+ Add to Library
+ Add to Library

C14 New

"Kailangan ba talaga ito?"

Hindi ako mapakali, marahil hindi ako sanay sa ganito. Ito naman kasi si Theron, bigla na lang pumasok s akwarto ko at ginanito ako. Hindi porket sila ang may ari ng bahay pwede na nilang gawin ang gusto.

Mayroon parin dapat private space. Gusto ko rin namang mag pahinga dahil napagod ako kagabi. Masakit pa ang katawan ko kaya dapat nag papahinga ako hindi katulad ng ginagawa niya!

Nakuha niya ulit ang katawan ko.

Nauna pang mangyari iyon kaysa sa malaman ang totoo tungkol sa mga magulang.

"Yes."

Mariin akong napapikit ng higpitan ni Theron ang pag tali sa telang nakatakip sa mga mata ko.

Bumaba ang mainit nitong kamay s pulsuhan ko, dinala niya iyon sa aking likuran at pinagsama. Nangunot ang noo ko ng dumiin sa balat ang manipis at magaspang na lubid.

"Letse ano yan?! Bakit pati kamay ko tatalian mo?"

"Calm down. It's for your safety." he whispered.

"Safety? Pinagsasabi mo? Hindi naman ako tatakas... baka... oo pwede pero 'di pa ko sure kaya hindi na kailangan nito! Bakit may pa piring kapang nalalaman?"

"Do you know how blindfolds work?"

"Oo pero para saan nga?!"

"Hoy dahan dahan!" sigaw ko.

Umangat ang paa ko sa sahig. Dumikit sa akin ang mainit niyang katawan at nakabalot ang malaking braso sa akin, umaalalay sa likuran at hita ko. Ano bang gagawin niya?

Uminit ang pisnge ko ng maalala ang kinuwento ni Carolina ang napanood niyang palabas kasama ang boyfriend.

Piniringan at tinali daw ng gwapong lalaki ang babae saka hinagis sa kama saka--- Letse! Kung ano ano talaga ang naririnig ko kay Carolina! Siya lang ata ang nag sabi sa akin ng mga ganito. Masyado kasinh aktibo ang sex life niya.

Gwapo si Theron, piniringan niya ako at tinali ang kamay... Kulang nalang ay ihagis niya ako sa kama.

Letse! Bakit ko gugustuhing ihagis sa kama?

Saka kakatapos lang naman gawin yun kahapon! Nakapag adjust na ang pagkababae ko sa laki niya pero hindi naman pwedeng araw arawin niyang gawin yon sakin!

Siguradong hindi ako makakalakad! O baka matulad ako sa tsinismis ni Carolina, may kalilala daw siyang babae na lumuwag ang pagkababae dahil inaraw araw ng boyfriend!

Nawalan ako ng balanse ng bigla niyang ibaba. Mabuti nalang at nakapitan ko agad siya. Hindi ako sigurado kung ano ang nakapitan o pero matigas iyon.

"Bow down, Lineah."

He out his hand above my head and slowly move it down.

Napalunok ako, parang katulad ito ng ginawa niya kahapon! Letse! Ano bang gingawa niya?! Anong gagawin niya sa akin?

"S-sir, nakaimpake na ang mga gamit niya. Binaba na ng mga tauhan."

Nangunot ang noo ko. Boses ito ni Tart. Andito siya?! Nautal ito ng magsalita. Letse wag mong sabihing siya ang papalit kay Thander?!

Mariin akong napapikit sa naisip.

Letse!

Inangat ko ang ulo. Gumapang ang kirot sa ulo ko ng tumama sa kung anong matigas. Letse ano iyon?!

"Shit! Lineah!"

Lumapat ang braso nito sa likuran ko.

"Letse ano yun?!"

Pilit kong inabot ang ulo, hindi ko nagawa dahil nakatali ang kamay ko sa likuran. Letse naman talaga.

"You hurt yourself even when your tied up."

"Sira ka ba?! Malamang masasaktan ko talaga sarili ko! Wala akong makita o mahawakan!"

"You're holding me now." he chuckled.

Letse itong si Theron!

"Sir, andito na ang mga gamit niya."

"Put it in the car."

Kaninong gamit ang ilalagay sa kotse?

"Bow your head. Your already aching down there I won't let this ache too." tukoy niya sa aking ulo.

"Unless it aches 'cause your thinking of me."

Uminit ang pisnge ko sa sinabi niya. Letse ka Theron! Gusto kong hampasin ang dibdib nito pero hindi ko alam kung nasaan iyon, baka masaktan ko lang ulit ang sarili.

"Ewan ko sayo! Asan ba tayo?! Kaninong gamit ang nakaimpake?"

"It's your things. You're in my car."

Marahan niya akong inusog, magkalapit ang braso naming dalawa. Malamang tumabi ito sa akin.

"Let's go."

"Yes, Sir."

Si Tart ba ang nag da-drive? Kung ganon katabi ko si Theron sa back seat ngayon.

Napanguso ako ng matanto na hindi katulad ng nasa isip ko ang mangyayari. Bakit ba kasi naisip lo iyon? Dapat pag katapos niya akong itali, hinagis niya na ako sa kama pero hindi iyon ang ginawa niya, maingat niya akong binuhat.

I sighed. Hmmm... Nasa kotse niya kami at nakaimpake ang mga gamit ko. Ibig sabihin ba non ay papalayain niya na ako? Makakabalik nako kila Tyang at Carolina?

Nabuhay ang pag asa sa puso ko. Makapag papatuloy ako sa buhay! Hindi nila ibebenta ang laman o katawan ko! Ibabalik na ako ni Theron!

"Papalayain mo na ba ako Theron?! Ibabalik mo nako kila Tyang?!" hindi maitago sa boses ko ang pag saya.

Kung ibabalik niya na ako. Ibig sabihin, hindi ko na ulit siya makakasama. Hindi na namin magagawa iyon. Siguradong mami-miss ko ang init ng katawan, ang malambot niyang labi...

Napasinghap ako ng umalog ang kotse.

Letse! Bakit ko ba iniisip iyon?!

Malamang nag sawa na siya sa akin kaya ibabalik niya na ako kay Tyang! Piniringan pa ako para hindi ko malaman ang daan papunta sa mansyon nila ng para hindi ko maituro sa mga pulis kung nasaan sila pag nag sumbong ako.

Gumapang ang init sa ulo ko ng matanto ang plano niya.

Hindi lang iyon ang nakakainit ng ulo, kung ibabalik niya na nga ako kay Tyang. Ibig sabihin hindi totoo na kilala niya ang mga magulang ko!

"Kaya ba piniringan mo ko ha? Alam ko na ang plano mo Theron!"

Binigay ko ang lakas sa pag sipa sa kung ano sa loob ng kotse niya. Wala akong pake kung may masira. Ito na lang ang paraan ko, makabawi man lang sa ginawa nila sa akin.

"Good to hear, now shut up. I want a peaceful ride to our new house."

"H-ha?!" Anong new house nag pinagsasabi nito?

"A-anong new house?!"

New house? Aalis ako sa mansyon?Saan naman ang bagong bahay na tinutukoy niya? Bakit ako aalis sa mansyon?

Hindi niya ako ibabalik kay Tyang?

Hindi ko alam kung bakit napirmi ang isipan ko na hindi niya ako ibabalik kay Tyang.

"Why are you asking Lineah? I thought you knew my plan." aniya, may bahid ng sarkasmo.

"H-hindi mo ako ibabalik kay Tyang?"

"Why would I do that? Do you know how hard it is to get you?"

Letse! Bakit parang may sumasayaw na kung ano sa puso ko?! Bakit parang masaya pa akong hindi niya ako ibabalik kay Tyang?!

Ano... Masaya siguro ako dahil baka totoo nga na kakilala niya ang mga magulang ko. Tama! Iyon lang wala ng iba...

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height