+ Add to Library
+ Add to Library

C6 Lunch

"Hey gorgeous!" napaigtad akong sumulpot sa harapan ko ang gwapong si Thander. Aga aga mga gwapo ang bumubungad sa akin!

Kanina pag gising ko ang gwapong si Theron ngayon naman itong si Thander! Bumalik na pala ang isang ito, kailan kaya siya bumalik? Kagabi?

Letse!

Hindi, hindi Leigh. Kailangan mong sungitan ang isang ito.

"Anong kailangan mo at nandito ka Thander?"

His lips protruded. "Bakit ba ang sungit mo leigh?

Letse ang gwapo!

Hindi nalang ako sasagot sa tanong niya baka may nasabi a akong kung ano. Hahakbang na sana ako papalabas ng pintuan ng bigla niyang iharang ang braso dahilan para hindi ako makalabas.

"You're prettier than before, did something good happened while I was not here?" he asked.

I gulped. What happened last night played on my mind.

"W-wala..."

Ang malambot na labi ni Theron sa akin pati na ang braso nitong nakapulupot sa akin.

Naningkit ang mata niya. "Are you sure?"

Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko rin ang bawat haplos ni theron sa katawan ko.

Nagiinit ako tuwing maalala ang mga ginawa niya sa akin. Ang mainit na yakap ni Theron, ang mahaba at malaki nito---

No! Letse Leigh, umayos ka!

Hindi ako pwedeng magpatalo magkapatid na ito, kailangan kong maging matapang.

"Ano bang kailangan mo thander?" diretso kong tanong.

"Ikaw." natigilan ako sa sagot niya. Kailangan niya rin ba ako katulad ni Theron?

Pinilig ko ang ulo. "Pwede ba Thander wag mo akong pinagloloko! Saka pwede ba alisin mo yang braso mo sa dadadaanan ko!" I yelled. Tinulak ko ang braso nitong nakaharang.

"Hindi ko aalisin ang braso ko pag hindi ka pumayag na kumain sa labas kasama ako."

Nanlaki ang mata ko. "Pwedeng lumabas?!"

"Yep. Basta kasama mo ako."

Kailangan kong makalabas, baka makatakas ako pag sumama ako, kailangan ko ng makatakas hindi na tama ang ginagawa nila sa akin.

Nabuhay ang pag asa sa akin, pag naging matagumpay ang pag takas ko. Makakabalik ako kila Tyang at makakaipon ulit para mahanap ang totoo kong mga magulang.

"S-sige... saan ba tayo kakain?"

"I know a best restau." he grinned.

"W-wala akong pera ha, dapat ikaw ang magbayad tutal naman ay nasa puder niyo ako."

"Of course." tinangal nito ang braso na nakaharang sa pintuan.

"Mag ayos kana. I'll wait for you downstairs, darling." nakangising sabi nito sa akin.

Pagkababa ko ay tila sumilaw sa akin ang liwanang ng makita si Thander sa labas ng mansyon habang nakasandal sa magarang kotse nito.

He's wearing a black pants, blue polo and a leather shoe's. Naka shades pa nga ang lalaking ito!

Gwapo talaga!

Binaba nito ang shades. "Why did you stop there? Nagwapuhan ka sa akin ano Lineah?" he smirked.

Bakit bumabagay sa kanya ang ngisi na ganoon? Nagmumkha siya lalong gwapo, parang walang karapatang ngumisi ang iba dahil mas nababagay iyon sakanya.

"A-ang kapal ng mukha mo! Napatigil ako dahil nagliliwanang ka diyan oh! Mukhang kukunin kana ng langit!" sinubukan kong ipahalata ang inis sa boses para itago ang pag kamangha sa kagwapuhan niya.

"Oh darling! That's impossible, I've been there so many times infact I bring girls to heaven too. Do you wanna go there?" nakangising tanong niya.

"Ewan sayo!"

"Saan ba tayo kakain? Dalian mo gutom nako, mangingidnap kayo tapos gugutumin niyo?" mataray na tanong ko sakanya.

"Get in." natatawang sabi nito at binuksan ang pinto ng passenger seat ng kotse niya.

"Good afternoon Sir. Montevero." nakangiting saad ng isang babae na sumalubong sa amin pagkapasok sa isang malaking restaurant sa hindi ko malamang lugar dahil hindi naman ako taga rito sa lugar na pinagdalhan sa akin.

Malaki ang buong restaurant. As usual the restaurant is classy. Nakasuot ng formal wear ang babae na sobrang hapit na hapit sa katawan niya, nakalugay ang dilaw na buhok nito, mukha siyang clown dahil sa kapal ng make up nito sa mukha nito.

"I'm glad to see you again here Sir." she leaned forward to Thander.

Napatingin ako sa dibdib nitong busog na busog. Mukhang sikip na sikip na dahil sa damit niya. Sinuduldol niya ang dibdib kay Thander na mukha namang tuwang tuwa, napapangisi pa nga.

"Can you please lead us to our table?"

"Yes, Sir."

Habang nag lalakad kami patungo sa lamesa, pansin kong maraming mata ang nakatingin sa amin.

"Thank you, your service is good." ani ni Thander habang nakatitig sa dibdib ng babae.

Napailing nalang ako. Babaero!

"Is that Theron Montevero?"

"No it's Thanderson Montevero, his twin brother. Gosh he's so hot." kinikilig na saad ng babae sa kabilang table.

"He's so handsome talaga..."

"He is rich, intelligent, handsome and talented, what can you ask for right?"

"Yup, he's like the biggest grand jackpot in a lottery!"

"The most sought bachelor in the country!"

"I wanna be his girlfriend! Oh my gosh!"

"They say he's a playboy."

"But if he is the one who will play with my heart, I'd be willing to be played by him."

Kung wala sigurong kontrol ang mga babae baka kanina pa nilA ako sinipa paalis ng upuan para sila ang makapalit sa posisyon ko at makausap ni Thander.

Malagkit nga tumitig ang isa. Binalik ko ang tingin kay Thander na nakangisi lang.

Sanay na sanay na ata ito sa atensyon na nakukuha niya.

"Enjoy the food Sir." nakangiting sabi ng waiter na nag serve ng pagkain namin.

Napatingin ako sa mga crew na lahat ata ay nakakumpol sa gilid at nakatingin sa table namin, mali kay Thander pala hindi sa lamesa.

Halos lahat ay babae na kinikilig rin sakanya.Inalis ko ang tingin doon at nilibot ang paningin sa paligid.

Ang mga tao rito ay halatang mayayaman lahat, englishero at englishera din.

"Eat." utos niya. Bumaba ang tingin ko sa pagkain. Parang fiesta! Mapapakain ang buong barangay namain dito!

"Once were done. Well head off somewhere else." he added.

"Saan ba tayo pupunta Thander?Pwede bang puntahan natin ang Tyang ko? Okaya naman ang coffee shop para--"

"Hindi kita pinalabas ng mansyon para bumalik sa buhay na naiwan mo Lineah."

I sighed. Maski si Thander, Lineah din ang tawag sa akin.

Hindi na ako nag tanong pa, kumain kami ng tahimik. Lumipat din kami sa VIP ng restaurant dahil masyadong maingay ang mga babae.

I stared outside the car window. Nasaan ba ako? Malayo ba ito sa tondo? Hindi na ba talaga ako makakabalik kay Tyang? Hindi ko na ba makikilala ang totoo kong mga magulang?

Hindi kaya... Hindi kaya sa doctor na kami didiresto? Kukunin na ba nila ang organs ko? Busog ako at healthy kaya baka... Letse!

I gulped. Nilakasan ko ang loob. "T-thander saan ba tayo pupunta?"

"You'll see when we get there, Lineah."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height