Trust me again/C2 Strawberry milk
+ Add to Library
Trust me again/C2 Strawberry milk
+ Add to Library

C2 Strawberry milk

Every time na may nababasa o napapanood ako about sa kuya na sweet, maalaga, maalalahanin, napapaisip na lang ako kung babae ba talaga ang kuya ko at tinatago niya lang. Pero malabong mangyari 'yon. Kung ang bida nga sa action movies ay may enemy, siyempre ako rin, ang kuya ko.

Halos lahat ata ng bagay ay pinag-aawayan namin. Kahit hotdog hindi nakalagpas. Naalala ko pa noong bata ako, laging sinasabi sa amin ni lola na magbigayan kaming magkapatid dahil kami lang ang magkakaramay. Pero hanggang ngayon sa ilang bagay lang kami nagbibigayan. Naturingang kuya pero isip bata.

"Ba't ganiyan ka makatingin? 'wag mo 'kong tingnan," sabi ng kuya kong nasa tabi ko, nakaupo kami sa sofa habang hinihintay sila mama sa taas.

"Pakialam mo? Mata mo ba 'to?"

Naiinis pa rin ako sa kaniya, kung ginising niya ako nang maaga kahapon edi sana hindi ako na-warning-an.

Sasagot na sana siya nang makarinig kami ng yabag pababa ng hagdan. Umayos kami ng upo.

"Oh Jem, ito 'yung ibibigay mo sa Ninang Vina mo tapos ito naman sa Ninang Beth mo," Iniabot niya kay kuya ang dalawang folder.

Hinalikan niya kaming dalawa ni kuya sa noo. "Mag-iingat kayong dalawa ah. Jam, uwi agad. Ikaw rin Jem."

Masama pa rin ang timpla ko hangggang sa makarating kami sa kotse, second hand lang ito at hinuhulugan pa namin. Ramdam ko pa mula sa kinauupuan ko ang mga tingin ni kuya sa akin.

"Sorry na. . . Hindi rin ako nagising nang maaga, e, 'wag ka na magalit, sige ka papangit ka niyan." Tumingin ako sa kaniya at bumungad sa 'kin ang nakangiti niyang mukha. Mukha siyang clown.

Hindi ko pa rin siya pinansin. Pinagkrus ko ang dalawang braso ko at tumingin sa harap.

"Ibibili kita ng macaroons!"

Mabilis pa sa tigre ko siyang nilingon, kumikinang ang mga mata. Ang kaninang lukot na mukha ay napalitan ng saya. Pagdating talaga sa pagkain bumibigay ako.

Tumango-tango siya. "Oo nga, dadaan tayo mamaya, maaga pa naman." Tumingin siya sa relo niya at saka sinimulang paandarin ang kotse.

Nakangiti at medyo mabilis akong naglalakad papuntang canteen habang hawak ang binili namin ni kuya. Dahil may macaroons na ako, 'yung favorite drink ko na lang ang kulang. What a perfect combination.

Hindi ito ang unang beses na binilhan ako ni kuya ng macaroons, mas nakakatuwa lang ngayon dahil akala ko masama na ang magiging araw ko.

"Good morning, Ate Tessa! Ganda natin ngayon ah," bati ko kay Ate Tessa.

Namula ang mukha niya at inilagay ang buhok sa gilid ng tainga.

"Napaka-honest mo talagang bata ka!" pabiro niyang hinampas ang braso ko.

"Ako pa!" Nag-apir kami at nagtawanan.

"Strawberry milk ba uli?"

Nakangiting tumango lang ako bilang sagot. Pagkaalis niya ay inilapag ko sa counter ang macaroons ko. Ang cute-cute naman ng pagkakagawa nito, kulay pink pa. Parang ayaw ko tuloy kainin at mas gusto ko na lang gawing collection.

Hindi nawala ang ngiti sa mukha ko nang mailapag ni Ate Tess ang strawberry milk.

"Iyan na, ganda,"nakangiting aniya.

Yumuko ako para kunin ang wallet ko at kumuha ng pera. Medyo bobo ako sa part na 'yon, imbis na maghanda ako ng pambayad habang wala siya ay mas tinuon ko ang atensyon ko sa cute na macaroons na 'to.

"Ito na po 'yong bayad." Iniabot ko kay Ate Tessa ang pera. Natataranta na ito at parang hindi alam ang sasabihin.

"Lagay ko na lang po rito ah,"

Pagkalagay ko sa counter ng bayad ay agad kong hinanap ang strawberry milk ko. Napakunot ang noo ko nang makitang wala ito.

"Sorry, ganda, may bumili na kasi. Nilapag niya 'yong bayad at saka kinuha nang walang pasabi. Hindi ko naman mahabol kasi ang bilis maglakad," paliwanag niya.

Hinawakan ko ang kamay niya nang mapansing nanginginig na ito. "Okay lang, ate, marami pa naman kayong strawberry milk,"

Umiwas siya ng tingin at hindi ako sinagot.

"Ate?"

"Pasensya na pero last na kasi 'yon bukaa pa darating 'yong bago." aniya nang hindi pa rin tumitingin sa akin.

Pumikit ako nang mariin. Kalma, Jam.

"Sige po, kakausapin ko na lang siya. Ano bang itsura?"

"Nakasalamin, mataba tapos maluwag ang damit,"

"Salamat po."

"Pasensya na uli." Tumango ako bilang sagot.

Pagkatapos kong magpaalam sa kaniya ay umalis agad ako para hanapin ang lalaking 'yon. Bibingo na talaga sa 'kin 'yon. Inilibot ko ang paningin ko aa buong cafeteria, nagbabakasakaling makita siya ngunit wala. Sunod kong pinuntahan ang garden pero wala rin siya roon. Isa na lang ang puwede niyang puntahan, ang field.

Napapalakpak ako nang makita siya. Hindi na ako nagulat nang makitang nakapalibot sa kaniya ang mga pagkain. Unti-unti na akong nasasanay I guess. Naglakad ako palapit sa kaniya at umupo sa tabi niya. Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mukha niya ngunit agad ring nawala iyon.

"Hello!" bati ko. Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy ang pagkain.

Pumikit ako at huminga nang malalim. Relax, self. Para sa strawberry milk mo.

"Ahm, ako kasi 'yong naunang bumili ng strawberry milk." Tinuro ko ang inuming nasa tabi niya.

Napasimangot ako nang hawakan niya iyon at mas inilapit sa kaniya.

"What about it?" malamig na sambit niya.

Napalunok ako bago sumagot, need ko ata ng jacket. "Ako kasi nauna riyan, kumukuha lang ako ng pambayad tapos pagtingin ko wala na,"

"Nabayaran mo na ba?"

Damn, ang sexy niya magtagalog. Tumikhim ako at umiling para alisin ang naisip.

"Hindi pa—"

"Then it's not yours," putol niya sa sinasabi ko.

Napaamang ako at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. "What? Bayad man o hindi, ako pa rinang nauna! You shouldn't pay first lalo na't alam mong magbabayad ako!" Hindi ko na napigilan ang inis ko kaya tumaas ang boses ko. Mangangatwiran na nga lang bulok pa.

Ngumiti siya, ngiting nang-aasar kaya mas lalo akong nainis.

"Then?"

"Bibilhin ko na lang 'yan sa 'yo," suhestiyon ko.

"No,"

"Dodoblehin ko,"

"No," tanggi niya uli.

Nagbaba ako ng tingin sa macaroons na nasa hita ko. "Bibigyan kita ng macaroons!" Itinaas ko ang macaroons.

Natigilan siya at kita ko ang pagdadalawang isip sa mata niya. Napangisi ako nang dilaan niya ang pang-ibabang labi niya. Aha! Marupok sa pagkain spotted.

Umayos siya nang upo. "Still a no."

Naibaba ko ang hawak ko. "But, that was mine first!"

"WAS. It's mine now," aniya at ngumisi. Tiningnan ko uli ang strawberry milk kong hawak niya at bagsak ang balikat na tumayo.

Kinagat ko ang labi ko at biglang hinablot ang inuming nasa kamay niya. Nabitawan niya ito ngunit agad na nahawakan uli at hinila mula sa 'kin dahilan pata mabitawan ko iyon.

Kapwa kaming nakatayo at nakatingin sa isa't isa. Mabuti na lang at kami lang ang nasa field.

"What do you think you're doing?"

"Ayaw mong bilhin ko kaya idadaan ko na lang sa dahas!"

"Stop being immature, miss. It's just a strawberry milk." Itinaas pa niya ang hawak niyang strawberry milk.

Tumalim ang tingin ko sa kaniya. How dare he say that! Hindi LANG ang strawberry milk na 'yan. That's my favorite drink since I was a kid.

"Lang? Lang pala edi ibigay mo sa 'kin," hamon ko.

Umiling siya. "No, nagsasayang ka lang ng oras mo. I'll never give this to you, so you better leave," saad niya at muling umupo.

Humigpit ang hawak ko sa plastic ng macaroons at tiningnan siya. Sarap na sarap siyang kumakain ngayon. Parang walang tao sa harapan niya. Sana all.

Dahil nakatayo ako, kita ko ang ibabaw ng ulo niya. Ang sarap kaltukan. Huminga ako nang malalim at umayos ng tayo. Total mukhang hindi ko makukuha sa kaniya ang strawberry milk ko, napagdesisyunan ko na lang na hayaan siya dahil baka tuluyang masira ang araw ko.

Tumalikod ako at naglakad palayo sa kaniya nang masama ang loob.

Hanggang sa lunch ay hindi na bumalik ang mood ko gaya ng kaninang umaga. Ang macaroons na umagahan ko sana ay naisip kong ngayong lunch na lang kainin.

Medyo hindi maganda ang mood ko ngayon tapos dumagdag pa 'tong best friend kong makulit.

"Sobrang nakakakilig din kasi parang gusto niya si Sol A everytime na tumitingin siya sa kaniya," humahagikgik na aniya habang hinahampas-hampas nang mahina ang braso ko.

"Aray!" Sinamaan ko siya ng tingin at dumistansiya sa kaniya.

Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang paglalakad papuntang canteen.

"Sorry na, besplen. Ba't ba kasi ang sungit mo? May dalaw ka ba?" tanong niya at ikinawit ang kamay niya sa braso ko.

Sinamaan ko uli siya ng tingin. Nag-peace sign siya. "Hehe,"

"Pag kilig, kilig lang, walang hampasan," sabi ko at ibinalik ang tingin sa harap.

"Palibhasa walang nagpapakilig sa 'yo," bulong niya pero rinig ko pa rin.

"FYI, baka hindi mo kayanin 'pag sinabi ko sa 'yo kung sino ang nga nagpapakilig sa 'kin," amok ko.

Natahimik siya saglit. Binuksan niya ang palad ko at inilapag ang isang piraso ng krimstix. Tumingin ako sa kaniya at nakita kong nakangisi na siya at nang-aasar din na nakatingin sa akin.

"Imagination mo ang limit." Binelatan niya 'ko at saka tumakbo palayo.

That woman! Pinatunog ko ang magkabilang daliri ko at saka tumakbo para habulin siya.

Hanggang sa makahanap kami ng puwesto sa canteen ay patuloy pa rin kaming nag-aasaran. Hingal kaming napaupo, nagkatitigan at nagtawanan.

I miss this. Isang araw lang siyang nawala but it feels like a year.

"Hindi ka pa rin nagbabago, mabagal ka pa rin tumakbo," asar niya.

"Di mo sure," ani ko at inilabas ang baon ko. Gano'n din siya.

Nakasanayan na namin 'to, simula no'ng senior high school kami ay nagbabaon na kami ng kanin at ulam para tipid. Siksikan pati minsan at nagkakaubusan.

"Ano ulam mo?" Dumukwang siya para silipin ang baunan ko.

Pagkakita niya ay binasa niya ang kaniyang labi.

"Wow! Giniling. Sana all!" she exclaimed.

"Ano ba sa 'yo?"

"Kare-kare lang," kibit-balikat na tugon niya.

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Seriously? Nila-LANG lang niya 'yon. Ang mahal kaya ng ingredients n'on at matagal lutuin. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to. Umiling na lang ako at nagsimula nang kumain.

Napuno ng kuwentuhan at tawanan ang table namin. Kinuwento niya sa 'kin ang nangyari sa kaniya kahapon, nanood lang pala siya ng law school. Kilig na kilig siya at manghang-mangha habang nagkukuwento.

Parang ang bagal ng oras no'n dahil sa dami ng kuwento niya ay may natira pa kaming time. At dahil madaldal siya, ultimo ang ginawa niya habang naliligo ay kinuwento pa niya.

Inilabas ko ang macaroons for dessert. Tuwang-tuwa ang loka.

"So, sino 'yong kausap mo kaninang umaga?" biglang tanong niya.

Kausap? Napatigil ako at napaisip. Nakita niya ba kami no'ng nerd na 'yon?

Pilit akong ngumiti. "'Yon ba? Wala 'yon," tugon ko at saka nagbaba ng tingin.

Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya, baka malaman niyang nagsisinungaling ako. Magaling pa naman 'tong kumilatis.

"Pamilyar siya," sabi niya na nakapagpapukaw ng interes ko.

"Talaga?" agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya.

Pumangalumbaba siya at ngumisi. "Oo, kausap siya nina Adrian no'ng nakaraan. May inabot na papel."

Napaisip ako. Base sa ugali ni Adrian at nerd na 'yon, hindi sila 'yong tipong magkaugali ay magkakasundo.

"Then after a few days nakita ko na naman sila. This time, 'yong nerd na 'yong nag-abot ng papel,"

Sinubukan kong isipin kung ano ba talaga ang ginawa nila pero wala. Maloko si Adrian pati na ang tropa niya at pagdating sa acads, sakto lang.

"Could it be. . ." napaawang ang labi ko matapos sabihin sa kaniya.

She nodded. "Yes, that's why pangalawa si Adrian sa pinakamataas na nakuhang grade sa paggawa ng business plan. Nagpagawa siya." She bit the macaroons.

Hindi naman ako makapaniwalang magagawa iyon ni Adrian lalo na no'ng nerd na 'yon. Ang sungit-sungit, hindi halatang ginagawa niya ang bagay na 'yon.

Kapag nalaman iyon ni sir ay puwede silang masuspinde. Hindi naman sa bawal mag pagawa pero nasa rules ni sir ang sariling gawa dapat. To enhance your skills. Nagbibigay siya ng second chance sa amin para ma-improve pa, sinusulat niya ang errors na dapat pang baguhin.

Like what he said, "It's okay to have a low grade as long as you work hard for it."

Natapos na ang lunch at kailangan na naming maghiwalay ni Claris. Siya ang inatasan ni Sir Lachica na ayusin ang booth for next week while I need to go to cr dahil puputok na ang pantog ko.

Itinali ko ang buhok ko bago maghilamos. Grabe, I feel relieved. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon, parang wala ng yokai na nakadagan sa likod ko.

Nang matapos maghilamos ay hindi ko sinasadyang mapatingin sa salamin. Napatigil ako at nanginginig ang tuhod na napaatras. Unti-unting umawang ang labi ko at hindi maipikit ang aking mata.

Tinuro ko ang salamin gamit ang kaliwang kamay. "B-Bakit. . . Bakit ang cute mo!" sigaw ko at napatakip ng bibig.

"Yuck!"

Napatayo ako nang tuwid at sinundan ang pinanggalingan n'on. Isang babae na sa tingin ko ay mas bata pa sa 'kin. Kumuha siya ng lipstick sa pouch niya. Sana all.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang naglalagay siya. Pulang-pula ang lipstick niya at buong labi ang nilalagyan niya. Hindi ko alam kung paano 'yan kaya pinapanood ko siya. Bukod sa wala akong pambili, mas gugustuhin ko pang ibang bagay na lang ang bilhin.

Humarap siya sa 'kin no'ng tapos na siya. I saw pity in her eyes.

"Kung kailangan mo ng nakakausap nasa Educ building lang ako, room 205. Lidia ang pangalan ko." Lumapit siya sa 'kin at tinapik ang balikat ko. "Alam kong mahirap pero kakatapos mo."

Napahawak ako sa pisngi ko at tiningnan ang sarili sa salamin no'ng makaalis na siya. Nakakahiya. Akala ko'y ako lang ang tao rito, napagkamalan pa akong may dinadamdam dahil sa sinabi ko.

Tss. Bakit hindi na lang sila um-agree. Totoo naman, halatang-halata sa face ko oh.

Naghilamos uli ako para mawala ang init ng mukha ko at para magising na rin sa katotohanan na hindi kami para sa isa't isa ni Baekhyun.

Pagpakasok ko sa classroom ay bigla silang natahimik, tarantang inayos ang kanilang upuan na nakapaikot at ang iba ay bumalik sa tamang upuan.

"Jamara naman! Akala namin si maam," gulat na sambit ni Sergio.

Para silang nabunutan ng tinik sa dibdib nang makilala ako. Kaniya-kaniya rin silang reklamo na ikinatawa ko.

"Pasensya na, mga master, ha."

Nilibot ko ng tingin ang buong room para hanapin si Claris. Napailing na lang ako nang makita siyang nasa dulo, mau suot na earphone at nakatutok ang mata sa cellphone habang nakangiti.

Hanggang sa napunta ang tingin ko kay Adrian na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Hindi ko akalain na magagawa niya 'yon, hindi man siya nag-e-excel sa ibang subject namin pero may ibubuga siya. Alam kong kaya niyang gawin ang business plan without the help of others.

Mukhang naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya kaya tumingin siya sa direksyon ko. Nginitian ko siya para itago ang gulat ko.

"Guwapong-guwapo ka na naman sa 'kin," ngisi niya.

Pabiro ko siyang inirapan. "Kadiri." Sabi ko at saka umalis.

Pagkaupo ko sa tabi ni Claris ay agad kong kinuha ang libro ko. Total hindi papaistorbo 'tong katabi ko at wala pa si ma'am.

Halos lahat kami ay latang-latang lumabas ng room. Katatapos lang ng last subject namin at 2 hours 'yon. Pinakamatagal na 2 hours ng buhay ko.

Nag-groupings kami, recitation, at d-in-iscuss ang project namin sa kaniya. Scrapbook na ang laman ay food inventions. Iisipin ko pa lang ang ilalagay ko ay parang nauubusan na 'ko ng lakas.

"Susunduin ka ba ng kuya mo?" Tanong ni Claris.

"Hindi," sagot ko.

"Maglalakad ka uli?" Tango lang ang sinagot ko sa kaniya.

Sobrang drained ako at hindi ko magawang sumagot, pero kaya ko pang maglakad. Beautiful scenery makes me calm and takes my tiredness away. Kaya kahit malayo, gora lang.

Gusto pa akong samahan ni Claris mag-ikot-ikot kaso ay may gagawin pa raw siya, nakasimangot tuloy siya ngayon.

"Claris ninyo, kawawa," asar ko.

Hinampas niya ang braso ko na ikinatawa ko.

"Madapa ka sana!" she exclaimed.

Binelatan ko siya bilang sagot. Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa, sabay kaming nag-iba ng direksyon.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa mga nadadaanan kong bulaklak. Parang nawala na ang pagod ko.

Ang babango nila at ang gaganda. 'Yong tipong kahit basa ng ulan, maganda pa rin. Ako kasi mukhang basang sisiw.

Naputol ang pagmumuni-muni ko at napakunot ang noo sa narinig. Parang may nagtatalo. Nagpatuloy ako sa paglalakad at pinagsawalang bahala 'yon, baka away magkaibigan lang.

"I won't! Let me go!"

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig. Mukhang hindi na 'yon away magkaibigan lang. Hindi highway ang nilalakaran ko at hindi tin eskinita, sakto lang ang dalawang sasakyan. Pero ngayon ay ako lang mag-isa.

Pumikit ako nang mariin at kinuyom ang mga kamao ko. Kapag may masamang nangyari sa taong 'yon, makokonsensya ako. Dahan-dahan akong naglalakad habang pinapakinggang mabuti kung aaan nanggagaling ang mga boses. Hangggang sa makarating ako sa hindi sobrang sikip na eskinita.

Habang palapit nang palapit ay palakas din nang palakas ang mga tunog. Hanggang sa natanaw ko na sila.

Limang lalaki na may pinapalibutan na sa tingin ko ay biktima nila, lalaki ito base sa suot niyang pants at sapatos. Hawak ng dalawang lalaki ang magkabilang braso ng lalaki. Hindi ko siya makita nang buo dahil natatakpan siya.

Lumapit sa kaniya ang lalaking nasa harapan niya at puwersahang kinuha ang bag niya. Dahil doon ay nakita ko ang mukha niya.

Si nerd!

Hinalughog ng lalaki ang laman ng bag niya. Puro papel at notebook, siyempre hindi mawawala ang pagkain.

"Akin na ang wallet mo." Nilahad ng lalaki ang palad niya sa harap ni nerd.

Hindi siya sumagot na ikinainis no'ng lalaki na sa tingin ko ay leader nila.

"Hubaran 'yan!" utos niya at agad na nagsikilos ang mga kasama niya.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi nakayanan ang sinabi niya kaya sumigaw ako.

"Hoy!"

Napatingin silang lahat sa 'kin. Bumakas ang gulat sa mukha ni nerd pero agad ring napalitan ng hindi ko alam na emosyon.

"A-Anong ginagawa ninyo? Hindi ba kayo tinuruan ng nanay ninyo na masama 'yan?!"

Kahit nanginginig ay nilakasan ko ang loob ko. Nilagay ko sa likod ang kamay ko at palihim na kinuha ang phone ko.

"Pakealam namin. Gusto mo rin manakawan? Hala sige, kapkapan din yan!"

Nanginginig ang tuhod kong napaatras at napapikit nang lumapit ang iba sa akin. Handa na akong spray-an sila nang may bigla kaming narinig na tunog nang sasakyan ng pulis.

"Takbo!" sigaw no'ng leader nila.

Tumingin muna siya sa aming dalawa ni nerd at tinuro kami. "Hindi pa kami tapos sa inyo." aniya at saka kumaripas ng takbo palabas.

Napaluhod ako sa kaba nang makaalis sila. Whoo! Akala ko katapusan ko na.

"What are you doing here?"

Napatingin ako kay nerd. Imbis na sagutin ang tanong niya ay lumapit ako sa kaniya at pinulot ang bag niya.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

Bigla niyang kinuha ang bag niya na ikinagulat ko. Sumama ang tingin niya sa akin.

"Why did you do that?"

"Do what?" kunot-noo kong tanong.

"'Yong kanina, bakit ka nagpakita?"

Lalong kumunot ang noo ko sa tanong niya. Bakit parang ayaw niya? Bakit parang siya pa 'yong galit?

"Siyempre huhubaran ka na nila! Tinulungan lang kita! At saka dumating naman na 'yong mga pulis," sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Itinaas niya ang kamay niya at pinakita sa akin ang cellphone niya. Tunog iyon ng alarm ng pulis.

Isa-isa niyang kinuha ang gamit niyang nasa lapag. "Next time don't meddle with someone business," malamig na aniya at nilampasan ako.

I gritted my teeth as I turned my back on him. "Bakit ikaw pa 'yong galit? Ikaw na nga tinulungan!" Hindi ko na napigilan ang inis ko at nasigawan ko siya. Masyadong ma-attitude.

Huminto siya pero hindi ako tiningnan.

"Mas gugustuhin ko pang mahubaran kaysa tulungan mo. I don't need your help, kid." sambit niya at naglakad palayo. Iniwan akong mag-isa rito.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height