C2 Chapter 2
“Hoy, bruha ka. Sabihin mo sa akin, may sugar Daddy ka ano?” ang sabi ni Vane pagkatapos nya akong banggain habang naglalakad ako papunta sa aming classroom. Third year college kami at isa siya sa mga mabubuti kong kaibigan. Mayaman sila samantalang kayod marino kami ni nanay at apply dito apply doon ako sa mga scholarship program ng iba’t ibang sangay ng gobyerno at ganun din sa mga private sector ang ginagawa ko. Madalas din niya akong tinutulungan sa aking mga school needs kaya naman malaki ang pasalamat ko sa kanila.
“Anong pinagsasasabi mo?” ang tanong ko naman din.
“Kitang kita ng aking mga tantalizing eyes na bumaba ka sa magarang sasakyan. Hindi sa first time kong makakita non, pero dahil first time kang bumaba sa ganon. Taxi nga ipagpapamisa mo pa eh, sa mamahaling grab pa kaya?”
“Pwes, napuwing yang tantalizing eyes mo dahil mali ang nakita mo.”
“Hoy Jessabel, hindi pwedeng magkamali ang aking paningin kaya umamin ka na, sino ang sugar Daddy mo?”
“Mali nga ang tingin mo dahil dyan sa fake eyes lashes mo, kaya niloloko ka na ng iyong paningin!”
“Jessa…” ang akala mo bata na sabi nito habang pumapadyak pa. Hindi ko tuloy napigilan ang matawa dito.
“In time, sasabihin ko sa inyo. Sa ngayon, negative pa.” ang sabi ko na lang ma ikinalaki ng kanyang mga mata.
“Trulalu? Ayaw mo kay Jay Marc na super yaman at patay na patay sayo tapos waiting ka sa positive result ng pagkakaroon mo ng sugar Daddy?”
“Mas mayaman siya kay Jay Marc.” ang sabi kong parang wala lang, pero iyon naman talaga ang totoo. Nanlaki tuloy ang ayon sa kanya ay tantalizing eyes niya.
“I need to be the first to know, bruhilda ka!” ang babala nito sa akin at tumango na lang ako para matigil na ito bago kami tuluyang naglakad papunta na talaga sa klase namin. Naging maayos ang buong maghapon ko kahit na manaka naka kong naaalala si Alaric at ang kasunduan namin. Napailing ako dahil mukhang hindi siya mapipilit ng dalawang Navarro sa buhay niya.
Nang malaman ko kung sino ang mapapangasawa ko ay agad kong inalam ang ilang bagay tungkol sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga impormasyong nakalap ko. Hindi ako makapaniwala na isa sa mayayamang angkan ng bansa ang pamilya nila. Napaisip tuloy ako kung paanong naging mag-beshie ang lola ko at si lola Margarita. Bakas naman sa mukha ng matanda ang pagiging mabait nito pero talagang mahirap maisip ang pagiging mag friendship nila.
Well, mayaman din naman ang mga kaibigan ko pero hindi kasing yaman nila. Ganun yata talaga, sadyang may mga taong kagaya ko at ni lola na swerte sa mga kaibigan.
Balik kay Alaric, hindi ko malaman kung paano ko ito pakikisamahan. Mantakin mong kali kaliwa pala ang babae nito at ang lakas pa ng loob na tanggihan ako? Excuse me, never been kissed, never been touched kaya ako no! At kahit pa marami sa mga schoolmates ko ang nagpapalipad hangin sa akin ay wala akong pinansin kahit isa sa kanila. Kahit pa si Jay Marc na anak ng haciendero sa bohol.
Aanhin ko naman ang kayamanan niya kung hindi ko naman siya gusto at wala ako kahit na katiting na nararamdaman para sa kanya. Mahirap maging mahirap pero mas mahirap yata ang maging mayaman sa paraang nasa harapan ko. Ipinilig ko na lang ang aking ulo at minabuting ipaubaya na sa dapat pagpaubayaan ang lahat.
Kinabukasan ay wala akong pasok sa school at sa trabaho. Pinagresign na ako actually nila Lola Margarita at Mommy Alaina. Naks naman… klowwwws… Kahit daw hindi kami makasal ni Alaric ay sila na ang bahala sa pag aaral ko. Kahit nakakahiya ay tinanggap ko naman. Hindi dahil sa kapal ng feslak ko, kung hindi, talagang kailangan ko ang tulong nila. Parang ganun na rin pala iyon. Hahaha…
Naisipan kong samahan si Nanay sa pagpapa check up ni Lola at paalis na kami ng biglang tumunog ang aking cell phone na iPhone 15, 16, 17, 18 eleven hundred pro tuna. In short, android phone na never heard ang brand. Basta may magamit lang ba.. "Hello," number lang pero sinagot ko na kasi baka importante.
"See me now." Ang sabi ng nasa kabilang linya.
"Hoy! Huwag mo akong abalahin. Kung wala kang magawang matino, mag jack cool ka para malibang ka at hindi mang abala ng iba!" Ang pasigaw kong sabi bago in-end ang call.
"Sino ba yon? Tsaka ayus ayusin mo nga ang pagsasalita mo Jessa, kababae mong tao eh." Ang sita naman ni nanay.
"Walang magawa eh. See him daw. Anong akala nya sa akin kaladkaring babae?"
"Eh sino nga iyon?"
"Hindi ko alam nay, kaya halika na para hindi tayo abutan ng pag haba ng pila." Ang sabi ko na lang sabay yaya na sa kanila dahil nakita kong malapit na ang grab na pina book ko.
"May doctor ng kakausap sa amin, ipina appointment ni tita Marga." Ang sabi naman ni nanay.
"Wow, close na kayo?" Ang panunukso ko sa kanya habang nakatayo kami at hinihintay ang papalapit na rin namang sasakyan.
"Sira ka talaga. Iyon ang gusto nya kaya pagbigyan na natin. Malaking tulong ang binibigay nila sa lola mo, napakaliit na bagay lang iyon na magagawa ko para sa kanya."
"Alam ko naman iyon, joke lang." Ang sabi ko saktong ayan na ang sasakyan. Pinagbukas ko sila ng pinto at inalalayang makasakay sa backseat bago ako sumakay naman din sa tabi ng driver.
Nagbibiyahe na kami at nararamdaman kong panay ang pag-vibrate ng phone ko. Kaya lang ay yung number pa rin na yon ang nakikita ko kaya kina cancel ko na lang. Hanggang sa makatanggap ako ng message.