TILL I MET YOU/C5 CHAPTER 5
+ Add to Library
TILL I MET YOU/C5 CHAPTER 5
+ Add to Library

C5 CHAPTER 5

"Parang gusto ko ng Sinigang na baboy ngayon."

Nagitla siya sa narinig. Favorite ni Cade ang sinigang ah! Nagmana yata talaga ang anak sa Daddy nito.

"Okay! may maitutulong ba ako?"

Tanong niya.

"Umupo ka na lang diyan at hintayin mo akong matapos." Nakangiting sabi nito.

Umupo nga siya at pinanood ang ginagawa ng lalaki. Hindi niya akalain na ang isang Jacob Fuentebella ay marunong din pa lang magluto.

Nang mag ring ang kanyang cellphone. Hindi niya alam kung sasagutin ba niya iyon sa harap ni Jacob or lalayo muna siya.

"Can i--?"

"Just stay here!."

Bakit ba ang hilig ng lalaking ito na mag utos?

"Hello France!" Matalim siyang tinitigan ni Jacob ng marinig ang pangalan na France.

"Sweetheart, nag lunch ka na?"

"Yeah.."

"Are you sure? Gusto mo puntahan kita diyan?"

"No-No I'm done."

"Okay ka lang?" Nagtatakang tanong ng kaibigan.

"Yeah okay lang ako."

"Okay sweetheart, bye! tambay ako mamaya doon sa bahay nyo."

"Okay! see you."

At pinindot na niya ang end button ng kanyang cellphone. Nakatitig sa kanya si Jacob hindi na lang niya iyon pinansin.

"Pwede bang makiinom?"

"Sure!" anito at ipinagsalin siya ng tubig sa baso.

"Thank you!"

"Gutom ka na ba?" pagkuway tanong nito sa kanya.

"Hindi pa naman."

"Okay 10 minutes more maluluto na ito." nakangiting sabi nito at inihanda na nito ang mesa.

"Ikaw lang mag isa dito?" hindi niya napigilang tanungin ito.

"Yeah kaya magagawa natin lahat yung gusto natin." Sagot nito at namula siya sa sinabi nito.

"Jacob!" pinandilatan niya ito.

"Hey! I'm just kidding."

Pinisil siya nito sa baba.

"Come on let's eat na."

Ipinaghila siya nito ng upuan sa harap nito. Ipinagsandok pa siya ng kanin at ulam. Naaasiwa siya sa mga ikinikilos nito. Ganito ba talaga ito ka sweet?

"Masarap ba?" tanong sa kanya nito ng unang subo pa lang niya.

"Yeah, masarap siya. Marunong ka din pa lang magluto?"

"Basic!" Anito saka siya kinindatan.

"Hindi ka rin mayabang noh?" pinandilatan niya ito.

"Bakit hindi ba masarap yung luto ko ngayon?"

"Masarap."

"Oh sabi ko sayo eh! huwag ka mag alala lagi kitang ipagluluto.".

"Baka tumaba naman ako niyan." Sabi niya. Teka close na ba sila sa lagay na ito? kanina lang galit na galit siya ah.

"Eh di mag exercise tayo!"

"Jacob!"

"Why?" Nakangising tanong nito.

namula na naman siya.

"Mag jogging ganun, mag exercise para hindi tumaba."

Napahagalpak ito ng tawa. Napasimangot na lang siya. Nakakahiya! dahil kung anu ano ang iniisip niya.

Hanggang sa matapos silang kumain at iniligpit nila ang kanilang mga pinagkainan. Hindi siya hinayaan ni Jacob na maghugas. Siya yung gumawa ng lahat. Aba! nagpapasikat yata ang mokong na ito ah.

KANINA pa nagriring ang cellphone ni Tricia sa ibabaw ng mesa kaya naisipan niya sagutin iyon at baka emergency. Nasa banyo kasi ito.

"Mommy." boses ng batang lalaki iyon na nasa kabilang linya.

"Yes baby?"

"Ha? sino ka po?,nasaan po si Mommy?" tanong nito.

"May ginagawa kasi ang Mommy mo, kaibigan niya ako."

"Ganun po ba? pakisabi po kay Mommy na gusto kong ulam mamayang hapon yung favorite ko po." bilin nito. Nakakatuwa din ang batang ito. May kakaiba siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag.

"Ano bang favorite mo baby?"

"Sinigang po na baboy." Sagot nito. Sinigang na baboy? Pareho sila nito ng favorite.

"Is that your favorite baby?"

"Yes po,"

"Okay sasabihin ko kay Mommy."

"Thank you po."

"Your welcome baby".

"What's your name?" tanong niya dito.

"I'm Cade Jarred po."

"Uhm Nice Name."

"Thank you po, eh sino ka po?"

"Ako? I'm your Tito Jacob." sagot niya dito. Napaka bibo naman ng batang ito.

"Nanliligaw ka po kay Mommy?"

"What? No--Yes!."

Nabigla siya sa tanong nito. Napaka bata pa nito pero ang dami ng alam.

"Kasi I want to have a real Daddy na." Lumungkot ang boses nito bigla sa kabilang linya.

"Okay! okay sasabihin ko iyon kay Mommy. Huwag ka na malungkot diyan ha?"

"Okay po! thank you po."

"Okay baby."

"Bye po!"

"Bye baby!."

At pinindot na niya ang end button ng cellphone. Naabutan siya ni Tricia.

"Im sorry kung pinakialaman ko ang cellphone mo, kanina pa kasi may tumatawag baka kako emergency."

paumanhin niya agad dito.

"Its okay, sino yung tumawag?"

umupo siya sa sofa kaharap nito.

"Yung anak mo."

"Si Cade? anong sinabi niya?"

Bigla siyang kinabahan. Nag usap na ang mag Daddy. May naramdaman kaya ito?

"Ipagluto mo daw siya ng favorite niyang ulam."

Sa narinig lalo siyang kinabahan. Patay na!

"Ah--okay!" Sabi niya

"Bakit hindi mo na lang iuwi yung natirang sinigang marami pa yun para hindi ka na magluto pag uwi mo ng bahay nyo."

Sa narinig niya nag init ang magkabila niyang pisngi. So alam na nito na sinigang ang favorite din ng kanyang anak.

"Naku wag na, nakakahiya naman."

"Ikaw na rin ang nagsabi na masarap yung luto ko, at sigurado akong magugustuhan din iyon ng anak mo."

"Okay! sabi mo eh, salamat."

Tipid niya itong nginitian.

"Jacob kailangan ko ng bumalik sa office."

Sabi niya dito. Mag aalas tres na kasi noon ng hapon.

"Hindi ka na babalik sa office, ihahatid na kita sa bahay nyo."

"Pero-."

"Nakausap ko na si Harrold, bukas ka na lang pumasok."

Anito. May magagawa na naman ba siya kung ito na mismo ang nag desisyon para sa kanya?

"Okay." nasabi na lang niya.

"Aayusin ko lang yung sinigang ni baby at ihahatid na kita." Anito at tinalikuran na siya at nagpunta ito sa kusina. Sinundan na lang niya ito ng tingin. Bakit siya pumapayag sa mga gusto nito. Bakit siya sunud sunuran dito? Ipapakilala na ba niya si Cade sa Daddy nito? Napailing na lamang siya.

"Here." Nakangiting ipinakita sa kanya ng binata ang isang naka Tupperware na ulam.

"Thank you."

"Basta para kay baby, halika na ihahatid na kita para makapag pahinga ka na."

Anito at sumunod na lamang siya dito. Ipinag bukas pa siya nito ng pinto ng kotse bago umikot ito sa kabila.

"Ilang taon na yung anak mo?"

pagkuway tanong sa kanya nito.

"4 years old."

"Ah-- okay!" napatangu tango na lamang ito parang ang dami pa nito gustong itanong pero hindi na ito nagsalita. Hanggang sa makarating na sila sa kanilang bahay. Naunang bumaba ito at pinagbuksan siya ng pinto at inalalayan siya hanggang sa tuluyan siyang makalabas.

"Thank you."

Nang mag ring ang cellphone nito.

"Yeah- I'm on my way."

Sabi nito sa kausap.

"Gusto ko pa sanang makilala yung baby mo kaso may importante akong gagawin." Anito ng mabasa yata nito ang kanyang iniisip.

"Its okay, thank you ulit." sabi niya.

"Okay! thank you sa time. Nag enjoy ako." sabi nito at hinalikan siya sa labi bago pumasok sa loob ng kotse nito. Kumaway pa ito sa kanya bago pinaharurot ang kotse palayo sa kinatatayuan niya. Hinalikan ba talaga siya nito sa labi? Ginawa ba talaga iyon ni Jacob? Napahawak pa siya doon.

"Mommy!" Napapitlag siya ng marinig ang boses ng anak.

"Baby!" Saka nagmamadali siyang pumasok sa loob ng gate. Nawawala na naman siya sa kanyang sarili dahil sa halik ng binata.

"So, si Tricia talaga?" Tanong sa kanya ni Harrold. Nandito sila ngayon sa isang Bar at umiinom.

"I can't believe it pare! yung matagal ko ng hinahanap ay secretary mo lang pala." Nakangiting sabi niya sa kaibigan.

"Sabi ko naman sayo dumalaw ka minsan sa office ko."

Nagkatawanan sila sa sinabi nito.

"Oo nga noh? matagal mo na pala ako inaanyayahan sa office mo bakit kasi ni minsan hindi kita napagbigyan?"

"Sabi ko sayo eh!"

"Don't worry pare, mula ngayon

araw-araw na ako sa office mo."

"Yeah- basta lagi ka magdala ng Foods natin ha."

"What?" minsan pay nagkatawanan sila.

"Pero pare, best friend yan ng pinsan ko, huwag na huwag mong masasaktan si Tricia dahil siya ang unang una na makakalaban mo."

Seryosong sabi ni Harrold sa kaniya.

"Sinong pinsan?"

"Si France!."

"France?"

"Yeah, childhood bestfriends sila."

"Akala ko asawa niya-"

"Sinabi sayo ni Tricia?"

"Yeah."

Napailing na lang siya. So ibig sabihin wala pa itong asawa? Aba! mukhang may chance!

"Alam ko na yang mga ngiting yan pare!"

Siniko siya ni Harrold.

"Hindi ko siya sasaktan."

"Hindi ka pa nagsisimula pare, baka nakakalimutan mong may Casey ka."

Napaisip siya tuloy. Bakit ba niya nakakalimutan ang lahat pagdating kay Tricia?

"Alam ko ang ginagawa ko pare."

"Marami kang kaagaw dun, araw araw may nagpapadala ng bulaklak,chocolates teddy bear at kung anu ano pa sa office."

"Kaya kong ibigay sa kanya lahat iyon." Nanggagalaiting sabi niya. Teka! nagseselos na ba siya agad niyan?

"Si Arvin yung kaibigan ng pinsan ko business man din 3 years ng nanliligaw kay Tricia."

"Tapos?"

Matalim siya nitong tinitigan.

"Selos ka agad niyan pare?"

Nakatawang tanong nito sa kanya.

Hindi niya ito sinagot. Napa buntung hininga na lamang siya.

Bakit ba may part ng puso niya

ang nanggagalaiti?

Gusto niya siya lang! Walang ibang magmamay ari kay Tricia.

"Sinong Arvin iyon?" Inis na tanong niya.

"CEO din, hatid sundo niya si Tricia dito."

"Damn!" inis na sabi nito

"Kaibigan ng pinsan ko, ang tatay ng anak mo?"

Gulat na tanong ni France sa kanya ng ikwento niya ang lahat dito.

"Oo nga ang kulit nito!"

Kasi ilang beses na siya nito tinanong.

"Anong plan mo ngayon?"

Seryosong tanong ng kaibigan.

"Hindi ko pa alam, hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol kay Cade."

"Tatanungin ko nga muna yung magaling kong pinsan kung anong background ng magaling din niyang kaibigan."

Napatawa siya sa sinabi nito. Alam niya na pinapagaan lang din nito ang loob niya dahil naguguluhan na siya.

"Ang hirap noh?"

Tanong sa kanya ni France. Napa tango na lamang siya at napasandal sa dibdib ng kaibigan. Nasa Harap sila noon ng bahay nila at nakaupo kaya kahit sinong makakakita iisipin na may relasyon sila.

"Damn!" napapa mura na lamang siya dahil hindi niya nagugustuhan ang tanawing nakikita. Ang sabi ni Harrold magkaibigan lang sila eh bakit napaka sweet naman yata nila? Lalo siyang napa mura ng halikan ni France sa noo ang dalaga at yumakap naman ito. Nagtatagis ang mga bagang na pinaharurot niya ang sasakyan palayo sa lugar na iyon. Hindi man niya aminin pero may nasaling sa kanyang damdamin at hindi niya maipaliwanag kung ano yun.

"Hello Sir, hindi po muna ako makakapasok ngayon kasi nandito ako ngayon sa hospital."

Sabi niya sa Boss niyang si Harrold.

"Bakit anong nangyari sayo?"

"Si Cade biglang tumaas yung temperature niya kaya isinugod ko na dito sa hospital." Mangiyak ngiyak na sabi niya.

"Ganun ba, sige dadalawin ko mamaya si baby, relax ka lang diyan ha okay?"

Pagpapatahan niya sa dalaga. Hindi lang bilang empleyada niya ang turing niya dito kundi isa ring kaibigan.

"Yes sir, thank you po."

"Okay,sige na Tricia."

Kanina pa siya kinukulit ng kaibigan. Nandito kasi ito sa Office niya ngayon.

"What happened?"

Nagtatakang tanong nito.

"Yung anak ni Tricia nasa hospital ngayon."

"What? Saang hospital at pupuntahan ko!" Agad na tanong niya sa kaibigan. Sinabi naman nito at walang lingon-likod na tinalikuran siya nito. Tignan mo nga naman. Napatawa na lamang siya sa mga kilos ng binata.

Nakaupo siya noon sa labas ng room ng anak ng madatnan siya ni Jacob.

"Jacob?" Nagtatakang tanong niya. Bakit ito nandito? Anong ginagawa niya dito?

"Tricia." Agad na nilapitan niya ito at niyakap. Gumanti rin ito ng yakap.

"What happened baby?" tanong niya ng magsimula itong humikbi.

"Bigla kasing tumaas yung temperature niya tapos nahihilo daw kaya isinugod na namin dito sa hospital."

"Shhhh..relax ka lang, magiging okay din ang anak mo."

Hinalikan siya nito sa noo at niyakap muli. Nang mahimasmasan bigla siyang napahiya dahil nakayakap sa kanya ang binata at nakasandal siya sa dibdib nito.

"Paano mo nalaman na nandito kami sa hospital?"

Tanong niya kay Jacob.

"Nasa office ako ni Harrold kanina nung tumawag ka."

"Ganun ba."

Napatango na lamang ito.

Nang lumabas ang doktor mula sa kwarto ng anak, agad na nilapitan niya ito.

"Kumusta na po yung baby ko?"

"He's okay now misis, medyo bumaba na rin yung temperature niya."

Misis tlaga? baka akala ng doktor asawa niya si Jacob?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height