C31 Tableta
Bumungad sa akin ang nakangiti na si Bobby. Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit ambilis ng tibok ng puso ko. Letse ano ba ito?!
"Pasok," aniya.
Sumilip ako sa loob ng bahay nito, maingay at nagsasayawan ang mga tao sa loob.
"Hindi na Bobby dito nalang, saglit lang naman ako."
Tinunga nito ang bote ng alak na hawak bago mag salita. "Mag babayad ka diba? Pumasok kana muna sa loob Leigh
