The Virgin's Doctor/C3 Maxzon Mynt Mondragon
+ Add to Library
The Virgin's Doctor/C3 Maxzon Mynt Mondragon
+ Add to Library

C3 Maxzon Mynt Mondragon

"Atritis, Tit! Atritis!" pang aasar ko kay Tit habang naglalakad kami palabas ng hospital.

Nabili na ang mga gamot na nireseta nung gwapong doctor na may malaking umbok.

"Anlakas pa ng loob mong mag pacute sa gwapong doctor na may malaking umbok e may atritis kana tit!"

"Ibig sabihin tumatanda kana tit!" napatawa ako ng malakas. Inaasahan kong sasawayin niya ako pero walang reaksyon si Tit.

Simula ng makalabas na kami sa opisina ng doctor ay tulala na itong si Tit hanggang sa pagbili namin ng gamot. Kaya naman ako na ang nag asikaso, hanggang ngayon nakatulala pa rin siya sa kawalan.

"Uy! Tit!" tawag ko sakanya.

"Tit!" muli kong tawag sakanya ngunit hindi parin ako pinapansin.

"Tit!" napatingin ang mga tao sa paligid namin.

Lintek naman oh!

Napalakas ata ang pag sigaw ko "Tit!Tit!Tit!" Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Tit at niyugyog yugyog ko ang katawan niya.

"M-mon-t-te-c-clar..." nauutal niyang saad.

Nangunot ang noo ko. "Ha?"

"I-Isa siyang Mo... monteclar." Nawalan siya ng balanse kaya naman inalalayan ko siya sa braso nanginginig ang katawan nito. Kinakabahan na ako kay tit ah, bakit naman naging ganito ito.

Nakakanginig naman talaga ng tuhod ang doctor na yon pero hindi naman sa mahihimatay na. Over acting na 'yon!

Simula ng sabihin ng gwapong doctor na may malaking umbok ang buong pangalan niya, nanahimik na si Tit.

Hindi kaya epekto ito ng pag tanda ni Tit?!

Kung ganon... Kailangan ko siyang unawain dahil pangalawang sign na ito na tumatanda na nga talaga si Tit!

"Hmm..." tumango tango ako.

Hinarap ko si Tit sa akin. "Ano naman ngayon kung Monteclar sya tit?" kalmado kong tanong sakanya.

Binalingan na ako nito sa wakas. Nadadaan pala sa pagiging kalmado, kung ganon kailangan lagi ko siyang kausapin ng kalmado.

Ayokong mag rebelde siya at pumunta sa mga Fafa sa night club at ipamudmod ang pera niya.

"Gaga ka talaga e!" Napadaing ako ng kaltukan niya ako sa noo.

"Lintek naman Tit oh?! Bat ka nang kakaltok?!" Galit na tanong ko sakanya kahit na patanda na sya ay malakas parin si Tit, ang sakit ng kaltok e!

Ay lintek!

Nasigawan ko si tit! Hindi ko pala dapat ginawa iyon mamaya magtampo itong si Tit at makipagtanan sa mga fafa sa night club laging nasa night club itong si Tit pag gabi kahit hindi niya sabihin alam ko na doon siya pumupunta.

Nag rebelde na kasi ito si Tit noon, daig pa ang teen ager!

Nag punta ito sa club hindi kalayuan sa village namin.

Natagpuan ko siyang nakakandong sa lalaki habang nakikipag espadahan ng dila.

Nawala ang mga iniisip ko ng magsalita ito. "Wala ka kasing alam na Spermcegg ka!"

Lagi akong tinatawag ni tit ng Spermcegg dahil imbento niya daw ang isang iyon mula sa matalino niyang utak.

Masagwa sa tenga ang tawag niya sa akin, Spermcegg. Maysadong nakaka agaw atensyon.

Pinagsamang spermcell at egg cell lang naman iyon. Pinagsama niya lang naman yung dalawa ano kayang magaling ang naimbento ng utak ni Tit sa parteng iyon?

"Bakit ba kasi? Ichika minute mo na kasi Tit!"

"Nakaharap mo lang naman ang pinakamayamang tao sa mundo spermcegg!" Halos lumabas sa leeg ni tit ang ugat niya.

Nakaharap ko? Yung umbok ba ng doctor ang tinutukoy ni Tit? Pinakamayamang umbok yon sa mundo?

"Ikaw talagang spermcegg ka! Hindi yang iniisip mo ang tinutukoy ko!"

Lintek! Parang nabasa ni Tit ang utak ko!

"Sino ba? Grabe naman yan... Sa mundo talaga? Exaggerated naman yan Tit! Ine-echos mo lang ako! Tumatanda kana kasi, hindi mo lang talaga matangap Tit, kaya ka ganyan!"

Muli ako nitong kinaltukan. Napanguso ako.

"Ang Monteclar na iyon ang may ari ng pagkalaki laking hospital na iyon! Hindi mo ba napansin na puro sosyal ang mga tao don? World class ang hospital na 'yon!" saad nito.

Hindi lang naman yung hospital ang napansin kong malaki. Pati yung ano ni doc.

"Napansin ko naman e ano naman ngayon Tit? Mayaman din naman tayo." sagot ko.

"Bakit ka pa ba isinilang sa mundong spermcegg ka!?" nangigil na sabi nya sa akin.

"Tit! Ano nga?" tanong ko.

"Nagtataka talaga ako kung bakit kita sinuportahan sa kurso mo! Wala ka ngang ka alam alam sa bagay na may koneksyon sa kurso mo!"

"Hindi naman kasi ako chismosa..." bulong ko.

"Gaga ka naririnig kita!"

Napanguso ako. "Sabihin mo na kasi Tit."

"Monteclar, isa sa Mmmm,"

"Mmmm? Tit bakit ka naungol?"

"Gaga! Hindi ako naungol, MMMM!"

"Ha? Ano yon Tit?"

"Mayaman, Magaling, Malaki at Masarap!"

Tinapik ko ang balikat nito. "Tit ang landi ah!"

"Gaga!"

"Ano nga kasi Tit?!"

"Basta MMMM! Apat na pamilya yan sila. Sila ang makapangyarihan at mayamang angkan dito sa bansa, pati ata sa buong mundo."

Nangunot ang noo ko. Lintek! Parang impossible naman ata yan. "Oa mo Tit! Grabe naman yan!"

"Gaga! Mukha bang aparisyon lang si doc kanina?"

Umiling ako. "Kita mo? Maganda ang lahi ng mga yan! Walang tapon. Masasarap lahat! Kilala sila sa industriya dahil sa pagka dami daming negosyo."

Huminga ako ng malalim. Ganto talaga ata pag natanda na o si Tit lang talaga ang ganto?

"Naalala ko dati ay may kaedad akong Monteclar noon.." lumungkot ang boses ni Tit Lintek naman oh!

Pangatlong sign na ba ito ng pagtanda? Paiba iba ng mood?

Sige na nga at sasakyan ko nalamang itong si Tit. "Anong pangalan ng Monteclar na iyon Tit?"

Tumingin ito sa kawalan. "Herardio Monteclar."

Lintek, baka manatay na sa lungkot si Tit!

Hindi pwede masyado pa kong bata para maulila ng Tita!

"Tit wag kana malungkot sign lang yan ng pagtanda mo." kalmadong sabi ko sakanya.

Maalalahanin akong pamangkin ano, mahal ko kaya itong Tits ko! Lintek! Este Tit ko! One of a kind lang ito e!

"Anong pagtanda ang pinagsasabi mong spermcegg ka?! Ibalik kaya kita sa sinapupunan ng nanay mo?!" napapikit ako sa lakas ng boses nito.

"Mga kagaguhan mo talaga e! Monteclar pa ang ginawan mo ng ganoon nakakahiya ka!"

"Ikinahihiya kitang spermcegg ka!"

"H-ha?" naguguluhang tanong ko kay Tit, ito talaga si Tit natanda na nga kung ano pang pinagsasabi.

"Ikaw ba naman ang magsalita ng ganoong lenguwahe sa harap ng isang Monteclar, napakabastos mo!" umilag ako ng makita ang kamay nitong patungo sa direksyon ko.

"Anlakas pa ng loob mong tumuwad tuwad sa harapan ng malaking umbok niya!" galaiting dagdag pa nito.

"Dapat ako ang mag b-blow job hindi ikaw! Bata ka pa, Hindi ka pwede non! Hindi ka marunong na spermcegg ka!"

Lintek!

Ayun naman pala ang ikinagagalaiti nitong si Tit, hindi siya nagkaroon ng tyansa na makaharap ang malaking umbok ng gwapong doktor.

"Ikaw na Tit! Ikaw, ang may pinaka malakas na loob, ikaw na Tit!"

"Ano?!"

"May Atritis ka... Ibig sabihin mahina nayang tuhod mo, senyales yan na tumatanda kana pero anlakas mo parin magnasa, balak mo pang i-blowjob ang halos apo mona!"

Kinuyom nito ang kamao. "Aba't kalakas ng loob mong sabihan ako inyan baka nakakalimutan mo sa bahay kita natira!"

"Totoo naman iyon, tit. Sinasabi ko lang ang totoo..."

Walang mali sa pag tanda o sa sakit ni Tit. Pinapagaan ko lang ang loob nito sa kinalalagyang sitwasyon. Lalo na ngayon, may sakit na nga siya, tumatanda na tapos wala pang jowa!

"Nakakagigil kang spermcegg ka wag na wag kang uuwi sa mansyon ko!" nag martsa ito papalayo sa akin.

"Haynako Tit! Isumbong kaya kita kay Maxzon Mynt Mondragon." hindi pa sya nakakalayo ay napatigil na agad sya sa paglalakad.

Nanigas ito sa kinatatayuan. Nilingon niya ako. "A-anong sinabi mo?"

"Titiara Garzon."

Naglakad siya papalapit sa akin. "A-anong sabi mo?" naginginig ang boses ni Tit.

"Sabi ko isusumbong kita, Titiara." natatawa kong sabi sakanya.

"Umayos ka, Verine." sumeryoso ang mukha niya.

"Sinabi mo sakin... tawagin kitang Tit short for tita, yun pala short for Titiara. Kapatid ka ni Papa pero hindi ko alam ang pangalan mo Tit, para tanga." mapait akong tumawa.

Tila nagiba ang hilatsa ng mukha ni Tit ng sabihin ko iyon, lingid sa kanyang kaalaman, marami akong nalalaman.

Luminga linga siya sa paligid upang makita kung may tao bang nakikinig pero wala naman kaya hinarap niya muli ako.

"A-anong... alam mo?"

Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi ko agad ito sakanya pero hindi ko matiis. Kailan ba ang tamang oras para sabihin ang katotohanan? Pag kailangan

Higit sa lahat alam ko ring hindi dapat ako mangielam pero naawa na ako sa kalagayan niya, ako ang nahihirapan para sakanya, ginawa niya ang lahat para sa pamilya nya at para narin sa akin at sa aking ama kaya siguro naman ay dapat ko namang ibalik sa kanya ang ginawa nya.

"Si mynt kasi,"

"A-anong nangyari sakanya?!" Tumaas na ang boses nito.

"Pano mo... Bakit mo kilala... S-si Mynt?! Paano mo nalaman? Pano ko nga ba nalaman ang mga iyon?"

Huminto ako sa paglalakad unang tignan ang paa na kanina pa kumikirot, namumula na ito ngayon. Sinuyod ko na ang village, walang ni isang bakas ni Tit. Dahan dahan kong nilakad ang paa. Hindi ako pwede ng huminto, baka ano ng nangyari kay Tit.

Saan ba maaring nag punta si Tit? Bakit hindi siya parin nauwi?

Hindi kaya nasa bar nanamam iyon?

Alas dos na ng madaling araw, imposibleng andoon si Tit. Pero yun lang ang alam kong pinupuntahan ni Tit.

Wala sakin ang susi ng kotse sa mansyon, hindi rin ako marunong mag drive kaya naman lumabas ako ng village, nagbabakasaling may dumaang taxi.

Pinalad akong makahanap ng taxi. Madaling araw kaya walang traffic. Mabilis kaming nakarating sa bar.

Kahit alas dos ng madaling araw, marami paring tao sa bar, sumiksik ako sa nagsasayawang mga lasing. Nangunot ang noo ko ng may humawak sa kanang braso.

Lintek naman! Hindi ba halatang nagmamadali ako? Makakatikim ang mga ito sa akin!

"Lintek! Ano bang..." napalunok ako ng tumambad sa akin ang malaking katawan ng lalaki.

Lintek!

"A-ano bang sekreto at ang laki ng katawan mo?" pilit akong ngumiti.

Base sa mukha nitong walang reaksyon, walang siyang balak sabihin sakin ang sagot.

"No teen agers allowed." seryosong saad nito.

Sa gilid nito tumabi ang isang guard. "Bawal ang teen ager dito ne,"

Lintek naman oh!

Hindi porket kinulang ako sa tangkad, teen ager na!

Kinapa ko ang bulsa ng shorts na suot. Lintek! Wala pa akong dalang ID ngayon! Galing mo talaga mag isip Verine!

"May hahanapin lang naman ako, baka kasi andito ang Tit-a ko." nahuli pa ang pagbigkas ko sa a.

"Ne, hindi ito lost and found. Bar to, bawal ka dito." saad ng guard.

Lintek!

Kailangan kong makatakas sa dalawang ito o pwede naman akong bumalik sa mansyon, kunin ang ID saka bumalik. Pero paano si Tit? Baka kung ano na ang nangyari sakanya!

Hinawakan nila ako sa magkabilang braso, kinakaladkad palabas.

Lintek naman oh! Wala na bang ibang paraan?

"What's happening here?" Isang malalim na boses ang nangibabaw sa nakakabinging tugtugan sa loob ng bar.

Kakapasok lamang nito ng bar. Huminto ang bouncer at guard.

"Sir, eto kasing dalagita biglang lang pumasok dito sa bar," magalang na sagot ng guard.

Umirap ako. Hindi nga ako bata! Mukha lang pero hindi!

Lintek naman oh!

Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking nasa harapan namin.

The way he stands speaks authority and class. Tuwid ang likuran nito. Mukha ring alaga ng gym ang katawan dahil halata sa suot nitong damit ang maskuladong braso.

Nakasuot ito ng itim na polo, nakalislis iyon hanggang siko, pinaresan niya itim ring pantalon ang pang itaas.

Napakaganda ng pagka arko ng makapal niyang kilay na bumagay sa mata nito. Mahaba ang pilikmata niya, matangos ang ilong at mamula mula ang pisnge pati ang labi. Daig pa nito ang mga international model.

Nagtama ang mata naming dalawa. "Verine Jyne Garzon?"

Nanlaki ang mata ko ng tawagin niya ako sa buong pangalan.

Hindi ko kilala ang lalaking ito kaya bakit alam niya ang buong pangalan ko? Marami akong followers sa social media accounts ko pero hindi namana ako gumagamit ng full name doon.

Lintek!

Siguro isa ito sa followers ko! Kagwapo naman!

Tinapunan nito ng tingin ang guard. "Let her go, she's my friend. Get back work."

Tumango ang mga yon saka ako binitiwan. Ito namang si pogi ang humawak sa braso ko.

"T-teka!" Hinawi ko ang kamay nito sa aking braso.

"You're looking for her right? I know where she is, follow me." utos niya.

Napasunod nalang rin ako sakanya. Kung nasa tamang wisyo pa ako. Alam ng lalaking ito kung nasaang si Tit sa hindi ko alam na rason.

Hindi dapat ako sumunod sakanya dahil hindi ko naman ito kilala pero may kung anong nagsasabi sa akin na pagkatiwalaan siya.

Huminto ang elevator sa palapag kung saan hindi gaanong ring ang ingay sa ibaba. Isa rin itong bar, wala nga lang nagsasayawan. Ginala ko ang mata sa paligid, think lang na nag iinuman ang mga tao rito.

Nagtungo kami sa tila ba pribado kwarto, mini bar kumbaga.

Nakahiga sa sofa ang isang babaeng naka suot ng off shoulder na nasa leeg niya na. Nakaharang sa mukha nito ang magulang buhok, nanatili ang tingin ko sa hikaw na suot niya.

"Tit!" Dinamihan ko ito, saka inalog alog ang katawan niyang nakadapa sa sofa, walang epekto.

Lasing na lasing si Tit! Knock out!

"She's so drunk." Oo, kakasabi ko nga lang!

Binalingan ko ito. "Hoy lintek ka! Sino ka ba?! Anong ginawa mo sa Tit ko?! Drinoga mo? Ipapakulong kitang lintek ka!" asik ko.

"Calm down. I'm not the bad guy. I saw the guy she's with a while ago... They're doing... something and it bothers me so take her here."

Ano daw?! Nakita niya si Tit na may ginagawa kung ano?! Lintek ano naman kaya yon?!

It bothers him? Bakit?

Lintek!

Naningkit ang mata ko. "Sugar mommy mo si Tit?!"

He chuckled.

Sa itsura ng mukha niya, tila ba alam nito na sasabihin ko iyon.

"S-sino ka ba?" Naguguluhan kong tanong.

"Mynt," aniya.

Nangunot ang noo ko. "Hindi ako nag tatanong kung anong paborito mong flavor."

"It's not my favorite flavor. Im Mynt, you can check my birth certificate if you want." nakangiting saad niya.

Mahilig siguro sa mynt ang magulang nito kaya ipinangalan sakanya, mahilig ako sa porn... Pero hindi ako darating sa punto na ipapangalan ko sa bata!

Lintek!

"Hilig siguro ng nanay mo sa mynt." Natatawa kong saad. Sumilay ang ngiti sa labi niya ng balingan si Tit.

"Yeah... She does."

"B-bakit nga pala kilala mo ako?"

Binalingan niya ako. "I have ways."

"Anong 'I have ways' ka diyan! Hindi mo pwede ng angkinin ang daanan! Saan na kami dadaanan niyan?!"

"Now I know why she's so fond of you." He smiled.

"Anong fond? Hindi ako nagamit ng ponds! Only water touches my skin!"

He laughed.

Lintek! Walang kwenta ang pinagsasabi ko!

"How's Titiara as aunt?"

"Ha?" naguguluhang tanong ko.

"Titiara Garzon."

"Sino ba iyon?" Naguguluhan kong tanong baka pangalan nya iyon pag gabi.

Lintek naman oh!

Teka, ano daw? Garzon?

Apelyido ko iyon ah?

Binalingan niya si Tit na nahilik sa sofa. "She knows that rejecting the truth will hurt me... she endured the pain."

"Ha? Ano bang meron sa Tit- Titiara Garzon na yan?" Bumagal ang pagbigkas ko sa mga sumunod na salita ng mautal ako sa Pangalang Titiara.

Lintek! Saka ko lang natanto ang pinagsasabi niya ng mautal ako sa pangalan ni Tit.

"She's my mother." Natanto ko na iyon pero hindi ko maiwasang magulat sa sinabi niya.

Hindi kaya joke time lang ito? Baka maya maya tatawa siya at papalapak saka sasabihing 'Tingin ka sa camera, nasa wow mali ka.'

Lintek!

Namiss ko ang show na iyon! Paborito ko iyon e!

Pero balik tayo kay Tit.

Hindi ko ata alam ang parteng ito ng buhay ni Tit. Totoo kaya ang sinasabi ng lalaking to?

Tinitigan ko ang mukha nito. Paanong anak siya ni Tit? Ang gwapo niya kaya! Lintek! Asarin ba ang tita habang lasing Verine?!

Pero hindi e! Nanatili ang tingin ko sa mata niya. Hindi talaga! Hindi kamukha. Siguro nagmana sa ama si Mynt, buti nalang!

"Can i take her home?" tanong nito

"Ha?" Tanong ko.

"I'll drive you home."

"H-hindi ko alam kung dapat kitang pagkatiwalaan. Si Tit ang pinaguusapan dito, tita ko siya. Kailanman hindi niya nabangit sa akin ang tungkol sayo. Hindi nga mahilig sa mynt itong si Tit kaya paanong anak ka niya?"

"I know you won't believe me, here. Take a look." Inilabas nito ang wallet sa bulsa. May kinuha siya roon saka nilahad sa harapan ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang larawan. Ang fresh pala ni Tit mung kabataan niya!

Lintek Verine! Pokus!

Sa larawan ay may buhat na batang lalaki si Tit. Parehas nakangiti ang dalawa sa litrato. Ang batang buhat niya... Bungi.Malayong malayo sa pantay at maputing ngipin ni Mynt ngayon.

Lintek! Pokus!

Ang batang buhat niya... kamukha ni Mynt.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height