+ Add to Library
+ Add to Library

C3 Chapter 3

“What the—” ang sabi ng damuhong lalaki habang nakatingin sa akin. Ito pa ang aabutan ko? Alam niyang papunta ako pero talagang ginawa niya pa rin para ano, para makita ko?

“Sorry po, Ma’am.” ang sabi ng lalaki,

“Am I here to count how many times you release everything in her mouth?” ang tanong ko na ikinatigil nilang lahat lalo na ni Alaric.

“Don’t fu****g stare.” ang sabi nito sa akin matapos hugutin ang kanyang Daks, yes malaki siya sa palagay ko. At hinding hindi ko sasabihin sa kanya yon. Syempre kasunod non ay itinaas na din niya ang kanyang pantalon.

“Akala ko I am here to watch you.” ang sagot kong nakangiti habang ang babae ay tumatayo na mula sa pagkakaluhod nito. Buti na lang carpeted ang flooring kung hindi kumusta kaya ang tuhod niya.

“At ano ang inginingiti ngiti mo?” ang galit nitong tanong.

“Oh, pasensya ka na. Natuwa lang ako kasi first time kong makakita ng acorn sa personal.” ganun na lang ang paling ng tingin niya sa akin na namumula ang pisngi sa galit kasabay ng pagtawa ng lalaki sa likod ko, hindi ko alam kung ano tuloy ang magiging reaksyon ko.

“Anong acorn ang pinagsasasabi mo?” ang galit na sabi naman ng babae. Tumingin naman ako kay Alaric na nakangisi.

“Hindi ako na-inform, may abogado na palang tagapagtanggol ang may mga acorn?” ang sabi ko sa babae. “Paano namang magkakasya sa bibig mo ng buo kung hindi acorn yon? Ni hindi ka nabilaukan eh, ayan oh, tumutulo pa sa gilid ng bibig mo ang katas.” tapos ay pinunasan na niya ang gilid ng kanyang labi dahil totoo naman ang sinabi ko. “And please, don’t talk. Amoy zonrox ang hininga mo.”

“Everyone leave!” ang sigaw ng lalaki at dali dali na nga silang naglabasan, susunod na ako ng pinatigil nya ako.

“Where do you think you’re going?” ang tanong nito.

“Sabi mo labas lahat.”

“I’m sure that you are not stupid, Jessa.”

“Fine.” sabi ko sabay punta sa office table niya at naupo sa visitor’s chair. Siya naman ay sumunod din at naupo sa office chair nya kaharap ako.

“It would be better to talk there than here.” ang sabi niya. Nilingon ko ang itinuro niya at no way na uupo ako sa isa man sa mga couches don.

“It’s better here. Tutal business ang pag-uusapan natin. Tsaka baka mamaya eh may sumabit pa sa damit ko na kung anuman at maging tyanak, at pagkamalan pa akong nanay nya at paghigantihan ako dahil hindi ako naging mabuting ina sa kanya.”

“Can you keep your mouth shut?” ang galit pa rin niyang tanong at nagkibit na lang ako ng aking mga balikat.

“Let’s get maried.” ang sabi niya. Tahimik lang ako habang hinihintay ang sasabihin niya pa. Natural may mga kundisyones siya kaya itinukod ko ang siko ko sa table at nagpalumbaba.

“Go on, I’m listening.” ang sabi ko ng medyo masama na ang tingin niya sa akin. Huminga siya ng malalim at iiling iling bago nagpatuloy.

“Kahit kasal na tayo ay hindi mo pakikialamanan ang buhay ko. Magsasama tayo sa iisang bahay and I will provide your needs kagaya ng ginagawa ng normal husband sa kanyang wife. You can continue your studies and do whatever you want to do.”

“You’ll do the same.” ang sabi ko, “I mean hindi ka rin makikialam sa mga gagawin ko.”

“Of course,” ang sagot niya. Hindi ganitong buhay may asawa ang gusto ko, pero wala akong magagawa sa ngayon dahil pumayag na ako.

“You can do whatever you want to do to your body. Kung sa tingin mo ay hindi ko mapupunan ang pangangailangan mo bilang lalaki, you are free to have your women, but you can never show them in public.”

“Why, so you can have your men too?” ang maaskad nyang tanong na akala mo ay kilala niya ako.

“I love myself, hindi ko hahayaang babuyin ang katawan ko ng kung sinu sinong lalaki to satisfy my needs. Magsasariling sikap na lang ako kaysa pagpasasaan ng mga lalaking kung kani kanino at kung saan saan ibinabaon ang kamote nila.”

“Parang siguradong sigurado ka,”

“Of course, I only devoted myself to the man I will love. Ang puso at ang perlas ng silangan ko ay para lang sa taong mahal ko at mahal ako.”

“No matter what, you won’t be able to have that man in this lifetime.”

“Hindi mo masasabi yan, malay mo ikaw itong magkusang humiwalay sa akin.”

“Hindi kailanman papayagan nila lola at mommy ang bagay na yan.”

“Still, we will get married in the US.”

“Ipagpipilitan mo talaga yan?”

“Yes,”

“Para ano, para makuha mo ang part ng company?” natawa ako sa sinabi niya.

“Pera talaga ang naiisip mo ano? Paano kung ganito na lang ang gawin natin. Let’s sign a contract. Whoever file for a divorce will get nothing out of this marriage.”

Napaisip siya bigla. Hindi siya talo doon dahil wala naman siyang balak hiwalayan ako dahil hindi nga papayag ang nanay at lola niya. “Deal!” ang sabi niya.

“Prepare the contract and wala akong passport. Tutal mayaman ka naman, gawan mo ng paraan na makasal tayo sa ibang bansa na hindi ko kailangang pumunta doon. Isa pa, walang ibang dapat makaalam na kasal or mag-asawa tayo.”

“Sayo pa talaga nanggaling yan?”

“Bakit naman hindi? Bata pa ako at napaka bright pa ng future ko. Ikaw, kilala ka naman na kung sinu sinong babae na lang tsaka may pera ka kaya marami pa rin ang hahabol sayo. Samantalang ako, bukod sa puso ko eh kagandahan, kaseksihan at katalinuhan ko lang ang pwede kong i-offer sa future love of my life ko.”

“Let’s see about that.” ang sabi nito. Natapos ang aming pag-uusap at umalis na ako. Wala naman akong pakialam sa kung ano talaga ang gawin niya, basta huwag lang ipangalandakan sa pagmumukha ko ang mga babae niya.

“Ano anak, nagkausap ba kayo ni Alaric?” ang tanong ni nanay ng makauwi na ako sa bahay.

“Oho,”

“At?”

“Tsismaker na tsismaker ang dating nay ah!”

“Heh! Nagtatanong lang eh.”

“Ayun, pumayag din naman siya. Kahit naman siguro sino basta pera ang nakasalalay.” ang sagot ko na.

“Pwede ka namang hindi pumayag anak, pero kung mas magiging OK ka kapag nagpakasal kayo eh di mas maganda na rin. Kami naman ng lola mo ay hindi rin sanay sa marangyang buhay. Ang pinagsisisihan ko lang naman ay yung wala akong alam na trabaho para matustusan ang pag-aaral mo.”

“Ayos lang po iyon inay. Alam ko naman po na si tatay ang may ayaw kang pagtrabahuin noon, tsaka malay naman natin na matetegi siya ng maaga di ba?”

“Oo nga, kagaya sana ng tatay mo ang gusto kong mapangasawa mo. Kahit mahirap lang tayo eh hindi naman talagang naghihirap na isang kahig isang tuka. Napakasipag niya at napaka responsable. Higit sa lahat, mahal na mahal niya tayo.” ang sabi niya. Napangiti tuloy ako dahil sa pagkaalala ko sa aking ama na sobrang kulit at sayang kasama. Para siyang hindi tatay kung umasta. Parang barkada siya sa amin nila lola at nanay.

“Maiba ako anak. Ngayong magpapakasal na kayo, paano kung alam mo na, hingin niya ang karapatan niya bilang asawa?”

“Hindi naman niya siguro gagawin iyon dahil ang dami naman niyang mga babae.”

“Ano? Anak, huwag na huwag kang papayag!”

“Nay, ayus lang po iyon sa akin basta hindi siya magpapahuli o hindi niya ipagsasampalan sa mukha ko ang mga babae niya.”

“Anak, kailangan ay irespeto nyo ang isa’t isa. At kung gagawin niya iyon at hahayaan mo lang siya, anong klase buhay may asawa meron kayo?”

“Kakaibang buhay may asawa po nay. Hindi rin naman po normal ang dahilan ng pagsasama namin kaya hayaan ko na lang siya.”

“Anak, wala ka ba talagang nararamdaman kahit na katiting na pagkagusto man lang sa kanya?” ang seryosong tanong pa niya.

“Wala ho inay! Lalo na pagkatapos ko siyang makita ngayong araw.” ang sagot ko.

“Ang gwapo pa naman niya, nakita ko kasi sa TV at sobrang yaman talaga.” sabi pa niya na ikinakunot ng noo ko, “Siguradong magiging napaka ganda at napaka gwapo ng magiging mga apo ko.”

“Inay!” at gusto pa talagang magka apo!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height