TILL I MET YOU/C3 CHAPTER 3
+ Add to Library
TILL I MET YOU/C3 CHAPTER 3
+ Add to Library

C3 CHAPTER 3

Nagising siya dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Napabalikwas siya ng bangon pero agad din siyang napahiga dahil sa pagkaliyo.

"Shit!."

Napamura siya ng makita ang kanyang itsura. Naka hubot-hubad siya at lalong sumakit ang kanyang ulo ng makita ang lalaking katabi. Hindi man niya tignan pero alam niya at sigurado siyang nakahubad din ito dahil natatakpan ng kumot ang pang ibaba nito.

"Ouch!"

Napamura siya ng biglang kumirot ang nasa gitnang hita niya. Napaka hapdi nito at hindi siya tanga para hindi ma realize ang nangyari sa kanya.

"Shit! ang tanga ko talaga!"

Napahikbi na lamang siya ng maalala ang katangahan niya.

Ano bang nangyari? Nasa Bar lang siya kagabi at paano siya napunta dito? at sino ang lalaking katabi niya ngayon?

Lalong sumakit ang ulo niya sa pag iisip. Dahan dahan siyang bumangon at pinulot ang mga nagkalat na damit at nagmamadaling isinuot iyon bago pa magising ang lalaking nasa kanyang tabi.

In fairness naman ha! Napaka guwapo din ng lalaking ito..napaka macho pa nito lalo na ang nag mamalaking 6 pack abs nito na mangali ngaling haplusin niya ito at ang mga braso at dibdib nito naku! naku! mapapanganga ka na lang talaga.Ulam na ulam!

Ang mga labi nitong sadyang mapula na kagabi lang ay kahalikan niya at dumaan sa buo niyang katawan, ang matangos nitong ilong na lalong nagpadagdag sa kaguwapuhan nito, ang makapal na kilay nito, ang mga mata nito kahit nakapikit ay sigurado siyang may pagka singkit na parang sa "The Revilla's".

Hello! natitigan niya kaya ito nang mariin kagabi at napaka guwapo talaga nito wala kang maipipintas. Baka sa ugali meron? Napasimangot na lamang siya. Aba! at pinagpapantasyahan pa niya talaga ang lalaking ito na kumuha sa pagkababae niya at ni pangalan nito ay hindi niya alam. May ganun ate?

Napabuntung hininga na lamang siya at minsan pay pinasadahan niya ito ng tingin bago lumabas sa kwartong iyon.

NAPAILING na lamang siya ng maalala ang ginawa niyang katangahan. Pero hindi siya nagsisisi dahil may isang Cade na dumating sa buhay niya. Noong malaman ni France na buntis siya ay ipinagpilitan nito na hanapin ang magiging Tatay ng anak niya, Ganoon din ang gusto ng kaniyang mga magulang noon, karapatan daw nitong malaman iyon pero tumanggi siya. Walang nagawa ang kaibigan sa naging desisyon niya bagkus inalalayan na lamang siya nito mula noong mag buntis siya hanggang sa ipanganak niya si Cade at laking pasasalamat niya dahil doon dahil kahit nawala ang kaniyang mga magulang hindi sila nito iniwan.

Bakit pa niya kasi hahanapin ang lalaking iyon? Nakakahiya kaya! Nahihiya siya dahil hindi naman sila aabot sa ganoong sitwasyon kung hindi dahil sa katangahan niya. Baka sabihin pa nito na pinilit lang siya at natawa siya sa parteng iyon kasi totoo naman talaga na siya yung nag insist na gawin iyon. Pero kahit na lasing siya ng mga oras na iyon at bumigay naman ang lalaking iyon. Ibig sabihin nun gusto rin siya nito.

Kasalanan lahat ito ni Hender! kung hindi siya nito iniwan eh di sana hindi siya naglasing at heto siya ngayon...Oh no! Bakit kung sinu sino ang nasisisi niya. Walang may kasalanan sadyang iyon lang talaga siguro ang siyang naging kapalaran niya at bakit siya magsisisi? Napaka pogi yata ng anak nito at laking pasasalamat niya sa Panginoon dahil biniyayaan siya ng anak.

"Pare are you okay?" Tanong sa kanya ng kaibigang si Harrold at hindi niya alam kung ilang beses na siya nitong tinanong. Nakatingin lang kasi siya sa kawalan.

"Pare si Casey ba?" tukoy nito sa kanyang girlfriend.

"No!" Napatayo ito mula sa kinauupuang swivel chair at nakapa mulsa siyang naglakad lakad sa loob ng kanyang office.

"Eh sino?"

"Nagkita na kami ng babaeng matagal ko nang hinahanap."

"Are you sure?"

"Yeah, alam ko at sigurado akong siya iyon."

Bumalik siya sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair at nilaro laro ang hawak na ballpen.

"Nagkausap na ba kayo?"

"Yes, tinanong ko siya kung magkakilala kami pero sabi niya hindi daw." sagot niya sa kaibigan.

"Oh eh baka hindi naman siya talaga iyon pare, baka kamukha lang niya."

Sa sinabi niya lalong napakunot-noo ang kaibigan.

"No! pare alam ko at nararamdaman ko na siya iyon."

Naiinis na sabi niya kaya napanganga ang kaibigan sa iniasta niya.

For the first time! ngayon lang niya nakita si Jacob na apektado sa isang babaeng ni hindi man lang niya alam kung saan nagmula at kung ano ang pangalan nito.

"Okay, then anong plan mo sa kanya?" Tanong niya sa kaibigan para matapos na ang issue na ito dahil hindi rin naman siya mananalo kung ipagpipilitan niya.

"I have my own ways pare, kilala mo ako." Seryoso at pinal na sagot niya sa kaibigan.

"Okay pare, Basta nandito lang ako."

"Thank you pare."

"Maganda ba siya pare? Sexy? Chika babe ba?"

Biro niya sa kaibigan at matalim siya nitong pinukol ng tingin dahil sa huli niyang sinabi.

"Gusto mong isumbong kita kay Arah?" sabi niya na ang tinutukoy nito ay ang pinsan nito na asawa ng kaibigan.

"OA nito, sayo lang si Miss "ONS" mo."

Napakamot ito sa batok.

"After 5 years, she looked even more beautiful."

Nakangiting sabi niya sa kaibigan, lalo ng maalala ang napakaamo at napaka ganda nitong mukha.

"Iba na yata talaga ang tama mo kay Miss ONS pare."

Kantiyaw nito sa kaibigan. Binato naman siya nito ng tissue saka sila nagkatawanan.

Nang tumunog ang cellphone nito. Si Tricia ang tumatawag.

"Hello Tricia."

"Helo Sir."

"What's up?"

"Sir I'll just remind you of your meeting with Mr.Kim at 10 o'clock." Napatingin siya sa kanyang relo. 9am pa lang naman.

"Okay, im on my way now.Thank you Tricia."

"Okay Sir! bye."

Iyon lang at pinindot na niya ang end button ng cellphone.

"Your Secretary?"

"Yeah."

"Okay." Napa kibit balikat siya.

"Chika babe yung secretary ko, tumambay ka minsan sa office ko at ng maipakilala kita sa kaniya."

anito at kinindatan pa siya.

"Teka nga matawagan ko si pinsan." aniyang nakatawa at inilabas ang cellphone.

"Pare naman! hindi naman para sa akin kundi para sayo."

Nagkakamot na ito sa batok at humagalpak siya ng tawa. Alam nya kasi kung gaano ka selosa ang pinsan nito. Outside de Kulambo na naman ang labas nito.

"No thanks! hindi ako intresado."

sabi niya sa kaibigan.

"Okay! sabi mo eh."

Hanggang sa magpaalam na siya. Akala niya kung ano naman ang urgent na pag uusapan nila iyon pala ay tungkol sa naka ONS nito. Base sa mga galaw at reaksyon ng kaibigan alam niya at sigurado siyang iba ang gusto nitong mangyari. Nagka amnesia yata ito bigla dahil nakalimutan nitong may girlfriend siya.

Napatawa siya sa isiping iyon.

"Mommy! come here! join us na." Matinis na sigaw ng anak sa kanya. Nasa cottage pa lang kasi siya noon at pinapanood lang ang dalawa na abala sa paglalangoy.

Nasa isang exclusive beach resort sila noon.

"Yeah, coming baby!"

sagot niya sa anak at sinabayan na niya ng tayo patungo sa kinaroroonan ng mga ito.

Nakasuot siya ng high waist bikini floral black print halter neck kaya naman halos lahat ng madaanan niya ay napapatingin sa kanya. Napaka sexy niya sa soot na iyon.

Asiwa siya pero hinayaan na lang niya. Mas daring pa nga yung ibang suot ng mga nandito eh. Alangan naman na mag pajama siya eh di pinagtawanan siya.

"Mommy! " agad na niyakap siya ng anak ng makalapit siya sa mga ito sa dalampasigan.

"How are you?" tanong niya sa anak na ang tinutukoy nito ay ang paglalangoy nito.

"I know how to swim na mommy."

"Very good thats my boy!" at hinalikan niya ang anak.

"Hindi ka rin excited noh?" biro sa kanya ng kaibigan na ang tinutukoy nito ay ang suot niyang swimsuit.

"Gago!" binatukan niya ito at nagkatawanan sila.

"Mommy you're so sexy! " puri pa ng anak.

"Thank you baby!"

"I love you Mommy!".

"I love you more My love!"

"How sweet!" nakangiting kantiyaw sa kanila ng kaibigan. Inirapan na lang niya ito.

Kanina pa niya pinagmamasdan ang babaeng iyon mula sa malayo kasama ang isang bata at isang lalaki na abala sa paglalangoy at nagtatawanan ang mga ito.

"So ibig sabihin may asawa at anak na siya?" tanong niya sa kanyang sarili at hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Oo nasa isang beach resort siya na pag mamay ari ng kanyang pamilya. Sunday noon kaya naisipan niyang mag relax at dito pa pala niya makikita ang babaeng matagal na niyang hinahanap.

Hindi siya maaaring magka mali dahil ito ang babaeng naka One Night Stand niya 5 years ago at ni minsan hindi niya ito nakalimutan.

Masakit na sa balat ang sikat ng araw kaya nagpasya na silang umahon muna at ng makakain, babalik sila ulit mamayang hapon kapag papalubog na ang araw.

Masaya nilang pinagsaluhan ang kanilang pananghalian..

"Inaantok ako." sabi ni France. Pagkatapos kumain at makapag pahinga nakatulog na ang kanyang anak dahil sa pagod. Di bale mag na night swimming naman sila. Bukas na sila uuwi.

"Tabihan mo na si Cade, susunod ako." sabi niya sa binata.

"Okay sweetheart."

Iyon lang at naiwan na siya. Naisipan niyang maglakad lakad muna bago maligo at titingin ng mga souvenirs. Itinali niya sa baywang ang kanyang manipis na summer scarf at naglakad lakad na siya.

"So ganyan ka na ba talaga magsuot ng damit ngayon?"

Napalingon siya sa nagsalita at tumambad sa harapan niya ang lalaking pinakaiiwasan niya. Anong ginagawa niya dito? Sinusundan ba siya nito?

"What--" hindi na niya natapos ang sasabihin agad na hinawakan siya nito sa kamay at hinila siya sa isang cottage papasok doon at ini lock iyon.

"Look at yourself! halos ibilad mo na ang katawan mo sa lahat!"

Galit na sabi nito agad at teka lang ha! bakit sino ba ang lalaking ito na akala mo maka asta eh pagmamay- ari siya.

"Hey! pwede ba mister hindi kita kilala saka pwede ba lalabas na ako!"

Naiinis na sabi niya. For God sake! bakit ba sila lagi nagkakatagpo ng lalaking ito?

"Change your clothes!." galit parin na utos nito.

"What? baliw ka ba? beach ito alangan naman na mag pajama ako! at saka pwede ba! sino ka bang nakikialam ka!"

Sabi niya para itago ang pangangatog ng tuhod. Nag iinit na naman ang kanyang buong sistema at hindi niya iyon maipaliwanag.

"Nakikita mo ba kung paano ka titigan ng mga lalaking iyon kanina ha? Fuck baby! baka mapatay ko lahat sila ng wala sa oras!"

'Baby daw? paano ba niya makakalimutan ang tawag nito sa kanya. Bsta hindi siya magpapahalata na siya iyon pero

Galit na galit parin ito.

"Ano bang problema mo ha? adik ka ba?"

Medyo natawa siya nung ma realize niya yung kanyang sinabi.

"What?" Nagsasalubong ang mga kilay nito, saka siya tinitigan ng matalim.

"Change your clothes if you don't want me to undress you."

Seryosong sabi nito.

"Seryoso ka?"

"Mukha ba akong nakikipag biruan sayo?"

Tinitigan siya nito ng mariin.

"No! at bakit sino ka para utusan ako?"

Tinaasan niya ito ng kilay. Agad na hinila siya nito sa baywang kaya napadikit siya dito at mariin siyang hinalikan sa labi. God! nakaka miss naman ang halik na ito kahit di nya aminin.

"Ano magpapalit ka ba ng damit oh gusto mong--."

"Bastos! oo na oo na! " sigaw niya dito. Nakakahiya! bakit ba siya bumigay agad. Alam kaya talaga ng lalaking ito na siya iyon?

"Good that's my baby!" anito saka siya kinindatan. Napasimangot na lang siya ng abutin ang ibinibigay nitong damit sa kanya. Kanina galit na galit na animoy gustong pumatay ng tao tapos ngayon may pakinda kindat pang nalalaman.

"Magbibihis lang ako sa banyo!"

inis na sabi niya.

"Bakit hindi na lang dito, nakita ko naman na yan at--!"

Nakatawang biro niya.

"Bastos!" at nanggagalaiting tinalikuran niya ito na tumatawa saka siya pumasok sa banyo. Napakasarap naman sa tainga ang pagtawa nito.Nakaka inlove.!

"See? bagay na bagay mo yang damit na binili ko! hindi ka na masisilipan."

Nakangiting sabi sa kanya ng lalaki. Tinaasan lang niya ito ng kilay. Naka leggings lang naman siya ng black at crap top na kulay Pink na hapit sa maliit niyang baywang.

"Masaya ka na?" angil niya dito.

"Kaysa naman ipangalandakan mo yang katawan mo at pagpiyestahan ka ng kung sinu sino lang diyan!." Nakahalukipkip na sabi nito.

"Bastos! isusumbong kita sa may ari ng resort na Ito!"

"Okay! di Sige mag sumbong ka."

Napakibit-balikat lang ito.

"Mayabang!" inirapan niya ito at walang lingon-likod na tinalikuran niya ito na naiinis.

Buti na lang ng makabalik siya ng kanilang cottage ay tulog pa ang dalawa.

"Yabang! akala mo kung sino!." naiinis parin siya talaga dito. Napahawak siya sa kanyang labi na kanina lang ay hinalikan nito.

"Shit!." Napamura na lamang siya. Ganun ba talaga ka attracted ang lalaki dahil pagkatapos ng 5 taon kabisado parin niya kung paano ito humalik. Napabuntung hininga na lamang siya sa isiping iyon. Bakit ba niya pinag kakaabalahang isipin ang mayabang na iyon!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height