Trust me again/C9 Friendly date?
+ Add to Library
Trust me again/C9 Friendly date?
+ Add to Library

C9 Friendly date?

Magkakrus ang dalawang braso ni kuya habang taas-babang nakatingin kay Ali. Kanina pa siya ganiyan, ewan ko ba kung bakit hindi siya nahihilo. Napatingin sa kaniya si Ali at maangas niya itong tinanguan kaya siniko ko si kuya.

"Kuya!" bulong ko.

Lumabas si mama mula sa kusina dala ang isang baso ng juice at palabok. Abot tainga ang ngiti nito at panay asikaso kay Ali. Sumunod na rin si Papa, seryoso lang ang mukha niya ngunit hindi gaya ng kay kuya na parang nanghahamon ng away.

"Bagong kaibigan ka ba ni Jammy?" malambing na tanong ni mama habang binibigay ang isang baso ng juice kay Ali.

Pasimple pa munang tumingin sa 'kin si Ali bago kunin at inumin. Sa tingin ko ay nahihiya siya kahit na walang reaksyon ang mukha niya. Tatlo ba naman ang nakatingin sa kaniya, e.

"Ah yes po. May usapan po kasi kami ni Jam ngayon kaya po sinundo ko siya." Tumingin siya sa akin at ginalaw-gilaw ang mata niya, may sinesenyas.

Agad akong umayos nang tayo at mas lumapit kila Mama. "Opo, sorry po hindi ko nasabi sa inyo medyo busy kasi sa school works hehe," pilit na ngiting sambit ko. Hindi naman siguro halatang nagpapalusot lang ako, ’no?

"Basta iuuwi mo ang anak ko bago magdilim at buo ah?" singit ni Papa. Malalim at seryoso ang boses niya, hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang paglunok ni Ali.

"Opo."

Nagpaalam na kami ni Ali sa kanila, pinabaunan pa kami ni Mama ng palabok and guess what? Mas marami ang binigay niya kay Ali kaysa sa ’kin. Parang hindi pamilya.

"Pasalamat ka may lakad ako ngayon. Sa susunod tayo magtutuos." Maangas na sabi ni kuya at dinuro pa ang mata niya sa mata ni Ali gamit ang dalawang daliri.

Kinurot ko si kuya sa tagiliran at pinanlakihan ng mata.

"Kuya!" I hissed.

Inirapan lang ako ni Kuya at sumenyas na 'I'm watching you' Tss. Corny.

Nang makalabas kami ni Ali ay agad niya akong sinamaan ng tingin. Napaamang ako. Anong ginawa ko? Bakit ganiyan siya makatingin?

"You said you're parents are already in work by 8 'o clock?" Nakapameywang na tanong niya. Nandoon pa rin ang tingin niyang animo'y tumatagos sa kaluluwa ko.

"Oo nga,"

"Then what's that?"

"S-Sorry, hindi ko naman alam na late sila papasok ngayon," nakangusong pagpapaumanhin ko. Ginawa ko na rin ang pagpapa-cute ko sa tuwing nagagalit sa akin si kuya: puppy eyes and pouted lips.

At parang wala lang iyon sa kaniya. Walang sabi-sabi siyang pumasok sa kotse niya. Samantalang ako ay nanatiling nakatayo rito. Nakakahiya naman kung papasok ako ng hindi niya ko pinapapasok. Ilang segundo pagkapasok niya ay bumukas ang bintana ng kotse sa side ko.

Dumungaw siya at binuksan ang pintuan ng kotse

"Come in." masungit na sabi niya.

Dali dali akong pumasok at nagsuot ng seatbelt, pagkatapos ay tumingin ako sa kanya na seryoso ag tingin sa harapan. Bumuntong hininga ako.

"Sorry na." Kinalabit ko siya at nag-puppy eyes, tinignan niya ako pero saglit lang at tumingin ulit sa harapan.

Ang hirap naman suyuin nito baka naman kailangan ko pa siyang bigyan ng pagkain bilang peace offering. Kalalaking tao tampururot at pikon pero kapag siya ang nangaasar ay tuwang tuwa.

"Where do you want to go?" tanong niya.

"Saka ko na sasabihin kapag hindi ka na galit,"

"Saan nga?"

"Sinabi ko na." Pinagkrus ko ang mga braso ko.

Bumuntong hininga siya. "Fine. Hindi na ko galit," pagsuko niya pero hindi ko pa rin sinabi dahil tunog napipilitan lang siya.

Nanatili akong tahimik kahit gustong gusto ko nang magsalita, kahit gustong-gusto ko nang sabihin kung saan ko gusto pumunta kaya lang masyadong choosy si Ali, ang galing mantiis.

"Ako pa magsosorry ngayon, huh?" natatawang aniya.

Napatawa ako sa isip ko dahil sa sinabi niya. Tama! ako ang nagsosorry kanina at siya naman ang hindi namamansin tapos ngayon ay baliktad na ang nangyari. Mga babae talaga.

"Hindi na ko galit, saan mo gustong pumunta?" nasa normal na ang tono niya kaya agad ko siyang nilingon dahil sa tingin ko ay hindi na nga siya galit. Ang bilis din magbago ng mood nito, pinahirapan pa 'ko

"Akala ko ba mayroon na?"

"Malay ko bang may gusto ka pang puntahan," sarkastikong aniya.

"Wala na." Umiling ako.

Bigla siyang napatingin sa akin ngunit agad ring binalik ang tingin sa daan.

"Eh, ano yung kanina?" nanliit ang mga mata niya.

"Ah hehe. Izza praankk!" Tumawa ako nang pilit at winagayway ang kamay ko. Pagkatapos ay nahihiyang napakamot ng ulo dahil sa inasal ko. Medyo nakakahiya ako roon ah.

Ito na naman ang buntong hininga niya na parang hirap na hirap na i-handle ako.

"I guess, I need to get ready for your pranks huh?" Ali chuckled.

Hindi na ako sumagot pa at binaling na lang ang tingin sa labas ng bintana. Kailangan ko munang paalisin ang hiyang hindi ko naman alam kung saan nanggaling.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Hindi na ako pamilyar dito dahil medyo marami ng puno ang nakapaligid pero alam kong nasa syudad pa rin kami, may tiwala naman ako kay Ali kaya alam kong wala siyang gagawing masama sa akin saka marunong naman ako ng self defense.

Hindi ko inalis ang paningin ko sa labas dahil sobrang nakakarelax at ang gaganda nito. Hindi ko alam na mayroon pa lang ganito sa amin. Nagtigil lang ang pagmumuni muni ko nang huminto ang kotse.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ng pinto ni Ali dahil kaya ko naman. Napailing ko, sino naman ang nagsabi na pagbubuksan niya ako ng pinto? malala na talaga ako.

"Nasaan tayo?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya pero ngiti lang ang naisagot niya.

Sumunod lang ako sa kanya nang dire-diretso siyang pumasok sa loob. Madaming bulaklak sa paligid pero sa tingin ko ay hindi iyon flower shop dahil wala namang nakasulat sa labas. Siguro ay kakilala niya ang may ari ng garden na 'to.

Nanlaki ang mga mata ko at umawang ng kaunti ang labi nang makita kung nasaan kami. Napakaganda!

Hindi kami nasa bundok pero kitang kita dito ang view. Marami ring bulaklak sa paligid at may dalawang puno na magkalapit. May duyan na nakasabit sa isang puno na sa tingin ko ay kasya ang tatlong tao. Patakbo akong lumapit dito at umupo.

Nakangiti kong binalingan si Ali na nakangiting nakatingin sa 'kin.

"Anong lugar 'to? bakit ang ganda? sure ka bang nasa syudad pa rin tayo?" sunod-sunod na tanong ko na ikinatawa niya lang.

Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa harap.

"Welcome to my comfort zone!." Ali exclaimed.

Napatawa ako dahil doon, ang cute niya at umalog nang kaunti ang pisngi niya.

"Lagi ka bang nandito?" tanong ko ng hindi inaalis ang tingin sa harap.

"Oo, tuwing pagkatapos ng exam o kaya kapag stress ako or bored," sagot niya.

Sa totoo lang ay ito ang unang beses na may nakasama akong lalaki na hindi related sa school. Malaki ang tiwala ko kay Ali at hindi ko alam kung bakit, siguro ay dahil mag iisang buwan ko na siyang kilala at muka naman siyang harmless. Dadalhin ba niya ako sa ganitong kagandang lugar kung may masama siyang balak.

"So may I ask?" nag-aalangan na tanong ko at lumingon na sa kanya para makita ang reaction niya.

"Sure," he agreed while preparing our food.

May dala na pala siyang macaroons at milk tea no'ng pumunta siya sa bahay. Muntik ko na siyang hampasin buti na lang nakapagpaliwanag siya agad.

"Ahm, bakit ka naging ganyan? I mean, medyo naging malaman. No offense ah," sa kagustuhan kong maging maingat sa pagtatanong ay nautal tuloy ako.

Sumandal siya sa duyan "Hmm, na stress ako tapos pagkain yung naging stress reliever ko ayun nasanay na kong kumain kaya kahit hindi ako stress ako kumakain pa rin ako," nakangiting aniya saka tumingin sa akin.

Hindi ko alam kung namamalik mata lang ako pero may dumaan na lungkot sa mga mata niya na agad ding nawala. But, there is something in his eyes na hindi ko maipaliwanag kung ano, pinilig ko na lang ang ulo ko at ipinagsawalang bahala iyon. Baka pagod lang siya.

Tumayo siya at humarap sa akin.

"Masarap?" Napatingin ako kay Ali na kanina pa pala nakatingin sa akin nang itanong niya iyon.

Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain.

"I'm glad na nagustuhan mo." sabi niya.

Huminto ako sa pagkain saka uminom ng milktea.

Tumingin ako sa kanya at sa pagkain niya, parang hindi nababawasan samantalang kanina pa siya kumakain.

"May isa pa akong tanong," bulol na sabi ko dahil sa punong pagkain na nasa bibig ko.

"No'ng binabawi ko yung strawberry milk ko, bakit mo nilapit lahat ng pagkain mo sa 'yo ah,"

Medyo nainis pa no'n ako dahil pakiramdaman ko ay patay gutom ang tingin niya sa akin pero habang inaalala ko iyon ngayon ay natatawa na lamang ako.

"Makatingin ka kasi sa akin ay parang gusto mong kainin yung mga pagkain ko o ako," paliwanag niya na may halong biro.

Nanlaki naman ng mga mata ko sa panghuling sinabi niya. Parang gusto kong ipukpok ang ulo ko dahil ibang kain ang naiisip ko.

Nagbalik lang ako sa ulirat nang pitikin niya ang noo ko. I pouted "Ano ba?!" mangiyak-ngiyak kong bigkas habang hinihimas-himas ang noo ko. Sa laki at bigat ng kamay niya ay sobrang sakit talaga nito.

"Yung isip mo!" asik niya.

Ngumisi ako "Bakit? ano bang iniisip ko?" pa-inosente kong tanong. Napatawa ako nang bigla siyang namula at nagiwas ng tingin.

"Ikaw ah," binigyan ko siya ng nakaasar na ngiti at tingin dahilan para lalo siyang mamula.

"Stop teasing me!" medyo iritang sabi niya. Imbis na tumigil ay lalo ko pa siyang inasar. Dapat nga ay ako ang inaasar niya ngayon dahil ako ang may maduming naisip kanina pero dahil sa pagpapainosente ko ay siya ngayon ang naasar.

Hindi ako tumigil sa pang-aasar sa kanya kahit na kumakain kami habang siya ay tahimik lang na kumakain pero nakakunot ang mga noo. Pikon.

Nang nalapit na kaming matapos ay tumigil na ako sa pangaasar baka mapuno ito at pauwiin na ako bigla mahirap pa naman sumakay ngayon. Tumayo siya at tumayo na rin ako nang tapos na kami. Nakasunod lang ako sa kanya palabas.

"Tara na, mag gagabi na." aya niya at tumalikod.

Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya nang hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi. Akala ko ay sa sasakyan niya kami pupunta ngunit dinala niya ako sa isang puno. Nauna siyang umakyat at sinenyasan niya ako na sumunod sa kaniya.

Maya't maya siyang lumilingon at inaalalayan ako kung kailangan. Napaawang ang labi ko sa pagkamangha nang makita ang nasa loob. Tree house!

"Wow!" manghang ani ako.

Dahil sa pagka-excite ay hindi na ako nakapagpaalam, basta na lang ako pumasok at tiningnan ang loob.

"Puwede pa ba uli ako pumunta rito?!" I chirped.

"Of course, anytime,"

Dahil sa sobrang saya ay hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin si Ali. I feel him stiffened dahil sa ginawa ko, I chuckled in my mind.

"Thank you, bespren!"

Nag-stay pa kami roon ng ilang oras, hindi ko akalain na may mga pagkain din doon kaya kumain uli kami. Feeling ko tataba ako kung lagi kong kasama si Ali.

Gusto ko pa sanang mag-stay pa roon ng ilang oras pero hindi na puwede dahil gabi na. Ali assured me na puwede pa akong bumalik doon kung kailan ko gusto and mas better kung kasama ko siya.

"Thanks for today, Ali. Sobrang nag-enjoy talaga ako ako." Yumukod ako sa bintana para makita siya nang makababa ako sa kotse.

"That's good to hear. I hope you smile more often. It suits you,"

Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya. Ito talagang si Ali, uuwi na nga lang pakikiligin pa ako.

"Maggagabi na. Go home." Taboy niya sa akin.

Nakangiti akong sumaludo. "Aye Aye Captain!" Pagkatapos ay kumaway sa kaniya bago tumalikod, hindi nawawala ang ngiti. Papasok na sana ako sa gate nang tawagin niya ako.

"Jam,"

Lumingon ako sa kaniya nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagtatanong akong tumingin. And for the third time, I saw his genuine smile.

"Thank you for accepting me."

After that, pinaandar na niya ang kotse niya at naiwan akong hindi makapaniwala sa nakita at narinig.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height