The Warrior's King/C4 Kabanata 1.2
+ Add to Library
The Warrior's King/C4 Kabanata 1.2
+ Add to Library

C4 Kabanata 1.2

Malaki ang katawan ng lalaki kumpara sa katawan niya. Baka nga kapag nagsuntukan kami dito ay bugbog sarado na siya.

Tumayo naman siya sapo ang pangang nadapuan nang kamao nito.

"Kung ako sayo ikulong mo sa bodega yang syota mo para hindi kung sinu - sino ang nilalandi, pare" kalmadong sabi niya dito.

"Gago ka pala eh! Tinawag mo bang malandi yung girlfriend ko ha!" Isa pang suntok ang pinatama nito sa mukha niya. Muntik na siyang mahilo dahil sa ulo niya tumama ang kamao nito.

"Baby. no.. stop..wala siyang kasalanan" pigil dito ng babae. Pilit hinihila sa braso ang lalaki ngunit iwinaksi lang 'yon. Masama parin ang pagkakatingin sa kanya.

Nakaagaw na tuloy sila nang pansin sa loob. Ang iba ay tumigil pa sa pagsayaw ng mapansin ang nangyayari.

He smirked. Tumayo siya. Lasing na siguro siya dahil parang umiikot na ang paligid niya. Hindi niya dapat pinatulan ito, ngunit umepekto na ang naiinom niya kanina.

"Bantayan mo 'yang syota mo. Hindi yung naghahanap pa ng gwapong kagaya ko. Sa tingin mo ba papatulan ko yan" he said Pinunasan niya na ang dugo sa gilid ng labi gamit ang likod ng palad.

Mukha namang nainsulto ang babae dahil pinukol na din siya ng masamang tingin.

Hinawakan siya nang mahigpit ng lalaki sa kwelyo palapit dito.

"Tangina ka! Ang yabang mo ah! Babangasan ko yang mukha mo para hindi mo na masabing gwapo ka!" sigaw nito

Akmang aambahan siya ulit nang suntok subalit may kamay na pumigil dito. Natigil ito at sabay pa silang napalingon sa taong iyon.

Sa pag - aakalang si Bax 'yon ay nagkamali siya.

"Sino ka naman! 'Wag kang makialam dito" mayabang parin na sabi ng lalaki sa taong bigla nalang sumingit.

"You better not ask or you'll die" isang malamig na boses ang narinig niya.

Hindi niya mabistahan ang buong mukha nito dahil suot parin na hood ulo. Natatandaan niyang ito ang katabi niya kanina.

Nangunot ang noo niya sa ginawa nito. Hindi dapat ito sumingit sa gulo.

Kaya nama niyang bangasan ang maangas na lalaking ito. Malaki lang naman ang katawan nito at wala nang iba pang maipagmamalaki.

"Aba't inglesero pa! Ano ! Magkaibigan ba kayo nang gagong 'to baka gusto mong pagbuhulin ko pa kayo!"

"Kung kaya mo" parang nanghahamon pa na turan nito sa lalaki. Malamig ang boses nito habang nakatingin sa lalaki.

Napansin niya ang sumisilip na mahabang buhok nito dahil nakatago lang iyon sa gilid ng hood ng jacket nito.

What the! She's a girl!

Hindi agad niya napansin dahil mataas ang boses nito at matangkad kumpara sa kanya. Sa tingin niya ay nasa 20's na ang edad nito.

Binitiwan siya sa kwelyo nang nagngangalang Mico at humarap na sa babaeng nagsalita.

Mukhang siya lang ang nakapansin na babae ito.

"Aba't mayabang ka. Pareho kayo 'ng kasama mong walang binat.." naputol ang dapat na sasabihin nito.

Sa isang iglap ay sinikmura ito ng babaeng nakahood. Sabay hawak ng mahigpit sa buhok ng lalaki. Itinaas ng babae ang tuhod at tinuhod nito ang panga ng lalaki.

Nanlaki ang mata niya sa nasaksihan. Paanong---!

"Ahhh!! Oh my gosh Mico! Call the guards!" sumigaw ang babaeng dahilan ng lahat.

Kahit siya ay hindi alam ang gagawin dahil sa gulat. Naestatwa siya sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung pipigilan niya ito o ano.

"Itigil mo na yan! Baby! Okay ka lang?! .." umiyak pa ang babae. Pero hindi naman makalapit sa kasintahan.

Sinuntok ng babaeng ang panga ng lalaki. Para bang pinanggigilan pa nito ang mukha ng lalaki hangang dumugo iyon. Hawak parin nito nang mahigpit sa buhok ang lalaki na nakaluhod na sa harap nito. Walang sinuman ang nagtangkang pigilin ito. Parang gusto niyag masuka sa nakikita. Narinig pa niya ang pagcrack ng buto nito sa panga.

Shit!

Tumigil ang malakas na tugtugin. Lahat ng tao ay nakikiusyoso na sa nagaganap.

"Aro!" tawag sa kanya ni Bax na pilit dumadaan sa kumpol ng mga tao.

"Anong nangyari dito? Sino ang mga 'yan" Napatingin ito sa eksenang nasa harap niya. Nanlaki ang mata nito nang makita ang pasa sa labi niya "Ano namang nangyari d'yan sa mukha mo!" palipat lipat ang tingin nito sa kanya at sa babaeng inambahan na naman nang malakas na suntok ang lalaki sa mukha hanggang sa bumagsak ito sa sahig.

Nagsinghapan ang lahat sa nasaksihan. Nanatili siyang walang imik.

Hindi na niya mamukhaan ang mukha ng lalaki, puno ng dugo ang mukha. Pati ang gilid ng mata nito ay pumutok na sa daming dugong nilalabas niyon. Nahimatay na rin ang babaeng kasintahan nito sa nakita.

Dumating naman ang mga security. Hindi niya alam pero nag - alala siya sa babae kaya agad niya itong tinignan ngunit wala na ito sa kinatatayuan kanina.

Mabilis siyang umalis doon para hanapin ito.

"Hey! Arrow 'san ka pupunta" pigil sa kanya ni Bax. "Aro!" Habol niti pero nakaalis na siya sa kumpulan ng tao. Nahirapan itong makahabol sa kanya dahil naharangan na ito ng mga tao.

Malapit na siya sa may entrance nang makita niya ang babaeng nagligtas sa kanya.

"W-Wait. Sandali!" pigil niya dito. Hindi niya alam kung bakit niya ito hinabol.

Napahinto naman ito at lumingon sa direksyon niya. Natigilan siya nang mapansing hindi na nito suot ang hood sa ulo. Nakatingin sa kanya ang itim nitong mata. Wala siyang mabasang emosyon sa matang iyo.

Nakakapanghipnotismo ang paraan ng tingin nito.

Madilim parin sa loob ng bar pero naaaninag niya ang kalahating mukha nito dahil 'yon lang ang natatamaan nang ilaw.

'My King. Are you alright?'

'Naparito ako upang ibalita ang ating pagkapanalo, Mahal na hari"

"Masusunod, Mahal na hari"

Napapikit siya at napahawak sa sentido nang marinig ang tinig na 'yon sa isip niya.

Para iyong alaala na biglang sumulpot sa isip niya.

Napapadalas na din ang panaginip niya ng mga weirdong pangyayari parang history na bigla nalang sumusulpot sa utak niya. Lalo na ang isang babaeng naka armor ngunit walang mukha. Sino ba siya?!

Pagmulat niya nang mata ay wala na ang babae sa harap niya. Agad siyang tumakbo palabas para habulin ito. Ngunit kadiliman mula sa labas ang sumalubong sa kanya.

Wala na siyang makita kahit anino ng misteryosong babae. Napahawak pa uli siya sa sentido nang maramdamang kumirot iyon.

-

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height