C27 SENT PHOTOS
"Really? nasa hospital siya ngayon?" nakangiting tanong nito.
"Yes! at dahil sa kagagawan mo!" bulyaw niya sa dalaga. Pinagtitinginan na sila ng ibang mga tao na kumakain sa mga oras na iyon.
"Mabuti nga sa kaniya! hindi pa man nakakarma na siya!." nakatawang sabi nito sa kaniya.
"Ano nalaglag ba yung anak niya?" dagdag pa nitong nakatawa
