The Warrior's King/C10 Kabanata 7
+ Add to Library
The Warrior's King/C10 Kabanata 7
+ Add to Library

C10 Kabanata 7

HABANG nakatitig ako sa mukha nito hindi ko maiwasang humanga. Hindi na normal ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Sinasabi din ng utak ko na isa siya sa pinaka magandang mukha na nakita ko kahit pa kalahati lang ng mukha niya ang nasisilayan ko. Pakiramdam ko'y matagal ko nang tinititigan ang mukhang 'yan sa buong buhay ko.

Ilang minuto na akong nakatitig dito pero bakit hanggang ngayon hindi parin ito lumilingon sa direksiyon ko. Imposible namang hindi niya napapansin ang lantarang pagtitig ko rito.

Nangunot ang noo ko.

"What's your name?"

"Ckiara, My K--" naputol ang dapat sasabihin nito na ipinagtaka ko.

Hmm ..Ckiara

Hindi pamilyar sa akin ang pangalan na yon.

"Sino ka ba talaga, Ckiara?" kasunod na tanong ko

"Hindi na importante iyon ang mahalaga ay ligtas ka" maingat na sagot niya

Inaasahan ko nang wala itong balak sabihin sa kanya kung sino siya. Kung bakit tinutulungan niya ako. Kung bakit siya nandito ngayon. Napakamisteryoso niya. May parte sa akin na nagsasabing 'wag ko na muna itong tanungin dahil malalaman ko din naman iyon kalaunan.

Hindi na ako nagsalita pa. Bagkus ay tumingin lang ako sa daang tinatahak namin. Pumikit ako pero tuluyan na akong nilamon ng dilim.

Pupungas pungas akong nagising. Nanatili akong nakaupo sa passenger seat. Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan. Sumulyap ako sa katabi ngunit wala na ito doon.

Napahawak ako sa sentido. Nasaan na kaya 'yon.

Napansin kong nasa parking na ng condominium ang sasakyan. Agad akong lumabas ng kotse.

"Gising ka na" Nasa boses parin nito ang kaseryosohan. Napamura ako.

Nagulat ako sa pagsulpot niya sa tabi ko.

"Bakit hindi mo ako ginising!" inis na sabi ko dito. Inayos ko muna ang sarili bago tuluyang humarap dito. Gusto kong perpekto ako sa mga mata niya.

"Patawad ngunit hindi mo gusto ang ginigising sa iyong pagtulog"

Bakit alam niya ang bagay na 'yon. Si Bax lang ang may alam no'n dahil ito lagi ang distorbong basta nalang papasok sa unit ko para manggising. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nito.

Suot na naman nito ang cloak hanggang sa ulo.

"Akala ko umalis ka na"

"Binabantayan kita"

Napaawang ang labi ko sa tinuran nito. Psh

Binabantayan niya ako? Bakit?

At bakit parang kinukuryente ang puso ko sa sinabi niya. Napahawak ako sa dibdib kung saan malakas ang tibok niyon.

Nababakla na ba ako?! Bakit parang kinikilig ako sa sinabi niya! Damn Aro!

"Hindi mo na ako kailangang bantayan pa. May gusto ka ba sa'kin ha?!" masungit na sabi ko.

"Oo" diretsong sagot nito.

Parang nagparty ata' ang puso ko sa narinig.

"W-What?!" nabibingi lang ba ako. O sinabi niyang may gusto talaga siya sa'kin.

"Gusto kitang bantayan"

Aba't pinaasa pa niya ako.

"That's not what I meant" angil ko

"Patawad" yumuko pa ito ng kaunti.

Nababaliw na ako! Bakit ko ba siya kinakausap. Naiirita na ako sa paraan ng pananalita nito. May kakaiba akong nararamdaman na hindi ko mawari. Lalo na sa paraan ng pagkilos niya sa harap ko.

Tinalikuran ko siya at dumiretso sa elevator. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

Okay lang naman sa akin kung sasama siya sa condo ko. Tumaas ang sulok ng labi ko. Nakarating na kami sa palapag ay nakasunod parin ito sa akin.

Parang siyang siya pa ako sa kaalamang 'yon. Nasa harap na ako ng pinto ng humarap ako dito para sana magtanong. Ngunit wala ito sa tabi ko kundi nasa katabing pinto ito ng unit ko!

Don't tell me sa kanya ang unit na 'yan!

Bago pa nito pindutin ang security system sa may pinto ay mabilis akong nakalapit para komprotahin siya.

"Sabihin mo sa'kin. Ikaw ba ang nakatira sa unit na 'to" sabay turo ko ng pinto.

"Ako nga" diretsang sagot nito na ikinatanga ko

"I-Ikaw. Ikaw yung--" mukhang ermitanyo na laging kong nakakasabay sa elevator.

Kung gano'n matagal na siya dito at hindi ko manlang nahalata.

Napatawa ako ng malakas sa sobrang inis. Napupuno na ako sa kanya.

Hinila ko siya papasok sa unit ko. Pagkatapos ay itinulak ko siya paupo sa sofa. Kahit reklamo ay wala akong narinig dito. Humalukipkip ako sa harap niya.

"Can you remove that! Hindi ka ba naiinitan" tukoy ko sa suot niyang cloak. Ginawa naman nito kaya natigilan na naman ako ng makita ang buong mukha niya. Napalunok ako bago nagsalita. "Kailan ka pa nakatira sa unit na 'yon" seryosong tanong ko.

"Matagal na"

Ang tingin nito ay nasa carpet floor. I cleared my throat before talking.

"Una kitang nakita sa Bar. Alam kong ikaw ang babaeng 'yon" hinihintay ko ang sagot nito.

"Ako nga" tipid na sagot nito.

"Bakit parang hindi ka manlang tumanda. Highschool pa lang ako noon kahit hindi ko masyadong nabistahan ang mukha mo noon alam kong nasa 20's ka na. Paano nangyari iyon?"

"Hindi ko alam" May pagdududang tinignan ko siya sa mukhang na nanatili paring sa carpet nakatingin. Ano bang meron sa carpet ko? Bakit ba siya nakatingin do'n?

"Ilang taon ka na?" parang imbestigador na tanong pa.

"26"

"T-Twenty six!" 28 na ako ah! Sigurado akong mas matanda ito sa akin. Ang boses nito ay medyo mataas. Matangkad din ito noong makita ko ito kumpara sa akin pero ngayon ay mas matangkad na ako sa kanya. Parang walang nagbago sa kanya.

Pwede namang mangyari iyon. May ipinanganak na talagang mas matured kasya sa edad nila. Pero nasa isip ko parin ang pagdududa dito.

Iwinaglit ko lang iyon dahil madami pa akong nais itanong sa kanya.

"Bakit mo ako iniligtas?"

"Iyon ang gusto ng Rey---- ng Lola mo ...ang protektahan kita"

Si Lola? Ginawa ko ang lahat para hindi makarating sa kanya ang mga death threat. Alam na pala nito?

Bakit sa isang babae pa niya ako ipinagkatiwala? Wala sa ugali ng lola kong ang pangunahan ako sa mga desisyon ko. Nagtatanong muna ito bago niya gawin iyon. Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na ito makontak kung hindi ko lang alam na gumala na naman ito ay baka nag - alala na ako. Gusto ko pa naman siyang tanungin kung totoo ngang siya ang nagpadala sa babaeng 'to. Pero bakit?

Nanatiling madaming tanong sa isip ko pero kung isa isahin ko iyong tstanungin sa babaeng nasa harap ko ngayon ay baka mas maguluhan pa ako.

Kanina ng hilahin ko siya papasok dito ay parang may malakas na kuryente ang bumalot sa pagkatao ko. Ibang pakiramdam na parang ngayon ko nalang ulit naramdaman.

Bakit ganito ang nararamdaman ko sa babaeng 'to kahit ngayon ko lang siya nakilala?

Ckiara....

Sino ka ba talaga?

-end of K7-

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height