Trust me again/C5 Ceasefire
+ Add to Library
Trust me again/C5 Ceasefire
+ Add to Library

C5 Ceasefire

Nakabusangot na nakayuko ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko sa ibabaw ng hita ko.

"Anong ginagawa mo rito? diba sabi ko 'wag ka muna pumasok dahil baka lalong lumala iyang paa mo?" inis na asik ni Claris, sa tono ng boses niya ay para tuloy siyang nai-stress sa anak.

Nanatili akong nakayuko at hindi na sumagot. Gusto ko lang naman bumawi dahil sa nangyari kahapon kahit hindi niya sabihin alam ko namang nahihirapan siya. Baka nga wala siyang maayos na tulog at kain kakaintindi nitong booth.

"Elmer," tawag niya kay Elmer na nag-aayos ng mga upuan.

"Yes, madam!" ngiting aniya nang makalapit sa amin na ikinatawa ko, ang energetic niya.

Pabirong inirapan ni Claris si Elmer at hinawakan ito sa balikat. "Puwede bang pakihatid si Jam sa bahay nila? Baka kasi mapano," pakiusap niya.

Tututol na sana ako nang may naisip akong plano kaya sa halip na magreklamo ay pinilit ko ang sarili kong ngumiti. Tiniis ko ang sakit ng paa ko para makaligo at makapunta lang dito tapos pauuwiin ako? No way!

Tumango si Elmer nang nakangiti pagkatapos ay nagpaalam na tatapusin na muna niya ang ginagawa niya. Sabay kaming tumango ni Claris senyales na inaprubahan namin iyon.

Tumayo ako at humilig sa balikat niya. "Yiee, love na love mo talaga ako 'no?" Nakatingin at nakangiti ako sa kaniya ng nang-aasar habang sinusundot-sundot ang tagiliran niya.

Bahagya pa siyang napaigtad dahil may kiliti siya roon, napahagikgik ako.

"Tumigil ka nga!" Tinulak niya ang noo ko para mapalayo sa kaniya gamit ang dalawang daliri niya.

"Pupunta ako sa inyo mamaya, mag-uusap tayo."

Imbis na kabahan dahil sa tono ng pananalita niya ay mas na-excite pa ako. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakapupunta sa bahay.

Kumapit ako sa braso niya. "Really?" Abot taingang sambit ko.

"Oo nga, kaya humanda ka," seryosong sabi niya pero nakikita ko ang pagpipigil niya ng ngiti.

"Elmer, tara na dali!" sigaw ko at mabilis na naglakad papunta sa kaniya. Rinig ko pa ang pagtawa ni Claris at pagsabi sa akin nang dahan-dahan lang.

Muli akong humarap sa kaniya at kinawayan siya. I mouthed 'see you later.'

Tango lang ang sinagot niya sa 'kin, dahil doon ay nag-flying kiss ako sa kaniya sabay tawa. Umakto siyang nandidiri na kalaunan ay tumawa rin.

Natigil lang kami sa pag-uusap nang mapansin at maramdaman ko ang presensiya ni Elmer sa likod ko. Nahihiyang ngumiti ako sa kaniya at humingi ng tawad. Marahil para sa kaniya ay dahil iyon sa paghihintay niya pero para sa akin ay para iyon doon sa ka-corny-han namin ni Claris. Sana lang talaga ay hindi niya iyon nakita.

Kumaway pa uli ako kay Claris, nakisabay na rin si Elmer at tuluyan nang umalis.

Nang nasa park na kami ay hindi ko maiwasang magtingin-tingin sa paligid na parang inaakit ako. Ang mabagal na lakad ko ay mas bumagal pa hanggang sa huminto na ako. Huminto rin siya at nagtatakang tumingin sa 'kin. Dumukot ako sa bulsa ng pantalon ko ng barya at binigay iyon sa kaniya na agad naman niyang tinanggap, bakas pa rin ang pagtataka.

"Sampung piso? Anong gagawin ko rito?" tanong niya, pabalik-balik ang tingin sa akin at sa sampung pisong hawak niya.

"Pang-almusal mo,"

Mas lalo pang kumunot ang noo niya, litong-lito na. Gustuhin ko mang makita pa ang gano'ng reaksiyon niya nang matagal pero mukhang hindi ko na matutuloy pa. Sa gano'ng mukha pa lang ay tawang-tawa na ako paano pa kaya kung lalong kumunot iyon?

Hindi ko rin alam kung paano ako nakakapagpigil na hindi tumawa.

"Balik ka na sa school tapos sabihin mo naihatid mo na ako," pigil na tawang paliwanag ko.

"Eh paano ka? Hindi pa naman kita naihahatid ah,"

Napakamot ako sa ulo ko. Aish! Bakit ba hindi niya gets?

"Dito lang ako, magtitingin-tingin lang kaya bumalik ka na ro'n pero sabihin mong naihatid mo na ako. Gets na?"

"Ahhh," Nakadiretso ang tingin na sabi niya. Kapagkuwan ay dahan-dahan siyang tumango at unti-unting tumawa na parag naintindihan na niya ang sinabi ko.

Nakahinga ako nang maluwag. Sa wakas!

Nakangiti lang kaming nakatingin sa isa't isa, naghihintay kung sino ang unang tatalikod para umalis pero hindi pala. Bigla na lang niyang inilahad ang kamay niya sa harapan ko.

Anong gagawin ko riyan?

"Sampung piso lang, dagdagan mo naman," nguso niya.

Napairap ako at dumukot sa kabilang bulsa ko. Iyon lang pala, akala ko hinihintay niya akong umaliis. Tss.

Nakangiti niyang tinanggap ang baryang nakuha ko sa bulsa ko. Swerte niya meron pa.

"Ayown!"

"Sige na, shoo! shoo!" Sinenyas ko ang kamay ko na umalis na siya.

Pagkalipas ng isang minuto ay hindi pa rin siya umaalis, "Magdahan-dahan kang maglakad ah, baka lumala iyang paa mo." Napangiti ako nang marinig ang sinabi niya. Akala ko kulang pa yung binigay ko sa kaniya, e.

"Yes, father!" Sumaludo ako at pareho kaming natawa.

Tinapik pa niya ang ulo ko bago siya tuluyang umalis. Hinintay ko munang mawaa siya sa paningin ko bago ako nagdesisyon na umalis.

Sa playground na lang siguro ako tatambay, paniguradong marami pang bata roon na pinapasyal ng parents nila. I don't know why but I really love kids around. Ang sarap pakinggan at tingnan ang mukha nila kapag tumatawa lalo na kapag umiiyak pero hindi ako nagpapaiyak ah, mabait ako.

Habang papunta sa playground ay nakita ko ang iilang bata na nagtatakbuhan papunta sa direksiyon ko. Kunot-noo ko silang sinundan ng tingin, hindi mawala-wala ang pagbungisngis at bulungan nila. Nasaan na kaya yung mga bantay ng mga batang 'yon? baka mamaya kung ano pang mangyari sa kanila.

Ipinilig ko na lamang ang ulo ko saka nagpatuloy sa paglalakad. Kung hindi ko ma-eenjoy ang foundation day edi dito na lang ako sa playground mag-eenjoy.

Napangiti ako sa excitement.

Pagkarating sa playground ay napawi ang ngiti ko nang makitang walang ibang tao maliban sa 'kin.

Akala ko...

Bumuntong hininga ako at saka umupo sa duyan, dito na lang muna siguro ako 'mag-eenjoy'

Ilang minuto nang maupo ako ay biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa balat nang may marinig akong... ungol?

Tinakpan ko ang bibig ko habang dahan-dahang tumayo, nag-iingat na hindi makagawa ng anumang ingay. Sinundan ko ang pinanggagalingan n'on at habang palapit ako nang palapit ay palakas din nang palakas ang naririnig ko.

Alam kong malaki ang chance na may gumagawa ng milagro pero hindi ko mapigilan ang inner marites ko.

Nakarating na ako sa slide at alam kong sa likod noon nangyayari ang naririnig ko. Huminga muna ako nang malalim at hinanda ang sarili ko sa makikita ko. Take note, hindi pa rin nawawala ang tunog.

One, Two, Three!

"Anong ginagawa ninyo?!"

Panggugulat ko kasabay ng panlalaki ng mata ko nang makita kung sino ang naroon at kung ano ang nangyayari.

Si FIL! Naipit sa monkey bar!

"Damn," rinig kong singhap niya at mas ginalaw-galaw ang paa niya.Napatayo ako nang tuwid nang ma-realize kung ano ang nagyayari sa kaniya. Parang bigla akong nag-switch into panic mode dahil namalayan ko na lang ang sarili ko na tumatakbo palapit sa kaniya at hinihila ang magkabilang paa niya.

"Don't! lalo mo 'kong iniipit!" sigaw nia kaya lalo akong nataranta.

Bigla kong binitawan ang paa niya. "Sorry sorry, hindi ko alam!" natatarantang sigaw ko habang iniikot ang paningin para humanap ng puwedeng makatulong.

"Diyos ko pa'no ba 'to?" kabadong bulong ko, pinagpapawisan na rin ang magkabilang palad ko.

"Here, pull my arms,"

Nagmamadali akong nagtungo sa harapan niya. Nang mahawakan ko na ang kamay niya ay napatingin ako sa kaniyang mukha, natigilan ako at napaawang nang kaunti ang labi.

Bakit ba sa ganitong sitwasyon kami laging nagkikita ni Ali?

"Why are you still standing there?! Help me!" sigaw niya.

Agad kong winaksi ang anumang naiisip ko at mas nagfocus sa sitwasyon namin ngayon. Bumalik na naman ang taranta ko.

Sa tuwing napapatingin ako sa kaniya ay hindi ko maisip kung gaano 'to kahirap para sa kaniya. Pawis na pawis na ang kaniyang mukha at namumula.

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya at buong puwersa itong hinila. Napapasabay na rin ako sa bawat pagdaing niya at nagsimula na rin akong pagpawisan. Baka nga mukhang natatae ang itsura ko ngayon.

"Last na, brace youself," hingal na bulong ko. Ibibigay ko na talaga ang buong lakas ko. "1, 2, 3!" bilang ko sabay hila sa kaniya.

Sa sobrang lakas ng pagkakahila ko at napasalampak kami sa lupa, preho kaming hinihingal at pawis. Bigla na lang akong napangiwi nang maramdaman ang kirot sa paa ko. My god, nawala sa isip ko ang paa ko, kung paano ko nagawang hilahin si Ali ay hindi ko rin alam. Himala na lang din na hindi ko naramdaman na may pilay pala ako kanina.

"What happened?" Napatingin ako kay Ali nang magtanong siya. Nagpapagpag siya ng damit niya pero nakaupo pa rin.

"I should be the one who ask you that. Anong nangyari at naipit ka riyan?" Tinuro ko ang gilid ng monkey bar kung saan siya naipit.

"Is your feet okay?" pag-iwas niya sa tanong ko.

Hindi ko na inulit dahil mukhang wala siyang balak sabihin sa 'kin. Hindi ko na rin siya sinagot at tinuon na lang ang pansin sa paa ko, naaaninag ko pa siya sa peripheral vision ko na pilit inaaninag ang paa ko. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko pa nailalapag ang paa kong may pilay nang matumba ako. Napapikit ako sa kirot. Kung alam ko lang na may impact yung pagbagsak ko edi sana hindi ko na sinubukan.

"Let me help you," rinig kong sabi niya, ramdam ko ang presensiya niya sa likod ko.

Kinakabahan man at gulat sa naging akto niya ay maingat ko siyang nilingon, siyempre hindi ko hahayaang makita niya ang emosyong meron ako.

First time ata naming magkaroon ng maayos na usapan at siya pa ang nag-initiate. Oo maayos na 'to sa 'kin dahil compare sa nagdaang usapan namin, ito lang ata ang walang inisan.

Hindi pa ako nakakasagot nang yumukod siya at marahang hinawakan ang kamay ko para ilagay sa balikat niya. This time hindi ko na napigilan ang pagkagulat ko, bigla na ring bumilis ang tibok ng puso ko na animo'y may nagkakarerahan sa loob. Hindi ako makapagsalita at ultimo pag-alis ng titig sa mukha niyang mas makinis pa sa mukha ko ay hindi ko magawa.

And his eyes... napakaganda. Parang may mundo sa loob no'n.

Libo-libong boltahe naman ang naramdaman ko nang hawakan niya ang bewang ko, para akong nakuryente. I don't know why I can't move, nakatitig lang ako sa kaniya habang hinayaan siyang gawiin sa 'kin 'to.

Iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniyya nang maibaba niya ako. Masyadoata akong nag-enjoy sa mga bisig niya at hindi ko man lang naramdaman na nakababa na pala ako. Sana lang ay hindi niya nahalata.

"Thank you." Halos walang tunog na sabi ko.

Tumikhim ako, nakakatuyo pala ng lalamunan 'to.

"Let's sit, let me check your feet." he said.

"Why are you doing this? Bakit ang bait mo sa 'kin ngayon?" Muli kong tinitigan ang mukha niya.

Gaya ng lagi niyang ginagawa, umiwas siya nang tingin at pinagpag ang pantalon niya. Sus, kunwari pang nagpapagpag, e, ang linis-linis pa.

"I'm not, let's go,"

Nagkibit balikat na lang akong tumalikod sa kaniya, naunang maglakad. Maingat akong umupo para hindi magalaw ang paa ko at sumakit. Hindi naman siguro ako lagot kay Claris nito no? Para kasing lumala hehe.

Pagkalipas ng ilang segundo ay hindi ko pa rin nararamdaman ang presensiya niya sa tabi ko kaya nilingon ko siya. Sa muling pagkakataon ay nagkasalubong na naman ang aming tingin. Lagi na lang ganito pero okay lang, nakaka-relax naman ang mga mata niya.

"I'll be back, i will just buy something."

Sa wakas ay nagsalita na siya pero hindi ko inaasahang ganito ang sasabihin niya. Ano? iiwan niya ako mag-isa rito?

Gusto kong tanungin kung saan siya bibili at anong bibilhin niya ngunit bago ko pa maibuka ang labi ko ay nakatakbo na siya palayo.

Sana lang ay balikan niya ako rito, dahil kung hindi ay lagot talaga siya sa 'kin. Baka hindi niya alam e master ako sa panonood ng taekwondo.

Makalipas ang ilang minuto pero wala pa rin siya. Pinaglalaruan ba niya ako? Baka mamaya tunatawa na 'yon habang tinatanaw ako sa malayo o baka pgbalik niya lalaki ulo niya kasi naghintay ako.

Sa huli ay naisipan kong maghintay ng dalawang minuto, kapag hindi siya dumating sa oras na 'yan ay aalis na ako.

May parte sa 'kin na hinihiling bumalik siya pero may part sa 'kin na hindi dahil sa mga nararamdaman ko sa kaniya lately. Alam ko namang normal lang 'to pero hindi kasi ako komportable.

Natapos na ang dalawang minuto ngunit wala pa ring Ali na dumating. Sa pagsukbit ko ng bag ko sa balikat ko ay hindi ko namalayang nakasimangot na pala ako. Ba't parang ang bigat? Tss. Shinake-shake ko ang ulo ko para mawala ang anumang naiisip ko.

Saktong pagkatayo ko ay napansin kong may paparating dito.

Bumalik siya...

Mabilis at malalaki ang hakbang niya, may bitbit rin siya sa magkabilaang kamay niya pero hindi ko na maaninag. Nang makalapit siya sa 'kin ay sapat na para makita ko ang mga iyon. Ice cream and bandage...

"Where are you going?" he asked.

"Uuwi na sana," mahinang sabi ko habang nakayuko. Hindi ko kaya ang mga tingin niya. Parang siya pa itong galit, kasalanan ko bang may trust issues ako sa kaniya.

"I told you to wait for me, didn't I?"

Psh, napakasungit. Nanatiling nasa baba ang tingin ko and this time, pinaglalaruan ko na ang mga bato.

"Here." Inilagay niya sa harap ko ang isang ice cream.

Sa halip na kunin ay tinitigan ko lang ito. Take note, strawberry flavor siya. Inangat ko siya ng tingin, nagtatanong.

"You don't want?" tanong niya at sinulyapan ang hawak.

Dahil sa sinabi niya ay dali-dali ko itong kinuha. " Sinong nagsabi?" mabilis din na ani ko.

Tumaas ang sulok ng labi niya kaya napapikit ako sa hiya. Nako, Jam! Pagdating talaga sa pagkain.

Pagdilat ko ay nakaupo na siya sa harap ko at umastang hahawakan ang paa ko.

He tilted his head. "Can I?" he asked for permission.

"H-ha? oo!"

Sa sobrang pagkataranta ko ay pumayag ako kahit hindi ko alam ang gagawin niya. I mean, okay naman yung pakikitungo niya sa 'kin simula kanina so wala naman dapat akong ikabahala... no?

Maingat niyang inalis ang sapatos ko pagkatapos ay nilabas ang bandage sa plastic. Siyempre sa akto niya ngayn ay alam ko na ang gagawin niya hindi ko lang maiwasang mapapitlag nang hawakan niya ang paa ko. Wala naman siguro siyang balak putulin 'to no?

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya nang simulan niyang hilutin ang paa ko. And for the nth time, muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Puno iyon ng pag-iingat, animo'y babasagin ang paa ko at kung hawakan niya ito ay mababasag anumang oras.

Hanggang sa matapos siya ay nakatulala lang ako sa kaniya. Parang ibang Ali ang kaharap ko. Una, hindi niya ako sinungitan no'ng tulungan ko siya. Pangalawa, binigyan niya ako ng ice cream. Lastly, siya naman ang tumulong sa 'kin ngayon without me asking for it.

"Salamat," tipid ko siyang nginitian. "Pati sa ice cream, magkano pala?" habol ko.

He wavved his hands while shaking his head. "No, its' free." he said, smiling. Reason for his dimple in his right cheek to show.

Cute.

"May binabalak ka ba?" Pinanliitan ko siya ng mata.

Bumakas ang pagkalito sa mukha niy na mas lalo pang lumala sa sinabi ko.

"Ang bait mo kasi sa 'kin ngayon, sabihin mo lang kung may binabalak ka para naman makapag-ready ako."

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa itsura niya. He looks like a lost puppy.

"Why would I do that?" aniya at inayos ang pagkakasabit ng bag niya sa balikat niya.

Daig pa niya ang may amnesia, hindi ko alam kung nagmamaang-maangan lang siya sa meron saming dalawa o wala siyang pakialam at ako lang ang nagbibigay ng meaning doon.

Hindi na ako sumagot, sa halip ay tumayo ako at pilit na nginitian siya. "Una na ako, baka hinahnanap na ako sa 'min. Salamat uli."

Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang pagtawag niya sa 'kin. "Where do you live? I'll come with you." aniya pagkaharap na pagkaharap ko.

Natutop ko ang bibig ko at unti-unti siyang pinanliitan ng mata.

"May balak ka talaga no? Siguro pagtitripan mo ako bukas!" asik ko.

Medyo tanggap ko pa yung ginawa niya kanina dahil parang pasasalamat na rin pero yung may pahatid-hatid, nakapagtataka na.

Bumuntong hininga siya na parang ang bigat-bigat nang nararamdaman niya.

"Wala nga, I'm just concern to your feet, baka lalong lumala and also to thank you for helping me earlier."

Ilang beses na siyang nagtatagalog but hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha sa boses niya.

"Let's go." sambit niya at nauna pa sa aking maglakad.

Siya pa 'tong nauna e hindi pa nga ako sumasagot.

Wala kaming imik sa isa't isa habang patuloy na naglalakad. Diretso lang ang tingin niya samantalang ako ay pasulyap-sulyap sa kaniya. Hindi ko alam kung napapansin ba niya ang pagtingin ko pero hindi pa naman niya ako nahuhuli kaya okay lang. Sobrang seryoso rin niya ngayon gaya no'ng unang pagkakakita ko sa kaniya, parang pasan-pasan niya ang mundo.

Biglang pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha niya kanina, I want to see that smile again. Yung genuine, parang may nag-uudyok na gawin iyon sa kaniya.

Huminto ako nang matanaw ang kanto ng subdivision namin.

"Dito na lang ako," sinalubong ko ng ngiti ang tingin niya.

"You sure you'll be okay?" he asked, there's a hint of worry in his voice.

"Yes, thank you uli nang marami." I gave my best smile.

Sagliy siyang natulala kalaunan ay napayuko.

"Jamira." tawag niya. "Thank you and I'm sorry." sinserong aniya na may kasamang ngiti, labas ang ngipin at lumilitaw ang biloy sa kanang pisngi.

Parang huminto ang mundo ko at hindi maiproseso ang nangyari, paulit-ulit na nagrereply ang ngiti niya sa utak ko.

At hindi pa ako nakaka-recover nang tumalikod siya at nagsimulang maglakad.

I shook my head habang tinatanaw ang bulto niyang papalayo. Pagkatapos ay naglakad na rin pauwi nang may ngiti sa labi.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height