The Virgin's Doctor/C4 Telenovela
+ Add to Library
The Virgin's Doctor/C4 Telenovela
+ Add to Library

C4 Telenovela

Hindi na ako nag alinlangan pa sa pagkatao ng estrangherong nakilala ko sa bar simula ng gabing yon.

Hindi na rin ako nag alinlangan na mag toothbrush, dalawang beses sa isang araw dahil nakakaingit ang ganda ng ngipin ni Mynt. Isang beses lang kasi ako mag toothbrush, minsan hindi pa.

Lintek naman Verine oh!

Minsan nagkikita kami para malaman nito ang scedule ni Tit.

Sa tuwing magkikita kami, nag kukwento siya ng tungkol sa buhay nila noon, nung hindi pa siya kinuha ng ama.

"Verine," si Tit.

"Fresh ka pala dati Tit," nakangising saad ko.

"Verine umayos ka!" asik niya.

"Gusto kang niyang makasam Tit."

"I-Imposible." Hindi makapaniwalang saad niya.

"P-paano mo nalaman?!" Sigaw niya.

"Mahalaga pa ba iyon?" Sagot ko naman sakanya.

"Umuwi na muna tayo. Kanina pa tayo nalabilad dito sa initan, hindi nakaka fresh!"

Nang makauwi kami, binungaran agad ako nito ng tanong. Ibinigay ko ang sagot na gusto nyang marinig, sinabi ko lahat ng nalalaman ko.

Ang alam kong gustong gusto siyang makasama ng kanyang mahal na anak at nangungulila ang anak niya sa aruga ng isang ina.

"Mynt." nginitian ko ito. Mabuti nalang hindi siya abala sa negosyo.

Siguro kahit abala ito, isasantabi niya muna iyon dahil ito na ang panahon.

Pinaupo ko ito sa sofa ng sala. Nagaayos pa si Tit sa kanyang kwarto. Abot langit ang tuwa ni Tit ng ibalita ko sakanya ng mag kikita na ulit sila ng anak. Baka nga hindi siya natulog kagabi.

Nag pahanda ito ng maraming pagkain na para bang may pista. Maituturing nga siguro itong pista dahil magkikita na ang mag ina.

"Where is she?" tanong ni Mynt.

"Nag aayos pa... Dito ka muna at tutulong lang ako sa kusina."

"Oh? Bakit ka andito? Oo nga pala englisherses ka!" saad ko ng makita si Mynt na sumunod sa kusina. Maysadong abala ang mga kasambahay para pansinin ang presensya niya.

"You, stay there." saad ko.

He chuckled. "I understand you, alright. Marunong ako mag tagalog."

Lintek naman oh!

"Marunong naman pala!"

Tumawa ito saka kinuha nilipat ang ilang putahe sa lamesa.

"Lintek! Mynt! Wag kanang tumulong kaya ko na iyan!" Angal ko. Hinawakan ko ang braso niya para makuha ang hawak na ulam pero iniwas niya iyon.

"Im a man, I have muscles and im strong. I can do this."

"I'm a woman and I'm strong too!" reklamo ko.

"I don't think so, you seem weak. You can't do what a man can do," He stated.

"No! No! No! Hindi totooyan kaya rin ng babae ang ginagawa niyo! Lalo na ang pag bubuhat ng pagkain na yan, kadali dali e!" Sinubuka kong kunin muli ngunit bigo ako.

Kahit anak ito ni Tit, papatulan ko ito!

"Aba't! Sino ba ang nag silang sayo? Babae diba? Sino ba ang nagiiire pag nagbubuntis? Sino ang nakakaya ng sakit pag cocontract ng cervix para maready sa panganganak? Hindi ba't mga babae? At sino nga ba ang nagnganganak ng sanggol sa babae at lalaki? Hindi ba't babae, babae ang mas productive dahil nakakapagbigay sila ng buhay sa mundo sa pamamagitan ng pagdadalang tao at matres nila! Kaya mas malakas ang babae at mas productive dahil nakakaya nila ang bawat sakit sa pagcocontract ng muscle nila tuwing menstruation at pag aaruga sa mga anak nila kahit pagod na pagod na sila at sila rin ang mas productive dahil kung wala sila walang mga lalaking katulad nyo ang nangmamaliit sa kakayahan ng babae!" mabilis kong sabi sakanya. Nanlaki ang mga mata niya, tila nagulat sa mga pinagsasabi ko.

Tama naman ang sinabi ko e. That's my point of view in that issue that's my opinion. This is a democratic country we can say our opinions and perspective in life.

Lintek naman oh!

Hiningal tuloy ako kakapaliwanag!

"I'm not oppressing woman, alright. It's just that, I'm the only man here. I should help a woman like you. Especially because you're dear to my mom." mahinahong saad niya.

"Ano ba ang ingay na yan Spermcegg k--" Hindi na natapos ni Tit ang sasabihin ng mag tama ang mata nilang dalawa.

Nanigas ito sa kinatatayuan hindi makakilos, ng mabalik sa realidad ang isip niya nilapitan nito ang anak at hinagkan ng mahigpit. Napahinto sa ginagawa ang mga kasambahay.

Ngayon wala ng hadlang sa kanilang mag ina, maari na nilang makasama ang isat isa at punan ang mga panahong nawala sa kanila. Nakakainit ng puso ang senaryong ito. Para naming nanonood ng telenovela sa tanghali.

Totoo ngang mas mahal ng magulang ang kanyang anak. Magulang ang iintindi at mag sadakripisyo para sa ikabubuti ng anak. Hindi kayang tiisin ng ina ang kanyang anak ngunit ang anak ay kayang tiisin ang kanyang ina. Totoo nga iyon, hindi nagpakita si Mynt para maging masaya ang ina ngunit hindi niya rin alam ang paghihirap nito ng wala sya sa tabi nito.

"Lintek naman oh!" napasigaw ako ng may dumapong langaw sa kare kare. Napatigil tuloy sa pag momoment ang mag ina at napatingin sa akin!

"Ah... M-may langaw sa ulam."

"Tara kain na tayo." pangiti ngiti ko pang sabi. Inaya ko na rin ang mga kasambahay, maganda kayang manood ng telenovela habang kumakain!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height