C12 Kabanata 9
"SIR. Nandito po si Mr. Deque sa labas. He said he wants to talk to you" sabi nito mula sa intercom "He's mad, by the way" habol pa nito.
"You know what to do" sabi ko at tumingin uli sa mga papeles na binabasa ko. Kailangan ko iyong tapusin bago umuwi.
Hindi din mawaglit sa isip ko si Ckiara nasaan naman kaya ito ngayon. Dapat pala kinuha ko yung number niya.
Napaangat ako ng tingin ng marinig ang pagbukas ng pinto.
"Anong ginawa mo sa isang 'yon. Ang lakas maka sigaw, bro. Parang toro na galit na galit. Nagwawala ng hilain nong limang security" tanong agad ng bagong pasok na.si Bax. Umupo ito sa upuan sa harap ng mesa ko.
"I just fired him this morning" balewalang sagot ko.
"Whoa ! Bakit? Bakit? Bakit?" Kunwari ay gulat pang sabi nito. Halata namang walang pakialam kung mawalan ng trabaho ang isang iyon.
"Nakidnap ako kagabi isa siya sa mga --"
Hindi pa man ako natatapos tumayo ito. Nag - inagy tuloy ang inupuan nito kanina dahil sa biglang pagtayo.
"What the hell! Bakit ngayon mo lang sinabi. Anong nangyari? May sugat ka ba? Paano ka nakatakas? Sinong nagligtas sayo? Sinabi mo na ba sa mga owtoridad ang nangyari?" sunod sunod na tanong nito. "Bakit hindi mo ako tinawagan noong nakidnap ka. Edi sana tinulungan kitang makatakas do'n"
Sa'n siya nakakita ng kinidnap na tinalian sa kamay at may piring sa mata ay tatawag pa para humingi ng tulong. Damn Bax !
"I'm fine. Nakatakas ako" tipid na sabi ko.
Wala pa akong balak sabihin dito ang tungkol kay Ckiara.
Ilang segundo niya lang akong tinignan bago bumuntong hininga at bumalik sa pagkakaupo. Alam nitong hindi niya ako mapipilit magkwento sa mga nangyari.
"Siya ba ang mastermind?" tukoy nito kay Mr. Duque
"Hindi. Kasabwat siya sa pagkidnap sa akin"
"Kung gano'n bakit nasa laya siya! Dapat pinakulong mo agad, Aro"
Ngumisi siya dito bilang sagot.
"Oh ! You're planning something. I hope it work"
"Yeah. It will" sabi ko "Bakit ka pala nandito" pag - iiba ko ng usapan
"Nagugutom ako. Baka pwede namang pakainin mo ako. Nagtitipid kasi ako"
Ang isang shipping magnate nagtitipid. Psh
"Ano na namang trip mo" tinignan ko siya ng masama
"Ang sama mo namang makatingin. Kaibigan ba talaga kita, ganyan nalang lagi ang trato mo sa'kin, Aro" kunwari'y nagtatampo pang sabi nito. Ngumuso na ikinangiwi ko.
"I'm busy"
"Malapit nang maglunch, Aro. Pambihira naman kailan ba noong huli na sabay tayong kumain. Pa bromance ka naman kahit ngayon lang" Fuck Bax! Ibinato ko sa kanya ang hawak na pen.
Nasalo naman nito iyon at tumawa.
"Kahit kailan talaga napakaseryoso palibhasa virgin pa HAHAHA !"
Mas lalao ko itong pinukol ng masamang tingin.
"Biro lang, Arrow. Mas nakakatakot ka pa sa nakita ko sa reception area sa baba eh. May cosplay ba kayo dito ngayon? Nakasuot kasi siya ng cloak muntik na nga akong mahimatay no'ng sumulpot sa tabi ko" kwento nito. Tumayo ito sa harap ko at pabagsak na humiga sa sofa na nasa gilid ng center table ko.
Natigilan naman ako sa sinabi niya.
"Nasa baba pa ba?"
"Ha?" yakap na nito ang isang throw pillow ng lumingon ito sa akin.
"Yung babaeng nakacloak"
"Oo siguro .. bakit"
"Let's go" Nagmadali akong ayusin ang files sa harap saka ako tumayo.
"Ha?"
"I-I'm hungry"
"Great! Akala ko hindi mo na ako pakakainin" masayang sabi nito at nauuna pang lumabas ng opisina.
Napailing naman ako at sumunod nalang dito.
Napansin ko si Rally na nasa mesa pa nito. Tumayo naman ito ng makita ako.
"Ms. Foiller. I'll be out for an hour. Take your early lunch"
"Yes, Sir!" Nakita ko ang pagsulyap niyo kay Bax at ang pasimpleng pag - irap sa nakatalikod na lalaki.
Saktong bumukas ang elevator at pumasok na kami sa loob.
"What's with you and Ms. Foiller, Bax" tanong ko nanatiling diretso ang tingin ko sa harap.
"Whoa ! May pagkatsismoso ka na pala ngayon, Bro" tonong nang aasar pa.
"Tss"
Hindi na ito nagsalita pa.
Pagkalabas namin ng elevetor ay hinanap ko agad si Ckiara. Nasaan na ba yon.
"Aherm. Sino bang hinahanap mo d'yan. Kanina ka pa lumilingon ah. Ano bang meron?" lumimga linga din ito na parang may hinahanap.
"Yung naka cloak. Sa'n mo siya nakita"
Parang pagtataka naman ito kung bakit ko hinahanap ang babaeng nakacloak.
Itinuro nito ang waiting area malapit sa may reception. Kahit malayo ay nakikita ko ang itim na suot nitong cloak. Nakatalikod ito sa akin.
"Teka lang, Aro. Kilala mo ba 'yon. Ang lakas kasi maka Cosplay parang galing pa sa Japan. 'Wag mong sabihing 'yan yung model ng bagong brand ng products niyo? Magkano naman ang Advertising Fee niya?" sunod sunod na tanong na naman nito habang sinasabayan ako sa paglakad palapit kay Ckiara.
"Bakit nandito ka. Pumunta ka nalang sana sa opisina ko kung tatambay ka lang naman pala dito" sabi ko kahit likod palang ang nakikita ko.
Dahan - dahan naman itong lumingon sa akin.
"Sir kayo pala" maarteng sabi nito. Inipit pa nito ang medyo mahabang buhok sa tenga
Anak ng bakla! Muntik na akong himatayin.
Shit ! shit ! shit !
"Get lost!" sigaw ko dito. Parang natakot naman ito sa pagsigaw ko. Dali dali itong umalis sa harap ko.
Napahawak ako sa sentido.
"Oh Akala ko pa kilala mo 'yon" tumawa ito ng malakas hawak pa ang tiyan. Naisahan na naman ako.
Inis na tinalikuran ko ito. Lumabas ako sa sariling kompanya. Damn! Hindi ko man lang tinanong kung babae ba yung nakita niya. Fuck! bakla pala. Narinig ko lang na nakacloak nagmadali na akong bumaba.
Nakatayo parin ako doon ng masinagan ako ng makinang na bagay sa mata. Pumikit ako at pilit hinahanap kung saan galing iyon.
Huminto ang mata ko sa isang coffee shop na nasa harap lang ng gusali. Nakita ko doon si Ckiara, nakaupo ito sa loob ng glass wall ng shop. Hawak nito ang isang bagay na malamang ay ang espada nito. Nakalabas ang kalahati no'n siguradong itinapat pa sa araw para pumunta sa akin ang nakaksilaw na liwanag. Nakatingin din ito sa kinatatayuan ko ngayon.
Sana nga diretso nalang sa mata ko ang tingin niya.
-end of K9-