Threesome Lover/C10 Leave
+ Add to Library
Threesome Lover/C10 Leave
+ Add to Library

C10 Leave

Pagkatapos ng nangyari kahapon, hindi ako umalis sa kama dahil sa dalawang rason. Una, ayaw nila akong paalisin. Pangalawa, dahil pagod ako. Sa laki ng dalawa at sa lakas nila talagang mapapagod ka.

Huminga ako ng malalim. Hindi parin ako makapaniwala na ginawa ko iyon kasama sila. Sigurado akong pag nalaman ito ng nga chismosa sa amin, huhusgahan at tatawagin akong pokpok. Pero impossible na malaman nila dahil malayo sila sa akin.

Pang ilang araw ko na ba ito dito sa mansyon? Ilan sa kasambahay ay umiiwas sa akin, inutos kasi iyon ng dalawang mag kapatid. Ang iba naman ay kinakausap ako kahit papaano.

Nanatili ang tingin ko sa labas ng mansyon, kita ang harapan ng mansyon mula dito sa kwarto. Pinanood kong pumasok ang kotse ni Theron at Thander. Kakarating lang ng dalawa. Malamang mula sila sa trabaho. Seryoso ang mukha ng dalawa, parehas nakakunot ang noo.

Hindi ko matangal sa isipan ang tanong kung bakit ako nandito. Nanatili ang titig ko sakanila. Ang magkapatid lang ang makakapag sabi sa akin ng rason na iyon.

"Miss hindi ka pwede lumabas." saad ng nagbabantay sa labas ng kwarto ko.

Bumaba ang tingin ko sa baril na nasa tagiliran niya. "H-hindi naman ako tatakas kuya, pupuntahan ko lang ang opisina ni Theron."

Humalukipkip ito. Inangat ko ang tingin sakanya, may kalakihang at matangkad ang nagbabantay sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit pinabantayan pa ito, alam naman nilang hindi ako makakatakas.

"Hindi pwede miss, ang bilin ni boss wag kang palaba---"

"Ako na ang bahala sa boss mo kuya. Madali naman kausap yon. Hindi ka pagagalitan non saka mananahimik yon pag nakita niya ako." Kasi hahalikan ako non sigurado! Parang droga ang labi ko dahil adik na adik ang dalawa!

Mabuti nga at nakapahinga ang katawan ko ngayon dahil may trabaho sila, dahil kung hindi siguradong nasa kama parin ako kasama sila.

"Hindi nga pwede--"

"Hindi naman ako tatakas kuya! Sa dami niyong yan mukha ba akong makakatakas? Nakita mo naman atang sinubukan ko nung una pero hindi ako nag tagumpay. Kaya kuya padaanin mo na ako. Hindi nga ako tatakas."

"Sigurado ka?"

"Oo naman!" ngiti ko.

Umangat ang kanang kilay niya. "Ito naman nag duda pa nga hindi nga ako tatakas! Takot ko lang sa katawan at baril niyo!"

"Sasamahan kita patungo sa opisina ni boss." aniya.

Umiling ako. "Ito naman si kuyang bodyguard, wag na! Hindi nga ako tatakas!"

"Hindi ka tatakas?"

"Kung may makita akong paraan para makatakas baka subukan ko pero syempre di ko pa sigurado!"

Naningkit ang mata nito. "Bahala ka, pag ikaw tinutukan ng binaril ni boss, kasalanan mo yan."

Umirap ako. "Pangalawang gabi palang tinutukan nako, dalawa pa nga ang ang tinutok sakin kahapon, nakaya ko naman kaya bakit ako matatakot?"

"Pinutukan kaba?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Bumaba ang tingin nito sa katawan ko. Naintindihan niya ang sinabi ko? Parehas ba kami ng iniisip?

"Nakakatayo ka naman ngayon, wala karing dugo kaya malamang hindi pinutok ni boss."

"Swerte mo mabait si boss sayo kung hindi patay kana."

Nakahinga ako ng maluwag ng makumpirma na hindi kami parehas ng iniisip. Sumagi sa isipan ko ang gabing pinahsaluhan namin ni Theron, ang unang karanasan ko. Kung alam mo lang kung saan ako pinutukan kuyang guard... Letse nakakahiya!

Gumaan ang pakiramdam ko sa ilang segundo napalitan naman iyon ng takot dahil sa sinabi niya. Mabuti at hindi niya nalaman na may nangyari sa amin ni Theron pero nakakaba ang sinabi niya.

Pero baka... patay sa sarap? Ganon ba iyon? Letse naman! Anong patay patay?!

"Siya kaya patayin ko sa sarap!" bulong ko.

Mukhang hindi naman narinig ni kuyang bodyguard kaya umalis na ako ng padaanin niya.

Naglakad ako papunta sa opisina ni Theron, huminto ako sa harap na ako. Subukan kong pigilan ang panginginig ng kamay ko pero hindi gumana ang pag hawak ko roon.

Kakatok palamang sana ako ng biglang bumukas na ang pintuan ng opisina. Bumungad sa akin si Theron.

"Why are you here?" nakakunot noong tanong nito.

"Uh... may itatanong lang sana ako sainyo..."

"We are busy. " walang emosyong sagot niya.

Aba, cold na ito ngayon?! Porket nakuha na niya ang gusto! Hayop talaga!

Umayos ka Lineah, ay letse, Leigh Ann pala. Anong nangyayari sa akin? Imposible namang masanay ako sa pangalan hindi akin sa loob lamang ng isang linggo?

"N-nandiyaan din si Thander?"

Ang buong katawan niya ay nakaharang sa pintuan kaya hindi ko makita ang nahaharangan niya.

"Who's that?" rinig ko namang sabi ni Thander mula sa loob ng kwarto, hindi niya pinansin ang sinabi ng kapatid at nanatiling nakatitig sa akin.

"S-sige na Theron... kahit saglit lang... hindi na ako mangungulit pagkatapos." pagpupumilit ko.

"What is it?" tanong ni Theron. Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko ng itaas ang kanang kilay.

Umiling ako. Tumigil ka Leigh Ann. Hindi ka pumunta rito para masilayan at purihin ang kagwapuhan niya!

I gulped. "Bakit ba ako nandito? Sa-saka yung nangyari sat---" agad kong hinarang ang braso ng sarahan niya ako ng pinto.

"Theron please..."

Saglit siyang nanahimik, dahan dahan nitong niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.

"Get inside."

Napangiti ako pero agad ko rin iyong tinago. Namataan ko si Thander na nakaupo sa harapan ng isang lamesa na mayroong maraming folder.

Nangunot ang noo niya ng magtama ang mata namin. "Lineah..."

"Why are you here?"

"G-gusto ko sanang malaman kung bakit ako nandito saka kung ano yung nangyari sa atin... Nakuha niya na ako ano pang kailangan niyo? Palayain niyo nako, hahanapin ko pa ang nga magulang ko. Hindi ko yun magagawa kung ikukulong niyo ako. Unang una hindi niyo dapat ako kinidnap." Malamang sex ang dahilan pero sigurado akong may iba pang rason bukod don! Bobo ako pag dating sa sex pero may laman naman ang utak ko kahit papaano. Naka graduate ako hanggang highschool no! Hindi nga lang nakapag kolehiyo dahil walang pera.

Binalingan niya si Theron. "I think it's the right time Theron... we should tell her now."

"H-ha? A-ano yun?"nagtataka ko namang tanong.

Kinakabahan ako sa maari kong marinig mula sakanila.

"Your here to becau--"

"Youre here because we want you." si Theron ang tumapos ng sasabihin ni Thander.

Thander sighed. Nangunot ang noo ko. Oo gusto nila ako pero hindi iyon ang totoong rason. Base sa reaksyon ni Thander... Hindi iyon ang totoong rason.

"Hindi ako naniniwala Theron. Alam kong may iba pang rason kung bakit ako andito, bakit kasi hindi niyo nalang sabihin sa akin? Sino ba kayo?"

"We're the Montevero's."

"Oo pero... Hindi ko kayo kilala. May utang ba sainyo si Tyang? Sindikato ba kayo na nag bebenta ng laman o katawan?! O sadyang nangingidnap kayo para lang maging--"

"I know where's your biological father."

Nanlaki ang mata ko. Totoo bang alam niya kung sino ang totoong tatay ko? Baka naman niloloko lang ako ni Theron? Palibhasa ay alam niyang gusto kong makita ang mga magulang.

"A-alam mo? Paano? Hindi ba kinidnap niyo lang ako kaya paano mo malalaman ang tungkol sa mga magulang ko?" Seryoso ba ang lalaking ito?!

"Thats all I can say for now, and your not Leigh. You're Lineah." Kaya ba tinawag niya na akong Lineah dati? Dahil ako talaga si Lineah?!

Hindi maproseso ng utak ko ang sinasabi ni Theron sa akin. Ako si Lineah? Paano niya naman nalaman na ako si Lineah? Sigurado ba siya? Hindi kaya pinapaikot lang talaga ako ng lalaking ito? Napaka impossible ng sinabi niya.

"I want you to leave Lineah."

"H-hindi ako aalis, gusyo ko malaman ang totoo. Kilala niyo ang nga magulang ko? Paano?!"

"Leave."

"Ayoko Theron, hindi ako aalis hangga't hindi ko nalalaman ang totoo--"

"Leave!" mariin akong napapikit ng sumigaw ito.

I glared at him. "Nakuha mo na ang gusto mo kaya ngayon wala kanang pake sakin." sinulyapan ko si Thander. "Nakuha niyo..."

Umiwas ng tingin si Thander.

"This is not the right time to talk about you Lineah. Your not our only problem." si Theron.

"I'll deal with you once we finished this urgent business."

"Bakit hindi ngayon?" I asked.

"Tart! Get Lineah out of here!" sigaw nito.

Lumitaw sa pintuan ang bodyguard na kausap ko kanina.

"Bring her back to her room." utos nito.

Lalapitan na sana ako ni Tart ng lumayo ako. "Hindi! Hindi ako babalik sa kwarto ko ng hindi nalalaman kung bakit ako nandito ako! Paano niyo nakilala ang nga magulang--"

Napahilamos sa mukha si Theron.

"Lineah, just leave."

Nanatili ang titig ko sakanya. Huminga ito ng malalim. Ano bang nangyari sa dalawa at mukhang problemado nga talaga sila?

"Lineah please leave." mahinahon niyang saad.

Leave? Sige Thander, aalis ako! Aalis ako at hindi niyo na ako makikita pa! Hahanapin ko ang mga magulang ko ng walang tulong niyo! Aalis ako sa letseng mansyon niyo na ito!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height