The Virgin's Doctor/C9 Malton Cole Monteclar
+ Add to Library
The Virgin's Doctor/C9 Malton Cole Monteclar
+ Add to Library

C9 Malton Cole Monteclar

"Ililibot kita sa mansyon pag ka tapos ng klase mo." saad ni Mynt.

"Ha?" nagtataka kong tanong.

Pagkatapos ng kahihiyan ko kahapon ay hindi na ako naka pag salita pa. Naka uwi kami sa bahay at totoo nga ang sinabi niya. Siya ang nag impake.

Nandoon din ang itim kong thong. Kung ganoon ay hinawakan niya iyon. Hindi ba't parang abusog na ito si Mynt sa akin? Nakita nito ang katawan ko tapos ngayon nahawakan pa ang thong ko.

Lintek talaga si Mynt!

Sinumbong ko siya kay Tit pero pinagtangol pa. Buti nga daw at nagmalasakit.

Tsk.

Porket anak e!

'Nako Verine! Mag pasalamat kanalang at tumulong si Mynt! Huwag kana mag reklamo dahil alam kong pinagnanasaan mo ang anak ko!'

Ayan mismo ang sabi ni Tit. Sa harap pa talaga ni Mynt.

Pinag nanasaan ko daw si Mynt, oo na ga-gwapuhan ako pero isa lang ang lalaking pinagnanasaan ko ako!

Loyal ako kay doc!

Lintek talaga ang nangyari kagabi.

Buti nalang ng nasa biyahe na kami ay nakatulog ako. Sakto pag kagising ko ay nandoon na kami.

Mas malaki ang mansyon nila kaysa kay Tit at sa amin sa probinsya. Malawak ang lugar, mayroong damuhan na pwede mong takbuhan. Pag pasok mo sa loob ay sasalubong ang magandang ambiance ng mansyon.

The furnitures are modern and classy. There are also portraits hang on the wall. I believe those are his great grand parents.

Hindi ko pa nalibot ang kabuuan non. Pagkatapos kumain ay natulog na agad ako sa kwartong nilaan ni Mynt. Mag kahiwalay ang kwarto namin ni Tit pero makatakbo lang naman. Hindi ko alam ang kwarto ni Mynt. Wala na ata akong balak na alamin pa iyon.

"Ililibot kita." ulit ni Mynt.

"Magtrabaho ka kaya ano, para naman may pinagkakaabalahan ka." sabi ko kay Mynt.

Kung sagutin ko ito ay parang hindi siya mas matanda sa akin. Limang taon lang naman ang agwat ng edad namin saka mas okay na ako sa ganto kaysa naman tawagin ko siyang 'kuya mynt'.

May pa 'kuya mynt' pang nalalaman, e nakita nga niya ang katawan ko!

Lintek siya!

"I already told you. I own my time." he smiled.

Tumalikod ako sakanya at bumaba na sa kotse. Sinarado iyon at muling humarap sakanya sa car window.

"Ikaw bahala." sabi ko saka naglakad na papasok.

"Verjy!" sakto naman ang pag pasok ko dahil nandoon lang si Mariah.

"Kakapasok mo lang rin?" tanong ko sakanya.

Tumango ito, pero mukhang may inaantay siya dahil silip ng silip sa pasukan.

Lumingon ako sa likuran."Sinong sinisilip mo?" tanong ko sakanya.

"H-ha? Shuta, wala ah! Tara na nga!" depensa niya.

Grabe makatangi ito ah, hindi naman halatang wala siyang tinatago ano?

Pumasok na kami sa klase at katulad ng dati puro lamang lesson. Pag kahaba habang lesson. Kahit madami kaming pinagaralan ay hindi maiwasang lumipad nanaman ang isip ko.

Hindi ko pa nakikita si Malcolm umbok!

Lintek naman oh!

Na mi-miss ko na ang malaki niyang umbok!

Ang swerte naman ng may mga sakit, nakikita siya. Parang gusto ko nalang tuloy mag ka sakit. Swerte sila kasi maalagang doctor iyon. Naririnig ko sa mga kaklase namin na mabait daw siya, kahit seryoso.

Lintek!

Oo nga pala yung tinext ko sakanya nung nakaraan.

Pupunta ba ako?

Kaso nakakahiya naman.

'Nahihiya ka pa pala, Verine? Naka face to face mo nga ang umbok niya tapos mag papa check up lang, hindi mo magawa?' bulong ng utak ko.

Sa buong araw ay hindi ako tinigilan ng utak ko. Wala na akong naintindihan sa ibang subject, major panaman ang iba doon.

Dahil wala kaming professor sa huling subject ay nag si uwian naman ang iba habang nag gala at nanatili sa university ang iba, katulad ko.

Nauna na si Mariah dahil may gagawin pa daw siya. Ano naman kaya ang ginagawa ng babaeng iyon?

Para siyang may nililihim na kung ano.

Naisipan kong pumunta sa pool ng university. Mabuti at walang tao, tahimik dito, naupo ako sa gilid ng pool. Parihaba ang hugis na pool. Medyo mababaw sa magkabilaang dulo nito pero sa gitna ay malalim na.

Naalala ko noon, takot pa ako lumangoy. Sa tuwing lulubog kasi ako sa tubig ay naninikip ang dibdib ko at nahihirapan ako kalmahin ang sarili. Akala ko ay babagsak pa ako sa physical exam namin. Mabuti nalang at pinag tiyagaan ko iyong aralin.

Nakuha ko rin, naadik ako sa pag langoy kaya naman sumali ako sa swimmers ng Montereal university. Miyembro pa rin ako hanggang ngayon, hindi na nga lang nakakapunta sa mga practice dahil busy.

Inayos ko ang uniform at baka mabasa, delikado na.

Ayokong umuwi ng parang basag sisiw!

Pero parang gusto kong lumangoy. Kaso wala naman akong dala pamalit. Mayroon pamalit para sa swimmers kaso onti nalang ang oras at uwian na, baka nasa labas na si Mynt non kaya hindi nalang muna siguro ako lalangoy ngayon.

Nangunot ang ulo ko ng makita ang isang lalaking naka swimming trunks at goggles. Nasa kabilang dulo ito ng pool.

Tumalon ito. Napatayo ako sa kinauupuan. Mabilis niyang nilangoy mula doon sa dulo papunta sa akin.

Lintek!

Magaling ito ah! Hindi kaya shokoy ito kaya magaling lumangoy? Back stroke ang ginagamit niyang style tapos mag ba-butterfly siya.

Nung natuto akong lumangoy ay pinangarap ko na maging sirena.

Kaso wala hindi naman ako mag ka buntot kahit nag babad ako ng pag ka tagal tagal sa swimming pool. Kumulobot lang ang balat ko dahil doon, tapos nilamig din ako kaya ang kinahantungan ko, lagnat.

Tanga tanga ka kasi Verine!

Sabi ko sa sarili ko.

Masama na ba mangarap na maging sirena? Tsk.

Napaigtad ako ng matalsikan ng tubig ng umangat galing pool ang lalaki. Naiinis akong pag pag at tinitigan siya.

"Lintek ka! Mag ingat kanaman!" sigaw ko sakanya.

Tinanggal nito ang goggles sa mata. Ilang beses akong pumikit.

"Oh... Its you again." he flashed a smile.

"O-oo nga no?" sabi ko naman. Ito yung lalaki sa labas ng hospital ng Monteclar.

Akalain mo ano, dito rin pala ito nag aaral ano kaya ang course niya?

"What are you doing here?" Tanong niya sa akin. Lumakad ito at kinuha ang towel sa kabilang dulo.

Seryoso ba siya? Magtatanong siya tas aalis?

Gago ata to haha!

Mabilis itong tumakbo papunta sa akin, pinanood ko lang siya. Buti hindi siya nadulas nung tumakbo siya!

He looked at me.

Iniintay niya ata ang sagot ko. "W-wala kasing professor kaya tumambay muna ako."

Tumango ito habang pinupunasan ang katawan. "Uh... Can you?" Inilahad nito ang tuwalya sa akin at tinuro ang likod niya.

"Hindi mo ako yaya para pag punasin ng likod mo." natatawa kong sabi sakanya.

Lintek to! Gagawin pa akong yaya!

Pumilig ang ulo nito na parang nanghihinayang. "Why it didn't work? It usually work with others." bulong niya kahit rinig ko naman.

Bumaling ito sa akin at ngumiti. "Sorry... my bad." saad niya.

Lumapit ito sa akin. "I didn't know you study here, what a coincidence right?"

Tumango ako. Oo nga ano. Base sa itsura niya ay kaedad ko lang ito. Medyo mature ang mukha niya pero na se-sense ko talaga na kaedad ko lang siya.

"Anong year mo na?" hindi ko na naiwasang itanong. "Fourth year." sagot niya.

Oh Diba!

Galing mo talaga Verine! Kaedad ko lang yan dahil fourth year din ako. "Anong course mo?" tanong ko ulit.

"Med." sagot niya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kung med siya ay bakit ngayon ko lang nakita ang pag mumukha niya?

"How about you?" tanong niya.

"Med, din at four year." sagot ko sakanya.

His eyes widened.

Same feeling don't worry. Alam kong ganyan din ang itsura ko kanina.

"K-kung fourth year kana, bakit hindi kita nakikita man lang dito sa University?" nagtataka kong tanong.

"Transferee." sagot niya.

"Oh..." Iyon lamang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"I studied in america for my first and third year but my family wants me here so I didn't finish my the last year there." saad niya.

Natahimik ako bigla. Kaya naman pala.

"Oh by the way I'm so rude I didn't introduce myself," saad nito at pinunasan ng towel ang kanyang kamay.

Nilahad niya ang kanang kamay sa harap ko. "I'm Malton."

Kinamayan ko siya. "Verine." simpleng sagot ko.

Tinignan ko ang mukha nito. May kamukha talaga siya!

Ang mata niya at kilos ay kahawig ni... Pero impossible naman ata iyon.

Palangiti itong isa!

Pero hindi nga tayo sigurado kung tama ba ang nasa isip ko.

"Malton Cole Monteclar."

Nanigas ang kamay ko na hawak niya ngayon.

Lintek!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height