Threesome Lover/C11 Guest
+ Add to Library
Threesome Lover/C11 Guest
+ Add to Library

C11 Guest

"Ma'am, lunch niyo po." nilapag nito ang that ng pagkain sa lamesa ng kwarto.

"Sinabi ko ngang ayoko kumain, bakit nagsasayang kayo?!"

Hindi ako pinansin ng kasambahay sa halip ay umalis na ito. Bumaba ang tingin ko sa pagkain. Huminga ako ng malalim at pinikit ang mata.

Hindi. Hindi ako bibigay. Nahagip ng mata ko ang pasa sa binti. Ang lampa ko talaga, tatakas na nga lang ako nagkapasa at nahuli pa!

Hindi magtatapos ang bawat araw na hindi ko sinusubukang tumakas simula ng araw na sinabihan ako ni Theron na umalis. Parang gago din ang gwapong iyon. Gusto niya along umalis pero hindi naman ako pinapakawalan!

Kahapon nga ay sinimulan ko na ring hindi kumain, wala naman ata silang balak na patayin o ibenta ako kaya sigurado aking hindi nila hahayaang mamatay ako. Palalayain din siguro. Tatlong araw ng wala ang dalawa. Hindi pa bumabalik. Ewan ko kung saan nagpunta ang dalawang iyon.

Binaling ko sa ibang direksyon ang tingin. Outs of sight, out of mind. Hindi ako gutom. Hindi.

Napangiwi ako ng tumunog ang tiyan. Letse naman! Hindi nga ako gutom ang kulit! Ayaw makisama nitong tyan ko!

Gumugulo rin sa isipan ko ang sinabi nitong, kilala niya ang mga magulang ko. Paano niya nakilala ang mga magulang ko? Paano niya nalaman na ako si Lineah? Iyon ba talaga ang totoong pangalan ko?

Lineah... Ako ba talaga si Lineah? Ang hirap naman masanay sa Lineah, kahit ba parehas L ang simula ng pangalan ko, mag kaiba parin. Si Tyang kasi ang nag pangalan ng Leigh Ann sa akin.

May alam kaya siya sa pamilya ko? Ano namang kinalaman niya don?

I sighed. Mababaliw lang ako kakaisip! Kailangan kong makatakas.

Ginala ko ang tingin sa kwarto. As usual... tatakas ulit ako. Sana ngayon ay mag tagumpay na.

I glanced sideways when I went out of my room. Nangunot ang noo ko ng mapansing wala ang mga bodyguards, nasaan kaya ang mga iyon?

Mula sa pangalawang palapag ng mansyon, makikita ang mga kasambahay na nagkakagulo.

Anong meron?

Lahat ata ng mga bodyguards sa buong mansyon ay nasa ibaba at nakapaligid sa dalawang taong nakatayo sa harap ng main door.

Naroon sa ibaba ang isang babaeng nakasuot ng pormal na damit, maputi ito at may katangkaran, mukhang sopistikada sa suot niya.

Ang lalaking nakasuit na mas matangkad pa sa babae nakasuot ito ng salamin halata ang puting buhok nito kahit nakasuot ng sombrero. Mukhang nasa mid forties ang mga ito. Sino kaya sila at natataranta ang mga tao sa mansyon?

Huminga ako ng malalim. Hindi ko maiwasang isipin ang totoong mga magulang. Kamusta kaya ang totoo kong mga magulang? Siguro kaedad lang rin nila ang mga ito. Sino kaya ang kamukha ko sakanila? Mayaman di kaya sila katulad ng mga ito? Siguro hindi dahil, inabandona nila ako. Hindi na siguro kaya buhayin kaya ganoon.

I sighed. Ano man ang rason kung bakit ako inabandona. Gusto ko parin silang makilala. Kaya ko ito! Dapat makaalis ako sa mansyon.

Bumaba ako sa hagdanang hindi gaanong nagagamit. Sinubukan ko maging maingat. Tinahak ko ang daan papuntang sala.

Nagtago ako sa likod ng pader ng sumilip ang isang bodyguard.

Letse! Kailangan ko maging mas maingat. Pag nakita nila ako

maari nila akong tanungin kung sino ako at anong ginagawa ko dito at hindi ko alam ang isasagot ko sakanila pag nangyari nga iyon kaya mas mabuti ng magtago nalamang saka tatakas ako!

Malakas ang pakiramdam ko na makakatakas ako ngayon!

"Mga tanga! Bakit kayo umalis sa itaas?!" sigaw iyon di kalayuan sa aking kinatatayuan.

"Kailangan pa raw kasi ng tao dito kaya iniwan muna namin. Saka kumakain ata yon sa taas. Impossible ring makalabas dahil may pasa iyon."

"Bobo! Anong akala mo sa pasa, bala ng baril? Bumalik kayo sa taas, bantayan nito yung babae. Bilin ni Sir Thander na wag palalabasin ng kwarto."

Sumilip ako sa direksyon ng naguusap. Tatlo silang nakatayo malapit sa hagdanan kung saan ako bumaba kanina. Base sa suot ay mga bodyguards ito, naalala ko ang dalawa sakanila. Sila ang nag bantay sa kwarto ko nung nakaraan.

"Nando ikaw ang magbantay sa taas!"

Nanlaki ang mata nito. "Ha? Bakit ako?! Muntikan na akong saksakin non ng tinidor! Ikaw nalang!"

"Ayoko! Sinakal ako non kahapon!"

Ay letse! Sila pala ang biktima ko nung nakaraan. Sa kagustuhan ko kasing tumakas. Nasasaktan ko ang ibang bodyguard, pero hindi naman ganon kalala. Wala pa namang nasusugod sa hospital.

"Mga puta! Kung sakalin ko kaya kayo isa isa?! Pag iyon nakatakas hindi lang sakal ang gagawin sainyo ni boss!"

"Nubayan! Ito na bwiset!" kamot ulo ng isa. Umakyat na ito sa hagdan.

Kung tutuusin swerte ang mga ito dahil wala ako sa kwarto ngayon.

"Maka asal kayo parang hindi mga bodyguard!" galit na sigaw nito.

Muli akong nag tago ng tumalikod ang lalaking natira. Hinawakan ko ang tiyan ng humilab iyon.

Letse!

Simula kagabi hanggang ngayon halon ay wala pa akong kain! Mabuti at sanay ako sa gutuman, ang iba kasi nahihilo na nahihimatay.

Pero kailangan kong kumain ngayon! Hindi naman nila malalaman na kumain ako dahil hindi ko gagalawin ang pagkain sa kwarto. Luminga linga ako sa paligid. Sinigurado kong walang kasambahay o bodyguard bago ako dumiretso sa kusina. Maingat akong naglakad papunta sa kusina habang lumilingon lingon sa paligid at baka may makakita sa akin.

Pagkadating ko sa kusina ay mabuti nalang at walang tao. Mukhang abala pa rin ang mga ito. Mabuti nalang!

Agad akong pumunta sa refrigerator at kumuha ng fresh milk at humiwa ng cake roon.

Para akong hindi pinakain ng ilang buwan dahil sa paraan ko ng pagkain, nilabas ko pa ang pizza na nakalagay lamang doon,mayroon ding fried chicken at mac and cheese. Nilabas ko ang lahat na iyon ay mabilisang nilantakan.

"Who are you?" napaigtad ako ng marinig ang maarteng boses sa likuran ko.

Nasa likuran ko ata ang babaeng nakita ko kanina dahil hindi naman nag i-ingles ang mga kasambahay.

Sino raw ako. Paano ko ba sasagutin ang tanong niya?

"Kinidnap ho ako ng mga anak niyo pagkatapos ay pinagsamantalahan."

Letse! Sa gwapo ng dalawang iyon malamang hindi ito naniniwalang kinidnap ako!

Eh kung...

"Naligaw po ako tapos napadpad ako rito, nakikain narin ho ako,ang sarap po ng pagkain niyo sige alis nako!"

Puro naman mali ang naiisip kong sagot!

Tagaktak ang pawis ko sa sobrang lakas ng tibok ng ouso ko, kinakabahan ako.

Isip.Isip.

Ginala ko ang tingin sa kusina. Tila ba may nag ilaw na bumbilya sa utak ko. Ang sagot na kailangan ko doon sa knob ng cabinet na mayroong nakalagay na patang keychain at ang nakalagay ay 'Loving Maid'.

"I am asking, who are you lady?!"

"How disrespectful! Turn around!" may bahid ng iritasyon ang boses nito.

Letse!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height