+ Add to Library
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 Chapter 1

"No!" Ang galit na sabi ni Alaric habang nanlilisik ang mga matang nakatitig sa akin. "Hindi ako magpapakasal sa babaeng kung saan nyo lang dinampot." Ang sabi pa nito na talagang nagpakulo ng dugo ko at nagpainit ng bumbunan ko.

"Stop it, Alaric!" Ang sita naman dito ng kanyang Mommy. "You don't even know whether she likes you or not tapos ganyan ka makapagsalita!" Ang dagdag naman nito. Oo nga naman, ang kapal ng feslak ng aroganteng ito maliitin ako kahit na 4'11 lang ako eh hindi ko din naman siya gusto.

"If that's the case eh itigil nyo ang kalokohan nyong ito!" Ang sabi naman nito.

"Kung sa akin lang ay walang problema, ang tanong OK lang ba sayo na mawala ang control mo sa company?"

"Ano naman ang kinalaman ng kumpanya sa pagpapakasal namin?" Ang tanong nito na wala palang kamalay malay sa mga kaganapan. Napatingin tuloy ako sa matandang Navarro na ngayon ay nakangiti naman sa akin.

“I am going to let Jessa handle it as soon as she graduate. I’m sure that she will be more than happy to marry someone I will ask her to marry.” ang sabi ng matandang Navarro na kumindat pa sa akin. Gusto ko tuloy humagalpak ng tawa kaya nga lang ay hindi ko magawa dahil baka lalong mabuwisit ang niluma ng panahong si Alaric kaya napangiti na lamang ako. Yun nga lang, hindi ko alam eh nakatingin na pala sa akin ito at umuusok ang ilong na sinigawan ako.

“Eh gold digger ka pala eh!” na ikinataas ng aking kilay. Well, parang ganun na nga pero hindi naman ako totally ganun.

“Legal naman ang pagiging gold digger ko!” ang sabi ko sa kanya at nakipaglabanan talaga ako ng titigan. Ano sya sinuswerte? Hindi ko hahayaan na maging lyamado siya dito. Natawa muna ito na tila nang-uuyam bago nanlilisik ang mga matang nagsabi,

“Talagang inamin mo pa eh no?”

“”Bukod naman sa pera mo, at kung hindi naman ako mahirap ay nungkang pumayag ako. Wala akong makitang maganda sayo maliban sa bank account mo.” ang mataray ko ring sagot.

“Feeling mo naman maganda ka? Ano sa tingin mo ang meron ka para pumayag akong pakasalan ka?” ang tanong niya.

“Nakita mo na, hindi ko alam kung makakalimutin ko o tanga lang.” ang sabi ko sa kanya.

“Aba’t!” na papalag pa pero hindi ko na siya pinagbigyang makapag salita pa.

“Kakasabi lang di ba, kapag hindi ka pumayag, ako na ang magma-manage ng kumpanya mo pagka-graduate ko ng college.” tapos ay natigilan ito, “Alam mo na ngayon kung ano ang meron ako para pakasalan mo ko? So, that makes us both a gold digger.” dagdag ko pa sabay kindat.

“Yan ba ang klase ng babaeng gusto nyo para sa akin? Nakita nyo kung paano sumagot?”

“At least ikaw lang ang sinasagot ko. Ikaw ba, narinig mo ba ang sarili mo kung paano ka kumausap at magsalita sa nanay at lola mo?” doon ito tila natigilan. Ang sabi sa akin ng matandang Navarro ay sweet ang apo niya sa kanila ng kanyang manugang. Kaya kahit daw anong balita ang kumakalat about sa pagiging arogante at dominante nito ay hindi nila iniintidi dahil iba ang pakikitungo nito sa kanila. Kaya lang, hindi ko makita sa lalaki ang apo at anak na sinasabi nito.

“Are you really going to do this to me, Mom? Grandma?” ang tanong pa niya at talagang naniniguro pa ha.

“Take it or leave it, Alaric.” ang sagot naman ng matanda habang tahimik lang si Mrs. Navarro. Kahit saang anggulo ko tignan ay sadyang napaka-sosyal nito. Naisip ko tuloy kung magiging parang siya din ba ako pag dating ng panahon. Huminga ng malalim ang binata bago lumingon sa akin, “You,” sabi niya sa mas mababang boses, mukhang natauhan si loko. Tumingin naman ako sa kanya at hinintay ko siyang magsalita. “If you agree to this, kailangan mong ihanda ang sarili mo sa mga consequences. Hindi ako ang tipo ng tao na magtotolerate ng hindi ko gusto at huwag ka ding umasa na matatamasa mo ang buhay na inaasahan mo.”

“You ka din!” ang sabi ko din, ano yon, siya lang ang may karapatang magbanta? “If you agree to this, kailangan nating mag-usap ng maayos at dapat ay handa ka rin sa mga consequences. At pag-isipan mo ng mabuti, because if you don’t tolerate people you don’t like, I can tolerate anyone as long as they don’t bother me. Call me and let’s talk whatever you decide. For now, I need to go dahil may klase pa ako.” ang pagtatapos ko sabay tayo at baling sa dalawang magagandang ginang at nagpaalam na ako ng maayos at syempre ay may paggalang bago umalis.

Nagpahatid ako sa driver nila syempre. Ang hirap lumabas sa village nila dahil wala namang mga pampasaherong sasakyan sa loob at bawal. Iniwan ko sila doon at bahala na silang mag-usap.

On the way sa school ay tahimik lang ako habang nag-iisip. At muling nagbalik sa aking alaala ang simula ng argumento kanina.

***

Kagagaling ko lang sa school at rest day ko ng aking part time job kaya diretso ako uwi ng bahay. Hindi ako mahilig maggala dahil sayang ang pera. Kaysa maubos sa pasarap ay itabi ko na lang para magamit ko sa pangangailangan ko sa school. Nagtaka ako kung bakit may sasakyang nakaparada sa harap ng aming bahay. Maliban sa jeep, taxi, tricycle at UV express ay wala na akong ibang tawag pa sa sasakyan. Pero ang nakaparada sa harap namin ay kagaya ng nakikita ko sa ilang movies na gamit ng mga sobrang yamang characters. Yung mahaba siya at may parang ref sa loob.

Habang papasok ng aming bahay ay sa sasakyan pa rin ako nakatingin, iniisip kung sinong kapit bahay ang nakiparada sa amin. Nagkibit balikat na ako at tuluyang pumasok sa aming bahay para lang magulat dahil for the first time in forever ay may bisita kami at mukhang mayaman pa. Wait, sa kanila ba ang sasakyan sa labas? “Hi, hija,” ang nakangiting bati ng may edad ng ginang. Siguro ay magkasing edad sila ni lola pero dahil may pera ito ay nagmukha silang magtiyahin at si Lola ko ang tiyahin.

“Nandito ka na pala, Jessa.” ang sabi naman ng aking nanay ng lumabas ito mula sa kusina na may dalang coke. Napataas ang kilay ko dahil mukhang nag effort pa si madiristik movement eh mukhang hindi naman umiinom ang mga bisita niya ng ganon.

“Hi po inay,” ang bati ko sabay mano. Ako na ang naglapit ng noo ko sa kamay niya dahil hawak niya sa magkabilang kamay ang mga baso ng softdrinks. Tapos ay sinundan ko siya ng tingin ng inilapag niya ang mga ito sa lamesita.

“Anak, siya si Mrs. Margarita Navarro.” ang pakilala ni mudra sa mas may edad. Yumukod ako ng bahagya at ngumiti bilang pagbati, “Siya naman si Mrs. Alaina Navarro, manugang ni Ma’am Margarita.” ang dagdag pa niya at kagaya ng ginawa ko sa biyenan niya ay yumukod din ako ng bahagya at ngumiti.

“Tita ang itawag mo sa akin, Lyn.” ang sabi dito ng matandang Navarro, napatingin tuloy ako sa kanya, “At pwede mo akong tawaging lola, hija.” ang sabi naman niya sa akin. Tumango lang ako pero syempre ay hindi ko naman masyadong sineryoso dahil malamang ay first and last meeting din namin ito.

“Pwede mo naman akong tawaging Mommy.” ang singit naman ng mas batang ginang.

“Huh??” ang nagtataka kong reaksyon tapos ay tumingin ako sa nanay ko. Yung tipong sinasabi ko sa kanya na, ‘anong sinasabi niya? Yung tipong memes lang sa FB na gulatin mo ang anak mo, ipakilala mo siya sa tunay niyang ina na mayaman pala. O kaya ay yung tippong, “I exist”? Charot!

“Ah, eh..” ang sabi naman ng aking ina na parang tuliro. “Maupo ka na muna at ikukuha din kita ng maiinom.” ang sabi nito. Maya maya ay lumabas mula sa aming silid ang aking lola na may dalang kung ano at excited pa.

“Hay naku Margarita, tignan mo ito oh,” ang sabi nito na akala mo ay sobrang close sila sabay upo sa tabi ng matandang Navarro, “Ay apo nandiyan ka na pala.” ang baling nito sa akin pero muling tumingin kay Mrs. Margarita. Bakit ganun ang Lola ko? Bakit kilala niya agad ako? “Tignan mo, oh di ba, kamukhang kamukha ko ang aking apo?” ang proud na sabi nito. Natampal ko tuloy ang aking noo dahil doon. Simula’t simula pa ay lagi na niyang ipinagmamalaki ang bagay na iyon sa kahit na kanino.

“Oo nga Yolanda, agad ko nga siyang nakilala pagdating niya dahil kitang kita ko ang kabataan mo sa kanya.” ang masayang sagot naman ni Ma’am Margarita sa kanya.

Ngiting ngiti ang aking lola ngunit makalipas lang ang ilang saglit ay bigla itong bumaling ng tingin sa akin na nagpawala din ng ngiti sa aking mga labi, “Yolanda! Hindi ka ba papasok sa paaralan?” ang tanong nito na ikinagulat nila Ma’am Margarita. Tappos ay tumingin ang aking lola sa matandang katabi, “Sino ka naman?”

Ang kaninang ngiting ngiting Margarita ay balut na ng kalungkutan. “Pasensya na ho, Tita.” ang daling sabi naman ng aking ina,

“Hay naku, bakit ba ako nandito? Dapat ay natutulog na ako, hala maiwan ko na muna kayo at baka maagang dumating si Rita, ipagpapaalam na naman non tiyak itong si Yolanda.” ang sabi naman ni lola bago tumayo at lilingon lingon. Agad naman siyang inalalayan ni nanay dahil ganun talaga ito, sa liit ng bahay namin ay may pakiramdam itong naliligaw.

Pagtingin ko kay Ma’am Margarita ay hawak nito ang picture na pinapakita ni lola sa kanya tapos ay tumingin ito sa akin at ngumiti na may halong kalungkutan. “Sa aming dalawa, ako ang gustong magkaroon ng anak na babae. Ngunit kagaya niya ay lalaki rin ang naging anak ko. Mabuti nalamang at dumating sa buhay namin itong si Alaina na siyang nagpasaya sa akin.” ang simulang sabi nito tapos ay tumingin sa nakangiti ding Ma’am Alaina.

“Marahil ay nagtataka ka kung bakit kami naririto,” ang sabi ng mas batang ginang. Ano ba yan, hindi ko mabanggit na Mommy.

“Medyo naguguluhan din po ako, pero dahil nakilala naman po kayo ni lola at lagi ko pong naririnig sa bibig niya ang pangalang Margarita ay parang alam ko na rin po. Kaibigan po niya kayo nung kabataan niya?” ang sabi kong patanong kay lola Margarita. Hay makapagsanay na nga lang, tutal sa sarili ko lang naman eh.

Tumango ito at nagsimula ng magkwento ng kanilang buhay. Nalaman ko na super close talaga sila at kung hindi mga nagsipag asawa ay malamang sila daw ang magkasama ngayon sa buhay. Napangiti ako dahil ramdam ko ang sinseridad sa boses niya. Kinwento din niya ang napagkasunduan nilang magkaibigan na ipakasal ang kanilang mga anak ngunit kagaya ng sinabi ni Lola Margarita kanina ay pareho silang mga lalaki.

“Kaya naman nais ko sana na sa inyo ng aking apo ipagpatuloy ang aming kasunduan.”ang sabi nito na ngiting ngiti na parang ikinabingi ko naman. Napatingin tuloy ako sa nanay ko na nakaupo na sa tabi ko matapos masigurong OK na ang aking lola.

“Ah, eh, pakiulit nga ho..” ang sabi ko habang nililinis ko ng aking hinliliit ang aking tenga.

“Nais ko sana na kayo ng aking apo ang magpatuloy ng kasunduan namin ng lola mo.” At ayun na nga, nasiguro kong malinaw pa ang pandinig ko. “Matanda na ako hija, gusto kong matupad ang aming pangako sa isa’t isa. Paano kung dumating na ako sa puntong dapuan na rin ng kalimot?”

“Naku eh, marami naman ho kayong pera kaya pwede pa ho kayong magpagamot.” ang sabi ko naman kaya nakatikim ako ng pagtapik mula sa aking nanay. Nagulat tuloy ako. “Nay naman, huwag nyong sabihing ngayon nyo pa gustong yumaman eh tinanggihan nyo nga yung mayamang manliligaw nyo kahit tegi na si tatay.”

“Sira ka! Ang sinasabi ko lang ay huwag masyadong palagay ka kung makipag-usap. Kahit may pera sila eh alam mo ang hirap ng lola mo dahil sa kalagayan niya.”

“Sinasabi ko lang naman,”

“Hija, I’ll take care of your lola’s medication.” sabi naman ni Lola Margarita. “Actually, iyon talaga ang gagawin ko no matter what. Hindi sa hinihingi kong kapalit iyon sa pagpayag mo,” ang sabi nito na pinutol ko na,

“Pero parang ganun na nga?”

“Dear,” ang sabi naman ni Mommy. Kalurkey, mommy na talaga? “My son is very handsome, he is nice to me and my mother in-law. Hindi ka magsisisi kapag pinakasalan mo siya. Sigurado akong aalagan ka niya.”

“Eh, tita. Hindi naman ho ganun kadali ang sinasabi nyo.”

“Alam naman namin iyon hija, at alam din namin na nag-aaral ka pa habang 33 years old na ang aking anak.” nanlaki ang mga mata ko dahil hindi halata sa kanya. Mukha ngang matanda pa ang nanay ko sa kanya. “Kaya naman hindi muna namin kayo pipilitin na maging aktuwal na mag-asawa. You’re living together pero we will let you finish your study first bago kami manghingi ng mga apo.” ang sabi pa nito na nakangiti. Napamaang tuloy kami ni nanay. As in mga apo?

To make the story short ay pumayag na din ako dahil sobrang bait ng dalawa at alam ko na agad na wala akong magiging problema sa mga in-laws ko. Isa pa, kailangan ng lola ko ang mapagamot at kung sa kita ko lang at ni nanay kami aasa ay malabo pa sa tubig kanal ang tuluyang paggaling nito. Isa pa, mabait daw ang mapapangasawa ko. At siniguro nila na mapapayag nila ito dahil sa kumpanyang hinahawakan nito na siya din palang pinakamalaking kumpanya sa bansa.

Ito ang literal na too good to be true kaya naman magaan sa kalooban ko na ding tinanggap. Ang nakakainis lang ay ng makaharap ko na nga ang damuhong si Alaric.

“Ma’am nandito na po tayo.” ang sabi ng driver. Tumango ako at nagpasalamat bago bumaba ng sasakyan. Akalain mo sakto sa pagtatapos ng baliktanaw ko ang biyahe namin. Hahaha Char..

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height