Threesome Lover/C2 Kidnapper
+ Add to Library
Threesome Lover/C2 Kidnapper
+ Add to Library

C2 Kidnapper

"A-ano?" naguguluhan kong tanong sa sarili ko.

"Anong give us pleasure? Saka we? Ugh! Letse naman!" I yelled. Binagsak ko ang katawan sa malambot na kama.

Nagsisisipa ako at nag paikot ikot sa kama. Ano bang nangyayari?!

Paano ko mahahanap ang mga magulang ko kung kinidnap ako?! Hindi ko ba dapat hanapin ang mga magulang ko? Sign ba ito?

Letse naman!

Nahinto ako ng bumukas ang pintuan ng kwarto, nanlaki ang mata ko ng bumalik ang gwapong lalaki!

His eyebrow shot up. Nakatitig ito sa kung saan. Nangunot ang noo ko kaya naman sinundan ko ang direksyon ng mata niya.

Letse! Nakabukaka pala ako! Inayos ko ang upo. Gumapang ang init sa pisnge ko.

"H-hoy! Pakawalan moko!"

Bakit ako nauutal? Magalit ka Leigh! Magalit ka! Kinidnap ka ng lalaking ito!

Naningkit ang mata ko ng i-lock nito ang pintuan. Nag inat ito. Nanlaki ang mata ko ng iangat niya ang suot na t-shirt at tuluyang hubarin.

"Shit!" tinakpan ko agad ang mga mata.

Bakit naman dito siya naghuhubad? Sa harapan ko pa talaga!

Wala ba itong kwarto?! O kanya itong kwarto? Letse naman, mangingidnap siya tapos walang budget para sa kwarto ng kikidnapin! Akala ko ba milyonaryo siya?

Naramdaman ko nag paglubog ng kama sa aking gilid. Inalis ko ang takip sa mata. Napaigtad ako ng nasa harapan ko na siya. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin!

Onti nalang ay mag lalapat na ang labi namin.

"H-hoy! Anong ginagawa mong kidnapper ka?! Hindi moko madadala sa ganyang titig! Wala pa sa plano ko ang jowa, hahanapin ko pa ang mga magulang ko kaya lumayo layo kang kidnapper ka!"

Nanatili ang titig niya sa akin. Nangunot ang noo ko ng ngumisi ito. Kalaunan ay tumawa siya.

"Hoy bwiset ka anong nakakatawa?!"

Tumigil siya sa pagtawa at biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Let's settle this." seryosong sabi.

He stared at my lips and bit his.

Letse ang.hot.niya! Pero kahit ganon, hindi dapat ako nag paloko! Hindi ako bibigay!

Mabilis ang mga pangyayari hindi ko namalayang magkalapat na pala ang labi naming dalawa.

Napakalambot ng labi niya, nalulunod ako sa bawat halik niya. Hindi ko ginantihan ang bawat halik niya dahil hindi ako marunong. Kahit gusto ko ay hindi ko talaga alam! Letse Leigh, anong gusto?! Kidnapper mo iyan!

Tinulak ko ang dibdib nito ng matantong mali ang ginagawa niya!

Hayop ang lalaking ito! Walang respeto! Hindi dapat siya nang ha- halik bigla! Lalo na sa akin! Hindi ko siya pinayagan!

First kiss ko iyon!

Para siyang lasing na tumitig sa akin, pinasadahan niya ng tingin ang mukha hanggang dibdib ko at nanatili iyon doon.

Pinagpatong ko ang magkabilang braso sa dibdib upang takpan iyon ng ma pagtanto na ang nipis lang pala ng suot kong damit at wala akong suot na bra kaya sigurado akong bakat iyon doon.

Maski rin ako ay nagulat ng mapalitan ang suot kong damit pero sabi ng isang kasambahay ay siya daw ang nagpalit dahil may malaking punit na daw ang damit ko at madumi na raw.

Ang manyak naman ng gwapong lalaking ito!

I grasped for something. Nang may makuha ako ay agad ko iyong hinampas sa ulo niya.

Letse naman! Unan iyong nakuha ko! Hindi man lang siya gumalaw sa kinalalagyan!

Umangat lamang ang kilay nito.

"Hoy! Anong tinitignan mo ha?! Hindi porket gwapo ka ay pwede kanang mang manyak at mang agrabyado!"

"Hoy! ano ba?!" muli kong sigaw, kahit sumigaw ako ay hindi niya parin inaalis ang tingin kahit tinakpan ko na gamit ang braso ko

Nakakainis to ah!

Bumwelo ako at aktong sasampalin sya ng bigla nya iyong hinawi, nilapit niya ang mukha sa akin at hinapit ang aking bewang, muli niya akong ginawaran ng isang mainit na halik.

Hayop ang lalaking ito!

Kanina pa siya nagnanakaw ng halik sa akin!

Kidnapper na nga magnanakaw pa!

Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang itulak parang bang gusto ko pa ang ginagawa niya.

I know its wrong but it feels so good...

Makalipas ang ilang segundo ay naramdaman ko ang pagbitaw niya sa paghalik.

"I've been waiting to kiss you... so damn hard but now I did. Damn, your hot." he blurted.

"Anong hot ka diyan? Letse ka!" muli kong kinuha ang unan at hinampas siya, sa huli wala parin iyong epekto.

Umalis siya mula sa pagkakaupo saka at nag tungo sa lamesa, kinuha niya ang paper bag doon.

"Here." bumaba ang tingin ko sa tinapon niyang paper bag sa kama.

"Wear that dress and make yourself presentable." utos niya.

Sinilip ko ang loob ng paper bag. Letse damit nga iyon!

"That is the bathroom." tinuro niya ang isang pintuan sa kwarto

"Para saan ito? Palalayain mo na ba ako?" tanong ko sakanya.

"Change." he commanded.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong umalis sa kama at nag tungo sa banyo. Letse! Anong nangyayari sa akin?

Pagkapasok ko sa pintuan ay namangha ako sa laki at ganda ng buong bathroom mayroong napakalaking bathtub at shower, binagayan pa ng isang malaking salamin. Napaka elegante sa loob nito.

Letse banyo lang ito ha!

Binuklat ko ang paperbag, nilabas ko mula roon ang isang white odd shoulder dress iyon na hanggang mid thigh. Mayroon disenyong ginto sa ibaba na parang bulaklak at sa baywang rin ay mayroon.

Saktong sakto sa akin ang damit na iyon, tila ba alam nila ang sukat ko na parang sinukat bago bilhin.

Pagkalabas ng banyo ay nandoon parin siya ay nakaupo, binalingan niya ako, pinasadahan ng tingin mula mukha hanggang sa paa, pagkatapos niya akong suriin ay itinaas niya ang kanang kilay.

Tumayos siya mula roon at hinila ang pulsuhan ko papunta sa kama at pinaupo ako.

Lumuhod ito sa harapan ko, tutol pa sana ako ng hawakan nito ang paa ko, akala ko kung ano ang gagawin. Iyon pala isusuot niya lang ang flat shoes na itim sa aking paa.

Para saan ang lahat ng ito? Anong nangyayarinsa akin? Anong dahilan kung bakit andito ako?

Bakit niya ito ginagawa?

"Lets go." he raised.

Hindi ako umalis mula sa kinauupuan ko kaya naman nilingon niya ako.

"Follow me." utos niyang muli

"S-saan tayo pupunta?"

He glared at me.

I gulped. "I-ito na nga!" Letse.

Pagkalabas ko ng pintuan ay mas lalo akong humanga sa kabuuan ng bahay, mali! Isa itong mansyon na napakalaki. Maari ring palayo dahil sa puti at gintong kulay sa buong pader, kisame at ginto. Maski ms gamit ay ganon din. Mayroon pang grand staircase!

It screams elegance and class.

Mayroon pang apat na pintuan sa palapag na ito,panglima ang kwartong nilabasan namin.

Kasunod namin ang mga bodyguards nito. Wala sa mga ito ang mga kumuha sa akin.

Huminto kami sa isang pintuang nasa gitna dahilan upang mapalingon ang lalaking nakatayo sa may harap ng glass wall. Mula roon kita ang buong tanawin ng siyudad.

The room is spacious. I glance around. Sa tingin ko ay opisina ito.

Napapaligiran ito ng mga book shelves na mayroong nagkakapalang mga libro may isang kalakihang table na mayroong itim na swivel chair at dalawan upuan sa harap ng table.

Maliban pa roon ay may cofee table sa gitna ng kwarto katapat ng table at swivel chair sa likod nito, napapaligiran iyon ng apat na single sofa na kulay itim katulad ng kwartong pinangalingan ko ay itim din ang kulay ng kwarto.

Isang bagay ang hindi maalis sa bawat kwarto ng mansyon. Mamahaling muwebles!

"Siya na ba iyan,Theron?" malalim ang boses ng lalaking ito. Kahit nakatalikod ito sigurado akong matipuno ang katawan nito katulad ng lalaking nasa likuran ko. Mukha ring magandang lalaki!

Nagtama ang mata naming dalawa ng humarap ito. Tingin palang nito sigurado akong mapanganib siya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height