TILL I MET YOU/C4 CHAPTER 4
+ Add to Library
TILL I MET YOU/C4 CHAPTER 4
+ Add to Library

C4 CHAPTER 4

Napakasarap ng hangin sa tabing dagat, nakaka relax. Kaya Nahiga siya sa may duyan at doon naisipang umidlip muna.

Hapon na ng magising siya at ng silipin niya ang dalawa sa loob ng cottage wala na ang mga ito. Narinig na lang niya ang tawanan ng mga ito na abala sa paglalangoy.

"Don't you ever dare to wear your swimsuit again! i swear i gonna kiss you in front of many people."

Napalingon siya sa nagsalita at tumambad sa harapan niya ang nakapa mulsang estranghero. Nakasuot ito ng short at naka Black V neck na lalong nagpadagdag sa ka guwapuhan nito.

"Sino ka ba para utusan ako?"

Tinaasan niya ito ng kilay saka padabog na pumasok siya sa loob ng kanilang cottage. Sumunod ang lalaki sa kanya.

"Hey! what are you doing here?"

"Ginagalit mo ba talaga ako?"

"Ano bang problema mo ha?"

Nakapamaywang na hinarap niya ito.

"Ikaw!"

"Ako?"

"Yes!"

"Ano bang ginagawa ko sayo? saka isa pa hindi kita kilala pero ang lakas ng loob mong manduhan ako!"

Naiinis na sabi niya sa lalaki.

"Come on, hindi ako ang lasing noon ikaw iyon! How could I forget you?"

Napanganga siya sa narinig. Wala na yata siyang kawala.

"Hindi ako iyon!"

Aniya saka siya nag hanap ng damit pamalit.

"Gusto mong Ipaalala ko sayo lahat?" Nakangising tanong nito saka lumapit sa kanya. Naamoy niya ang ginamit nitong pabango.

"Hindi ako iyon!"

"Sigurado ka?"

Hinawakan siya nito sa baba at mariin siyang tinitigan.

"Oo."

"Okay ganito iyon-"

"Oo na! Kaya pwede ba lumabas ka na baka kung ano pang isipin ni France!."

"France? Who is he?" Kunot-noong tanong nito.

"Bakit mo tinatanong?"

"Siya ba iyong kasama mo kanina at yung bata?"

OHMYGOD! Bigla niyang naalala si Cade. Nakita na niya si Cade?

"Yes! Kaya pwede ba umalis ka na baka makita ka pa nila dito at anong isipin nila sa atin."

"Is she your husband?"

"Ye-Yes! Kaya please lang ito na sana yung huli nating pagkikita."

"But-."

"Please lang."

Ipinagtulakan na niya ang lalaki palabas ng cottage na iyon. Napansin niya ang paglamlam ng mga nito ng malaman na may France na siya.Teka! nagseselos ba ito? Napailing na lang siya sa isiping iyon. Mabuti na rin iyon para hindi na sila nito guluhin pero may part ng puso niya ang nagsusumigaw na sana sinabi niya ang totoo kahit para sa anak na lang niya na naghahanap ng isang Ama.

Bahala na!.

Nawalan na rin siya ng ganang maligo. Inayos na lang niya ang kanilang mga gamit at pagkatapos ng dalawa uuwi na rin sila. Hindi na sila mag oovernight.

"Mommy kelan po ba ako magkakaroon ng Daddy?"

Tanong ng kanyang anak. Binibihisan niya ito noon ng pangtulog. Hindi niya napaghandaan ang tanong nito.

"Ha? eh..bakit hindi pa ba enough si mommy sayo?." Nginitian niya ang anak.

"Pero Mommy iba parin po kapag may Daddy gaya nung mga classmates ko!"

Napasimangot ito.

"Sino magtatanggol sa atin kapag may bad person? Saka Mommy i really want to have a daddy na!" Napapaiyak na sabi nito.

"Okay baby soon magkakaroon ka na ng Daddy." Nasabi na lamang niya para tumigil na ito.

"Yehey! Promise?" Tuwang tuwa at nagtatalon ito sa kama.

"Yes baby."

"Yehey! I'm going to have a Daddy na."

Hindi maipinta ang kasiyahan sa mukha ng anak at naguguluhan siya kung sasabihin na ba niya sa estrangherong iyon ang tungkol sa kanilang anak. Pero saan naman niya ito hahanapin diba?

"Anong problema Sweetheart?" tanong agad ni France sa kanya ng tawagan niya ito agad itong napasugod sa kanilang bahay.

"Si Cade kasi kinukulit na naman niya ako tungkol sa Daddy niya."

Napasimangot siya.

"Tapos nangako ka na soon magkakaroon na siya ng Daddy?"

Napatango siya sa tanong ng kaibigan.

"You mean-- sasagutin mo na si Arvin?" Sumilay ang ngiti sa mga labi nito.

"No! hindi yan yung ibig kong sabihin."

Kontra niya agad.

"Then what it is?" naguguluhang tanong nito.

"Kasi ano--"Hindi niya alam kung paano niya sisimulan.

"Ano nga?"

"Kasi ano--nagkita na kami nung Daddy ni Cade."

Alanganing sabi niya.

"Are you serious?" nagsasalubong ang mga kilay nito.

"Oo."

"Kelan?"

"Noong anniversary nina Tita at Tito, tapos nung last week na nag beach tayo." kwento niya.

"Madami kasing bisita sina Mama at Papa na hindi ko kilala pero magtatanong ako, ano daw pangalan?"

"Hindi ko alam."

"MyGod! Hindi mo man lang tinanong?"

"Hindi nga ako umamin na ako iyon pero alam niya at sigurado siyang ako yun!"

"Bakit ngayon mo lang ito sinabi?"

"Kasi hindi naman iyon importante eh."

"Sayo hindi pero doon sa anak mo napaka importante nun."

Sa sinabi ng kaibigan lalo siyang naguluhan.

"Anong gagawin ko?"

"Sabihin mo sa kanya yung totoo iyon ang dapat una mong gawin kapag nagkita kayo ulit."

"Kailangan ba talaga? Paano kung may asawa na siya?"

"Eh di maging Mistress ka!" biro ng kaibigan at napatawa ito pero siya hindi niya alam kung ano ang gagawin.

"France!" Hinampas niya ito sa braso.

"Joke lang! So ibig sabihin yung suot mong damit noong nag beach tayo siya nagbigay nun?"

Tanong ng binata ng maalala ang damit na suot niya noon. Nagtataka kasi siya kung bakit biglang nag leggings at crap top ang kaibigan. Napatango naman siya.

"Nung nakatulog kayo ni Cade at naglakad lakad ako para tumingin ng souvenirs nakita niya ako at hinila doon sa cottage niya at galit na galit!"

"Tapos?"

"Pinagbihis niya ako, ayaw daw niyang nagsusuot ako ng mga ganun."

"Possessive ang loko! matignan nga at baka magkakasundo kami ng lalaking iyon."

Napatawa ang kaibigan sa mga kwento niya. Inismiran na lamang niya ito.

"Sa ayaw at sa gusto mo sasabihin mo sa kanya ang tungkol kay Cade." Seryoso na ang kaibigan.

"Parang ganun naman kadali."

"Huwag ka ngang selfish! isipin mo naman yung mararamdaman ng anak mo."

"Wow! nagsalita ang babaero.!" biro niya dito.

"Basta para kay Cade tutulungan kitang hanapin ang Daddy nito."

"Hahanapin talaga? hindi ba pwedeng siya yung maghanap sa amin?"

"Basta bahala na basta magkikita sila ng Daddy niya." Sabi nito. Nagsisisi siya kung bakit naikwento niya dito sa kaibigan. Iba din pala ang gusto nitong mangyari.

"Honey are you okay?"

tanong sa kanya ng girlfriend ng mapansin na hindi niya ginagalaw ang kanyang pagkain. Nasa isang restaurant sila noon.

"What? yeah-." Napailing siya dahil sa kaiisip sa babaeng yun. Nakalimutan niya yatang kasama niya ang kanyang girlfriend.

"Are you sure?" Nagsasalubong ang mga kilay nito.

"Yeah."

"Kanina pa ako nag kukwento dito at kanina pa din kita tinatanong pero wala ka sa sarili mo!" bulyaw agad nito sa kaniya.

"Im sorry hon."

Pero mukhang nawalan na ito ng gana.

"I have to go! minsanan na nga lang tayo magkaroon ng time ganyan ka pa!"

Pagkasabi nito tinalikuran na siya. Hindi na siya nag abalang sundan ito dahil mag aaway lang sila. Napabuntung hininga na lamang siya sa iniasta ni Casey pero aminado naman siyang kasalanan nga niya.

"Sir Ito na po yung---."

Hindi niya naituloy ang sasabihin ng madatnan ang isang lalaking prenteng nakaupo sa harap ng kanyang boss at nagtatawanan ang mga ito. Anong ginagawa nito dito?

"Tricia?" Si Harrold.

Hindi Niya alam kung lalapit ba siya sa Boss niya or lalabas na lang sa office nito. Bigla siyang kinabahan at nanginginig ang kanyang mga tuhod.

"Sir ano kasi..ito na po yung mga pipirmahan nyo." Kandautal na sabi niya at nanginginig ang tuhod na lumapit sa Boss niya at iniabot ang mga files na pipirmahan nga nito.

Ni hindi niya magawang sulyapan man lang ang nasa harapan nito kahit alam niyang nakatitig ito sa kanya ng mariin.

"Thank you Tricia." ani Harrold.

"Okay Sir!" Akmang tatalikod na siya ng magsalita ang lalaki.

"Is she your secretary?"

Tanong ng lalaki sa kaibigan. Patay na!

"Yeah-I'm sorry pare nakalimutan kong ipakilala sayo ang aking napaka gandang secretary." Nakangiting sabi ni Harrold.

"Its okay pare, Hi I'm Jacob Fuentebella."

Tumayo ito at lumapit sa kanya.

Hindi na niya alam ang gagawin. Pinagpapawisan na siya ng malapot.

"I'm Tricia Miranda." Nahihiya niyang tinaggap ang nakaumang na palad ng lalaki. Napakalambot nito. Naramdaman pa niya ang pag pisil nito doon.

"Finally! nakilala na din kita." Anang lalaki at nakahawak parin ito sa kamay niya.

"Sir-."

"Magkakilala kayo?" Naguguluhang tanong ni Harrold sa kanila.

"Yes!"

"No!"

Magkapanabay na sagot nila.

"What?" Tinignan sila ng kaibigan na naguguluhan. Hinila niya ang kamay sa lalaking iyon at walang lingon-likod na tinalikuran ang mga ito.

"Tricia!." Laking gulat niya ng nakasunod pala sa kanya si Jacob. Jacob pala ang pangalan nito.

"Why?" Nilingon niya ito.

"Iniiwasan mo ba ako?"

"Hindi! ano bang problema mo?" Singhal niya dito.

"Bakit ba ang suplada mo?"

"Anong ginagawa mo dito?"

Tinaasan niya ito ng kilay at nakakaagaw ng pansin ang ginagawa nila sa loob pinagtitinginan sila ng ibang mga empleyado kaya hinila siya nito sa kamay at hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. Basta naramdaman na lang niya na sumakay sila ng elevator at nasa basement na sila.

"Saan mo ako dadalhin?"

Naiinis na hinarap niya ito. Akala mo kung sinong nanghihila na lang basta at dadalhin siya kung saan.

"Pumasok ka na sa loob."

Utos nito at ipinagbukas siya ng pinto ng kotse nito.

"What? Nasa trabaho ako at magagalit ang Boss ko at bakit sino ka bang nakikialam ka?"

galit na hinampas niya ito sa braso.

"Pumasok ka na sa loob kung ayaw mong halikan kita."

"I hate you! " naiinis na pumasok na lamang siya sa loob ng kotse nito.

"Hello pare, hihiramin ko muna itong napaka ganda mong secretary ha, ibabalik ko din mamaya."

Anito sa kausap at alam niyang si Harrold iyon. Nagtawanan pa ang mga ito at lalong nagsalubong naman ang mga kilay niya.

"Anong Kailangan mo sa akin?" pasupladang tanong niya sa lalaki ng nagmamaneho na ito at hindi niya alam kung saan sila pupunta.

"Bakit ba ang sungit mo?"

Nakatitig sa kanya ito ng mariin.

"Ano ba kasing kailangan mo sa akin?"

"Hindi ko alam!"

"What? baliw ka ba?" Inis na sabi niya dito.

"Bakit hindi mo ako ginising noong umalis ka?"

Seryosong tanong nito sa kanya.

Hindi siya agad nakapagsalita kaya napatingin na lang siya sa labas ng bintana.

"Tricia Bakit hindi mo ako hinintay na magising noon or sana ginising mo man lang ako bago ka umalis." May pait sa boses nito ng sabihin niya iyon sa kanya. Tinignan niya ito at ewan niya kung para saan ang lungkot na iyon na mababakas sa gwapong mukha nito.

"Tapos ano? pagtatawanan mo ako dahil napaka tanga ko ganun ba?" Mataray na sabi niya.

"Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin?"

Naka kunot noong tanong nito sa kanya. Tinitigan siya nito. Nagtama ang kanilang mga mata. Hanggang sa makarating sila sa Condo nito.

"Anong gagawin natin dito?"

Takang tanong niya ng makapasok sila sa loob. Pamilyar parin sa kanya ang ayos nito 5 years ago.

"Don't worry wala akong gagawin sayo na masama." Anito ng mabasa yata nito ang kanyang iniisip.

"Mag papalit lang ako ng damit feel at home baby." anito at tinalikuran na siya upang pumasok sa isa sa mga kwarto doon. Abala siya sa pagtetext kay France noon ng magsalita ito sa likuran niya.Ni hindi pa niya namalayan ang paglapit nito sa kaniya.

"Gusto mong magpalit ng damit muna?" Tanong nito sa kanya. Naka suot kasi siya ng black mini skirt at white shirt na may ribbon sa harap at hakab na hakab sa kanyang maliit na baywang.

"No! thank you."

"Anong gusto mong Lunch?" Pagkuway tanong nito sa kanya. Napaka gwapo nito sa suot na short na tinernuhan ng isang white plane v neck.

"Nakakahiya kay Sir Harrold oras ng trabaho nandito ako at--."

"Ipinagpaalam na Kita sa kanya, kaya huwag ka ng mag alala okay?"

Anito at nagtungo ito sa kusina. Seryoso itong mokong na ito? magluluto talaga ito?

"Pero dapat hindi mo ginawa iyon." Sinundan niya ito sa kusina.

"Bakit hindi?" Nilingon siya nito.

"Baka kung anong isipin niya sa atin!" Huli na nang maisip niya ang kanyang sinabi. Napangiti ito saka siya nito tinitigan ng mariin kaya nag iwas siya ng tingin.

"Anong gusto mong ulam?" pgkuway tanong nito.

"Magluluto ka?"

"Yes baby." Naaasiwa siya sa pag tawag nito ng baby sa kanya.

"Anong gusto mo?" Nilingon siya nito.

"Kahit ano." Nasabi na lang niya, tutal hindi naman na ito mapipigilan sa gusto nitong gawin.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height