang landi landi mo talaga!

Kanina lang ay iniisip ko kung kailan ko siya makikita ngayon ah nandito na siya sa tabi ko!

Ang galing naman ng tadhana!

Kailangan ko lang palang mabanga, pero hindi biro ang nangyari sa akin ano! Masakit kaya.

Kahapon ay pinoproblema ko ang sakit ng tiyan ko at hindi na ako sumunod kay Tit dahil sa itsura ko pero ngayon...

Lintek! Sigurado akong haggard ako ngayon!

Lintek naman talaga oh!

Hayaan na nga, ang importante andito siya sa tabi ko.

'Ang sweet Verine ha, kahit hindi mo naman boyfriend utang si Doc!' bulong nanaman ng isip ko.

Ayan nanaman yung utak ko bulong ng bulong, pagkatapos ko dito at magpapacheck up na ako sa utak baka may problema din ako dito!

Siya pa talaga ang mag x-ray sa akin.

Inayos nito ang ilaw sa itaas. "Lift your leg." utos niya. Ginawa ko naman. Nilagay niya doon ang kinuha niya kanina na parang may kahoy sa gilid. Pinuwesto niya iyon sa ilalim ng tuhod ko.

"Itataas ko ng onti ang palda mo? Okay lang ba?" medyo marahang tanong niya.

Nahihiya akong tumango.

'kahit hindi kana mag paalam, kung gusto mo ay itaas mo pa ng todo!' Sa isip isip ko.

Tinignan ko ang ginawa niya at inangat niya lang iyon ng onti, nadismaya ako dahil hindi ko man lang naramdaman na nahaplos ng daliri niya ang hita ko, dahil kung hawakan niya ang dulo ng palda ko ay nandididiri siya, ingat na ingat na parang ayaw mahawakan ang hita ko.

Teka, anong haplos ang pinagsasabi mo, Verine?!

Lintek ka talaga!

Humarap ako sa kanan para maitapat ang kaliwa kong paa doon sa pang x-ray, sumunod naman ay humarap ako sa kanan at ganon din ang ginawa sa kabila kong paa.

Pinaupo na ako nito para makuhanan pa ang paa ko ng ibang angulo.

May kung ano siyang ginawa at Sunod naman non ay inalis niya na ang nilagay sa ilalim ng tuhod ko saka pumunta doon sa pinagkuhanan niya noon at kumuha pa ng iba.

Binalingan ko siya, seryoso ang mukha nito. Ang gwapo niya sa kahit anong suot. Mas sume-sexy ata ito ngayon sa paningin ko o dahil ngayon ko lang siya tinitigan ng ganito katagal?

Hindi ito nagsasalita habang nag x-ray siya sa akin.

Bumakas ang pintuan at niluwa non ang nurse. "Doc, ito na yung kailangan mo." saad niya ng makalapit kay Malcolm.

Pumunta sa kabilang gilid si Malcom at nilapag iyon doon. Naguusap sila ng kung ano na hindi ko gaanong marinig. Mukhang kinikilig ang babae. Nahulog ang hawak niya iyon, natatawang pinulot iyon ng babaeng nurse.

Mukhang sa dulo pa ata napunta, kaya naman tumawad na ang nurse para makuha iyon, tumawad sa likuran ni Malcom, kaya naman mukha tuloy niyang dino dog style ang nurse na iyon. Lumayo ng onti si Malcolm pero pinipilit ng nurse na dumikit ang puwetan niya sa umbok ni doc!

Ang landi naman ng nurse na iyan!

Nakuha niya na ang inaabot sa dulo at tawa tawa siyang lumingon kay doc ng makatayo na.

Tinignan niya ang umbok ni doc at nilawayan ang labi. Lintek ka! Ang landi mo! Sa harap ko pa talaga!Nakuha mong landiin ang Malcolm umbok ko sa harap ko!

Nakita kong sumilay ang pilyong ngiti ni Malcolm. Lintek! Magagawa niya palang ngumiti ng ganyan!

Hinaplos ng babae ang magkabilang braso niya.

Lintek!

Ang lakas ng loob niyang gawin iyon habang nandito ako!

'Hoy babaeng malandi! Nasa harapan ko kayo, mahiya ka naman!' sigaw ng utak ko.

Kung wala siguro ako dito ay baka higit pa sa haplos ang nagawa ng babaeng iyan kay Malcolm!

"Maglalandian nalang ba kayo diyan o aasikasuhin niyo ang pasyente niyo?"

Lintek! Saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin iyan?!

Lintek ka Verine!

Nawala ang pilyong ngiti sa mukha ni Malcolm, naging seryoso iyon. Nagtaas ng kilay ang nurse sa akin, aba kanina ay mabait ito ah, ngayon ay nagtataray na.

Bakit naistorbo ko ba ang pakikipaglandian niya kay

Malcolm?

Lintek siya!

May kung ano siyang kinulong sa nurse at nag martsa na iyon papaalis ng kwarto. Naglakad patungo sa akin si Malcom.

Lintek!

Lakas ng loob mo sabihin iyon Verine tapos ngayon kinakabahan ka! Pero naiinis parin ako! Ang harot kasi ng nurse na iyon, siya naman nagpapaharot!

"Ganyan pala kayo dito, inuuna ang harot bago ang pasyente." sinadya kong lakasan ang boses para marinig nila.

Hindi ito umimik sa sinabi ko. Pinagpatuloy niya ang ginagawa. Nakakunot ang noo nito habang seryoso ang mukha.

Galit ba siya?

Nasaktan siguro sa sinabi ko, kung ganon ay totoo ba iyon? Inuuna niyang humarot bago pasyente?!

"You can go now." he said seriously.

Iyon na yon?

Bakit parang ambilis naman?

"T-tapos na?" nauutal kong tanong sakanya?

"Bakit gusto mo pa?" tanong niya.

Oo!

Kung pwede lang e!

Tumagal ang titig nito sa akin, nagiintay ng sagot mula sa akin. Ako na ang umiwas ng tingin. Muli naman ng gumapang ang init sa pisnge ko.

Lintek!

Naglakad siya patungo sa pintuan at lumabas, mataray na nakatingin sa akin ang nurse.

Anong tinitingin tingin niya? Tusukin ko kaya yang mata niyang nagnanasa kay Malcolm!

Pinapasok na si Malton, nginitian niya iyon. Nasa gilid ko si Tit at Malton.

PLASTIKADA.

Nag intay muna kami sa labas para makuha ang x-ray. Nakita ko si Malcolm na naglalakad patungo sa akin.

May dala siyang papel na may print whole body figure. Para bang hindi ko siya pinagsalitaan kanina dahil maayos naman ang tungo niya.

Lumuhod ito at tinginan ang aking paa, nilagay nya ng tuldok ang papel sa bahaging paa ng figure at ganoon din sa tuhod kong may tama.

Tinignan niya rin ang mga daliri ko, pati na ang braso. Nakatingin lamang ako sakanya habang ginagawa niya iyon, nangunot ang noo nito ng tignan niya ang noo ko.

Tumayo ito, "Natamaan ba ang ulo mo?" tanong niya.

Lumingon ako kay Tit saka binalik ang tingin sakanya. "H-hindi ko alam..." sagot ko.

Yumuko siya dahilan para mapalapit ang mukha niya sa akin.

Lintek!

Anlapit mo Doc!

Hindi niya naharot ang nurse kaya ba ako ang haharutin niya? Ay bet!

'galit ka sa nanlalandi sakanya pero hindi ka galit sa sarili mo.' bulong nanaman ng utak ko.

Malamang! Gusto ko ako lang ang lalandi sakanya no!

Hinawakan niya ang noo ko, banding itaas ng kaliwang kilay, napaigtad ako ng marahan niya iyong pisilin. Nakatitig siya doon.

"Masakit ba?" tanong niya.

"M-medyo."

Tumango tango ito saka tumayo at muli akong pinasadahan ng tingin.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height