+ Add to Library
+ Add to Library

C8 Ken

"Ah basta naiinis ako sa kanila," maktol ko habang kumakain ng chips at nakadikit sa tenga ko ang phone.

"Kanino ka ba kasi naiinis? kanina ka pa paulit ulit." Napatawa ako sa isip ko nang marinig ang tono ng boses ni Ali parang gusto na niya kong tirisin dahil hindi niya ako maintindihan.

He's being grumpy again, pero sanay naman na ako. Hindi siya si Ali kung hindi siya grumpy.

"Sa binabasa kong libro, kasi ang chu-choosy nila mahal naman ang isa't isa tapos ang daming excuse hindi na lang manligaw at sumugal daig pa nila yung 12 years old na naghahanap ng true love sa Facebook" tuloy-tuloy na sabi ko.

"What?! You're talking too fast. I can't understand." Kahit hindi ko pa siya nakikita ay naiimagine ko na nakakunot ang noo niya ngayon.

"Sabi ko, ang ganda ko," pagbibiro ko.

Kahit na naiinis siya ay patuloy ko pa rin siyang inaasar. Hindi ko na napigilan ang tawa ko nang marinig ko siyang bumubulong sa naiinis na tono.

"Bagalan mo lang kasi!"

"Sa panahon ngayon internet connection na lang ang mabagal." Tumawa ako nang malakas.

"Bahala ka riyan." Nang maramdaman ko na nawawalan na siya ng pasensyang makipagusap sa akin ay itinigil ko muna ang pantitrip sa kanya.

Ang sarap niyang asarin.

"Eto na uulitin ko na po." I said in a sarcastic tone.

"I was saying po na bakit hindi na lang sumugal sila kuya tutal naman ay mahal nila ang isa't isa?" mabagal na ang pagkakasabi ko this time.

"Jamara, usapang love iyon at hindi tong its na maglalapag ka lang ay tapos na. Hindi porke mahal nila ang isa't isa ay susugal na sila, hindi lang ang feelings ang kailangan sa isang relasyon. When it comes to love, hindi lang puso at nararamdaman ang paiiralin dapat ay utak at isip din. Palibhasa'y NBSB ka."

Mapapangiti na sana ako sa sinabi niya nang dinagdag pa niya yung panghuli. Hindi naman kailangan sabihin 'yon ah. Napasimangot ako.

"Maka NBSB 'to, I'm reserving myself kasi. Siyempre kahit ganito ako I deserve the best, handsome, with abs, smart, and sweet man," ngiting ani ko habang nakatingin sa kisame animo'y nagde-daydream.

Lumipas ang ilang segundo ay hindi pa siya umiimik.

Anong nangyari do'n?

"Ali?" nang di na siya nakaimik ay nagtanong ulit ko pero hindi pa rin siya umimik.

May nasabi ba akong masama?

"Ah, ibababa ko muna 'to mukang busy ka hehe." Pilit akong tumawa at binaba ang phone ko.

Paulit-ulit kong ni-rewind sa isip ko ang naging usapan namin kanina. Hindi ko pa man alam kung bakit siya nagkaganon ay nalulungkot na ako.

Parang kanina lang ay ang saya ng usapan namin kahit na ang bilis niya mapikon, but it's okay at leasat may improvement. Nakakatawa na rin siya pero minsan ay wala siyang reaksiyon pero alam ko namang nakikinig sa kung anumang kalokohan ko.

Napagdesisyunan kong bumaba na lang at kumain para di ko muna maisip si Ali.

Napabuntong hininga na lang ako at kinain ang cake na binili ni kuya kanina bago magtanghalian. Pinuntahan niya ngayon 'yung babaeng nagugustuhan niya, nagkaproblema raw at kailangan siya. Nagulat pa ako dahil ngayon lang niya binanggit sa 'kin 'yon, pustahan hindi pa alam nila Mama at Papa.

Patuloy lang ako sa pagkain ng cake nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na tinignan ang caller at basta ko na lang itong sinagot.

"The number you have dialed is out of coverage area please try to call later."

"Pft," akmang ibababa ko na nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon.

Sumimangot ako, pagkatapos niya kong hindi kausapin ay kakausapin niya ko ngayon. Ha! manigas siya! kahit purihin niya pa ang boses ko kanina hinding hindi ko siya kakausapin.

"You're good. You really sound like her." I heard amusement in his voice.

"Maliit na bagay," napatigil ako sa pagkain nang marealize kung ano ang sinabi ko.

Ay marupok! kasasabi ko lang, e.

"Hey, I'm sorry if i didn't respond to you earlier. Something came up." He apologized.

"Okay." I shrugged my shoulder at nagpatuloy sa pagkain. Ayaw ko kasing nai-istorbo ako kapag kumakain ako ng cake.

"Kumakain ka na naman?!" gulat na tanong ko nang marinig ko ang tunog ng kutsara't tinidor.

"Yeah,"

Seriously? Wala pang 2 hours kami magkausap tapos nakaupo lang kami, anong nakakagutom do'n?

"Pero kakakain mo lang kanina, grabe ka naman may bulate ba 'yang tiyan mo?" Tumawa siya.

"You're eating too.,"

"Cake naman 'to, e yung sayo? kanin."

"Natural, nakakain ba ang kape?" nakakunot na ang noo ko habang kumakain.

Pakiramdaman ko ay bumabawi siya sa akin dahil sa pang-aasar ko sa kanya kanina at ngayon ay pinipilosopo niya ako.

"Whatever." Umirap ako at tumayo para kumuha ng tubig sa ref. Umaandar na naman ang pagkamataray ko.

"Just kidding." Tumawa siya nang malakas at kumain ulit base na rin sa narinig kong tunog.

"Btw, ikaw lang tao sa inyo?" tanong niya.

"Don't talk when your mouth is full," sabi ko sa kanya nang magtanong siya sa 'kin nang puno ng pagkain ang bibig buti na lang ay naintindihan ko.

Uminom siya ng tubig "I'm sorry."

"Wala parents ko nasa trabaho si kuya naman kasama yung nagugustuhan niya," pagpapaliwanag ko pagkatapos ay uminom ng tubig.

"Ah, I thought you're wit someone. Then who's in your window?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang tanong niya agad kong binitawan ang baso at lumingon sa bintana. Nang makitang wala namang kakaiba ay nakahinga ako nang maluwag. Takot pa naman ako sa multo.

"Bwisit ka!" sigaw ko at tumawa lang siya nang malakas.

"Malay ko–" huminto siya at naghabol ng hininga

"Bang takot ka pala sa multo." Tawa pa rin siya nang tawa at palakas din iyon nang palakas.

Sa sobrang inis ko ay pinutol ko ang tawag at pinower off ang cellphone ko.

Tama bang pagtawanan ako? paano kung meron nga akong nakita? mag isa pa naman ako dito.

Napatalon ako nang marinig kong may kumatok. Kasasabi ko lang na takot ako sa multo may nagpaparamdam na kaagad. Kasalanan 'to ni Ali hindi ko talaga siya papansinin.

Nataranta na ako nang sunod sunod itong kumatok.

"Jamara, buksa mo 'tong pinto!"

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses ni kuya.

"Bakit ang tagal mong buksan? may tinatago ka ba?" nanliliit ang mga mata niyang nakatitig sa 'kin.

Umiling ako agad. "Wala kuya! akala ko kasi kung sino, you know hehe," palusot ko.

"Siguraduhin mo lang," pagkasabi niya no'n ay tumalikod siya at pumunta sa kusina.

"Kumusta? Anong napag-usapan niyo? kayo na ba? Sinagot ka na niya? Pinakilala ka na ba kila tito at tita?" sunod-sunod na tanong ko habang inaantay siyang matapos uminom ng tubig.

Pinitik niya ang noo ko. "Chismosa ka talaga,"

"Kuya naman! ano nga?" asik ko habang hawak ang noo kong pinitik niya.

Bigla siyang ngumiti ng abot tenga at namula kumikislap din ang mga mata niya. Mukang good news ah.

Sinundot-sundot ko siya sa tagiliran.

"Yieee si kuya may love life na yieee," hindi naman niya ako pinipigilan sa pagsundot at pang-aasar sa kanya sa halip ay tumatawa pa siya.

"We decided to take it slowly,"

Napatili ako samantalang siya ay lalong lumawak ang ngiti.

Kahit na hindi pa sila ay masaya pa rin ako kasi masaya si kuya at ng taong nagugustuhan niya, doon din naman ang punta nila.

"Yes! hindi ka na mamamatay ng virgin!" sigaw ko at sumuntok suntok pa sa hangin.

"Aray!" daing ko nang batukan ako ni kuya.

"Ikaw ha, kung ano anong pinagsasabi mo," namumulang sabi ni kuya.

Nagbibiro lang naman ako malay ko bang totoo.

"Joke lang."

"Umakyat ka muna sa kwarto mo bibili lang ako ng meryenda natin." Tumango ako tas patakbong umakyat sa kwarto ko.

Binato ko ang sarili ko sa kama at binuksan ang phone ko, naglaro ako ng subway surf. Porke lumalakas na loob niya ngayon may gana na siyang takutin ako. Hmp, pakibalik na lang ng dating Ali, please. Joke.

Nakatitig lang ako sa kisame kahit ilang minuto nang tumutunog ang cellphone ko.

Manigas siya riyan kakatawag. Ilang beses pang nag-ring ang cellphone ko at hindi ko rin napigilan ang sarli ko kaya sinagot ko na ang tawag.

"Don't be mad. I'm just joking, hindi ko naman alam na matatakutin ka pala,"

Huminga ako nang malalim ay pilit na pinpakalma ang sarili.

"Ililibre kita ng macaroons!" He shouted. Base sa tono ng boses niya ay handa siyang gawin ang lahat magkabati lang kami.

Hindi ko alam na may ganitong side pala siya. He amazed me every day.

"Promise?" pagkumpirma ko.

"Promise,"

"So hindi ka na galit?" tanong niya.

Napatawa ako nang marinig ang tuwa sa boses niya.

Oh god, how can i resist this cute guy?

"Opo." Tumango-tango pa ako kahit hindi naman niya nakikita.

Napabuga siya ng hangin na para bang nabunutan ng tinik sa dibdib. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kanya dahil parang pagod na pagod siyang i-handle ako.

"Don't you dare to snob me again." Napakagat ako sa labi ko nang marinig ko ang pagbabanta sa boses niya.

Okay, the grumpy Ali is back.

Nakatitig lang ako sa kisame ng room ko habang binabalikan ang mga araw na kaibigan ko na si Ali. I don;t know why but it feels great. Si Ali ang unang boy bestfriend ko at sobrang komportable na ako sa kaniya.

Noong mga unang araw ay medyo mailap pa siya at talagang pinaghihirapan ko pa para kausapin at makitawa siya sa 'kin, but now, siya na mismo ang nang-aasar at nag-iinitiate ng conversation. Minsan nga ay nagugulat na lang ako at mapapaisip kung ito ba talaga si Ali.

Sa school naman ay kapag may free time siya ay kasama namin siya nila Claris kumain, they knew that I'm friends with him and they're okay with it. Hindi lang maiwasan na asarin minsan.

Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang aking phone. Kumunot ang noo ko nang mabasa kung kanino galing iyon, ang vp ng student council na classmate ko. Kahapon ay kasama ko siya dahil nagpatulong siya sa 'kin na bumili ng gamit nila for group project. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinext ng ganito. Anong kailangan niya sa 'kin?

From: VP Ken

Let's meet tomorrow, I have something to tell you.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height