C12 Maid
"What's happening here?"
Kilala ko ang baritong boses na iyon. Teka, haharap ba ako o hindi?
Siguradong magagalit ito pag nalamang tumakas.
"I should be the one asking you Thanderson. Sino ang babaeng ito?"
Huminga ako ng malalim saka humarap. Nagtama ang tingin namin ng babae. Maputi at makinis ang mukha nito, matangos din ang ilong, agaw pansin ang mapula nitong labi. Pinasadahan ko siya ng tingin. Napakaganda ng babaeng ito kahit may edad na, may kurba pa rin ang katawan at kitang kita iyon sa suot na bistidang mukhang mahal.
Pinanlakihan ako ng mata ni Thander ng sulyapan ko ang direksyon niya. Galing pa ata ito sa opisina dahil nakasuot parin siya ng suit. Malamang umuwi ito ng maaga dahil sa kanilang bisita. Sino nga ba ang babaeng ito?
"I thought you'd be here tomorrow Mom. I didn't expect you today."
Nanlaki ang mata ko ng sabihin ni Thander na ina niya ang babae. Talaga bang ina niya ito? Eh parang mas matanda lang sakanya ng tatlong taon!
"Glad to see you son." there's sarcasm on her voice.
He sighed. "I mean... I just don't expect you to be here this early. Hindi pa kami nakapaghanda."
"That's not the problem here, Thanderson."
Binalingan niya ako. "Ito ang problema."
"Mom..."
"Sino ang babaeng ito Thander? Anong ginagawa niya rito? Isa na naman ba ito sa mga babae mo?
Your father will be furious when he knows about this!"
Thander pressed his lips together. Seemed like he's having trouble creating lie's to her Mom.
Mula rito ay kita ko ang pawisang noo ni Thander. Sino nga ba ako? Si Leigh Ann o Lineah? Ano ba ako sa kanila? Hmmm...
"Who is she?!"
"Maid ho ako Ma'am."
Kahit na mas magandang sabihin ang totoo upang makaalis na ako sa mansyong ito ay parang hindi naman makakatulong sa akin dahil mukhang hindi naman siya maniniwala sa sasabihin ko.
Heler! Ga-gwapo ng anak niya no!
Ang dalawang gwapo niyang anak ki-kidapin ako? Eh sa gwapo nila ay baka babae pa ang mang rape sa kanila. Baka ako pa ang kasuhan ng trespassing sa mansyon nila!
Her eyebrow shot up as shhe scanned my body. "Maid huh?"
Nahagip ng tingin ko si Thander sa likuran ng ina. Nakakunot ang noo nito at magkasalubong ang kilay.
"Why you're not wearing your uniform?" binalingan niya si Thander. "Is she a maid in this house or she's your maid Thanderson?!"
"She's a maid Mom."
Naningkit ang mata nito sa akin.
"You let our maids eat all our foods? I don't remember we do that here and look at her, she's not wearing her uniform! So disobedient! Irresponsible!"
"Mom she's not reall---"
"Mommy?" mula sa likuran ni Thander ay pumasok ang matangkad at sexy na babae.
Ang buhok niya ay hanggang batok, kapansin pansin ang pouty red lips niya ar matangos na ilong, singkit ang mata.
Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Bumagay ang suot niyang fitted blue dress sa makurbang katawan.
"What's happening here? Who's that?" tanong nito sa maarteng boses, pinasadahan din ako nito ng tingin katulad ng ginawa ng ina ni Thander.
"Rievy..." malambing na tawag ni Thander sa babaeng kakarating lamang, sino ang babaeng ito?
Nobya niya kaya ito?
Kung nobya niya ito, bakit siya hinalikan nito kung may nobya pala siya?
Hayop na ito!
Gagawin pa ata akong kabit ni Thander!
Lumipat ang tingin ko sa sumunod na pumasok sa loob ng kusina. Si Theron iyon may kasama itong lalaki. Namukhaan ko ito ay naalala ang kasama ng ina ni Thander sa labas kanina, ama niya siguro ito.
Matangkad at matikas ito, matangos ang ilong. Magandang lalaki ito tulad nila Theron at Thander, kamukha rin nila ito.
"What happen here?" he asked.
Nagtama ang mata namin ni Theron, kitang kita ko ang pagtataka sa mata nito na agad ding napalitan ng matalim na titig.
"I don't know either." nakangusong saad ni Rievy.
Bakas ang gulat sa mukha ng ama ng kamabal ng makita ako.
Bakit gulat ito ng makita ako?
Kahit bakas ang gulat sa mukha nito ay hindi parin ito nagsalita.
"Dad she's--"
"Theron baby! Did you know my feet hurts because of you? I keep on waiting for you in the airport! Why you're late?" maarteng saad niya.
Gusto kong umirap sa kaartehan ng babae. Letse! Hindi naman pala si Thander ang nobyo nitong babae! Si Theron!
Alam niya ba kung gaano kaharot iyang si Theron? Alam niya bang may nangyari sa amin? Alam niya ba na may nangyari sa aming tatlo ng kapatid nito?
Letse, malamang hindi! Bakit niya naman yon sasabihin hindi ba?!
Huminga ako ng malalim. May nobya na pala ito, malamang mayroon talaga. Ngayon nakumpirma ko na ginagamit lang talaga ako ng magkapatid. Walang ibang rason sa pag kidnap sa akin. Kailangan lang nila ang katawan ko.
"Im sorry, Rievy." lumambot ang mukha ni Theron ng yakapin siya nito.
"What happened here?" ang ama nila. Nanatili ang tingin nito sa akin.
"Your son hired a new maid. She's disrespectful, irresponsible and disobedient! She's not even wearing their uniform!"
Nasa akin lahat ang titig nila, nailang ako sa bigla, sigurado akong hindi maayos ang itsura ko ngayon.
"Mom she's not a--" naputol ang sasabihin ni Thander ng magsalita si Rievy.
"Can we go to your room Theron? I wanna show you the gift I bought from Europe I'm sure you'll like it." mapangakit na sabi ni Rievy habang hinahaplos ang dibdib ni Theron, tinapunan ako nito ng tingin, tumaas ang kanang kilay nito saka umirap.
Nangunot ang noo ko sa ginawa niya ngunit hindi ko nalamang inintindi.
"You too should go. Im sure you have a lot of things to catch on." ani ng ina.
Nasa akin parin ang tingin ng ama nila sa hindi ko malamang dahilan, parang sinusuri niyang mabuti ang mukha ko. Tila may hinahanap na kung ano.
"I will fire this useless maid. Im sure shes not even doing anything in this house."
"Mom you can't just fire her---"
"I knew you like this type of girl Thanderson. I won't let this pass!"
"Mom--"
"Carina you should take a rest." saad ng ama nito.
"Dad's right mom."
Piningkitan ako ng mata ng ina. "Ill deal with you later."
Inalalayan ni Thander ang kanyang ina ng lumabas ng kusina habang si Rievy naman ay nakapulupot ang kamay sa braso ni Theron, Muli akong tinapunan ng tingin ng ama ng mga ito bago lumabas.
Nahalata kaya nito na hindi ako maid kaya ganoon ito makatingin?